CHAPTER 20

59.6K 799 8
                                        





VHEA'S POV



Biglaan naman tong honeymoon na 'to oh. Gumising pa tuloy ako ng pagka-aga-aga para lang sa early flight namin ni Hans. Akala ko makakatulog na ko ng mahaba ngayong bakasyon. Hindi pa pala.

Ang tagal namin mag board, nakakainip na. Inaantok pa ko, gusto ko talaga matulog. Pumikit nalang muna ako kasi di na talaga kaya ng mga mata ko.. maya maya nagulat ako dahil parang napaso yung pisngi ko. Napabalikwas ako sa pagkaupo tapos tinignan ko kung ano yung mainit na bagay na dumampi sa pisngi ko. Pagtingin ko kape pala yun na hawak ni Hans.



"Oh.." sabay abot sakin ng kape.



"Pwede mo naman ibigay nalang hindi yung dinidikit sa pisngi ko, ang init kaya!"



Ininom ko yung kape. Ayos, nawala konti yung antok ko.



"Hans, maganda ba yung pupuntahan natin?"



"Malay ko, hindi pa ko nakakapunta dun eh."



Bakit ba kasi ako nagtanong as if naman na sasagutin ako ng matino nitong lalaking to. Tumahimik nalang ako. Di ko talaga maintindihan siya, minsan ang bait minsan naman masungit. Bipolar talaga tong lokong ito.



"Tara na, six am na, magboard na tayo."

Kinuha ko yung bag ko, ang dami kong dala tapos ang bigat pa.


"Hans, patulong!"

"Kaya mo na yan!"


Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, kanina pa patay si Hans! Napakasama talaga ng ugali ng hudas na ito. Gagantihan ko talaga to pagdating namin sa Palawan. Kala niya! Nakaboard na kami ng plane tapos nagbigay ng instructions samin yung stewardess. Ako, hindi na ko nakinig, natulog ako kagad.



"Vhea, gising na nandito na tayo."



Nagising na ko tapos tumingin ako sa bintana. Natatanaw ko yung dagat.



"Wow, ang ganda naman dito!"



Nagsalita ulit yung stewardess.



"In just a few minutes, we'll be landing soon. Enjoy your vacation passengers."



Tapos naglanding na yung eroplano. Kukunin ko na sana yung maleta ko nang biglang kinuha ni hans.



"Ako na, baka sabihin mo masama akong asawa."



Umismid nalang ako tapos hinayaan ko nalang siya na bitbitin. Mas pabor sakin yun. Sumakay kami sa isang jeep papuntang San Jose Coron. Isang municipality dito sa Palawan. Dun ang resort na pinabook ni mama samin ni hans. Habang bumabyahe hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita ko. Parang walang polusyon na napadpad sa lugar na iyon. Si Hans naman nasa tabi ko at inilabas ang DSLR niya at kumuha ng mga pictures. I can't blame him, anyone who would see this kind of scenery will surely fall in love with the place. Mga thirty minutes din ang byahe tapos nakarating na kami sa sakayan ng bangka para makapunta sa resort. Thirty minutes din yung boat trip hanggang sa makarating na kami sa El Rio Y Mar resort.





Agad na kaming pumunta ni Hans sa reception area. Sinabi namin ang reservations namin. Punong-puno na ang hotel kaya buti nalang nakapagreserve na si mama para samin. Ang ganda kasi talaga dito. Sumakay na kami sa elevator tapos pumasok na sa suite namin. Inayos lang namin ni Hans yung mga gamit namin tapos lumabas na kami para makapamsyal. Syempre nagpumilit ako.





Arranged For You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon