CHAPTER 5

73.9K 1K 23
                                    

Mga ilang minuto na din ako nakatunganga dito sa bahay di ko namalayan na six thirty pm na pala?! Seven pm pasok ko sa Bistro Lounge kung saan part time waiter/singer ako.


"Oh shit.. malas!" Inis na sabi ko sa sarili.

Dali-dali na ko nagpalit ng damit tsaka tumakbo na papunta sa work.

Dahil nga sa nagtitipid ako, sayang lang kung mamamasahe pa ako. Kung tatakbuhin ko lang papuntang work, makakatipid pa ako. Kaya lang kailangan kong bilisan dahil malelate na ako. Malayo pa ko bago ako makarating sa lounge.

Saktong seven pm nakarating na ko sa trabaho. Nagpalit na ko ng uniform sa may locker room at lumabas na. Madaming customers ngayon halos mga estudyante. Malakas ang lounge lalo na pag fridays and saturdays dahil nag a-unwind ang mga estudyante. Malapit lang kasi ang lounge sa iilang universities kaya dagsa ang mga college students.

"Oh Vhea, nanjan ka na pala. Dalin mo 'tong order sa table seven at madami pa kong aasikasuhin. Grabe .. ang daming tao pero keri lang, madaming papabols!" Tila ng katrabaho kong bakla.



"Ay nako Antonio! Umayos ka nga nasa trabaho tayo baka mamaya mawarningan ka nanaman ni Mrs. Manzano dahil jan sa kalandian mong yan." Suway ko.



"Ano ba! YUCK! Antonio?! Sipain kaya kita sa tadyang. It's Antonnete honey okay? O,dalin mo na yan sa table seven at baka magreklamo ang mga customers."


Pumunta na ko sa table seven at sinerve na ang orders nila.Aalis na sana ako nang bigla ako tawagin ng customer.


Lumapit ako. "Bakit po sir? May ipadadagdag pa po ba kayo?"




"Pakipalitan naman itong Orange juice, ang order ko kasi ay Iced tea. Nagkamali ata."



"Ah ganon po ba sir. Sige po.. wait lang po ah."



Nilagay ko ang orange juice sa tray na dala ko and I flashed my sweetest smile at them. Tumalikod na ko at naglalakad na ko papuntang counter. Grabe siksikan na sa lounge.. ang dami talagang tao .. tapos may naghaharutan pa. Tss.. mga damulag talaga. Sa hindi sinasadyang pangyayari nabunggo ako nung naghaharutang lalaki at tumumba ako pero may lalaking nakahawak kagad sakin pero sa kamalas-malasan eh yung juice ay tumapon sa damit niya. Pagtingin ko sa mukha niya, napatulala ako! Ang gwapo naman nitong lalaki. Pero yung mata niya ang talim. At take note..sakin nakatingin..

Pagtingin ko ulit sa t-shirt niya super basa na at kulay orange na talaga.. mukha pa namang may date ito. Naku, paano na 'to. Isip Vhea.. Isip!

"Ah.. sir. Nako po. Sorry po! Hindi ko po sinasadya.." Kinuha ko yung panyo sa bulsa ng uniform ko at pinunasan ang damit niya.. pero kumalat pa lalo!

"Aisshh.. What the fuck miss!"

Tinanggal niya ang kamay ko at tinulak ako ng mahina para makalayo sakanya.

"Tatanga-tanga ka kasi.. I really hate stupid girls.. Now look at my shirt. You ruined it!"


Aba! Stupid?Ako? Baka masapak ko 'tong gwapong asungot na 'to. Kahit na gwapo 'to, pangit na ang tingin ko dahil sa ugali! Ako? Stupid! Huh! Scholar ata 'to ng university namin!

Lalaban na sana ako nang biglang dumating si Mrs. Manzano at Antonio. Pagtingin ko sa paligid nakaka-agaw narin pala kami ng pansin sa mga tao.

"Sir, I'm really sorry for what happened. My employee doesn't mean it." pagtatanggol sakin ni ma'am.

"May magagawa pa ba ko, next time train them properly."

"Yes sir. Again,I'm really sorry."

Umalis na ang lalaki pero feeling ko hindi parin ako ligtas.

"Ms.Adriano see me in my office now."


Sabi na nga ba eh. Patay siya!

Tinignan ko si Antonio at binigyan lang niya ko ng 'kaya-mo-yan-friend' look.at nag 'aja' pa sa'kin.

Haaayyy.Naku! Pahamak talaga yung lalaki na yun! Bwisit!

Swear pag nagkita ulit kami. Titirisin ko siya ng pinong-pino hanggang sa maglaho siya sa planet Earth.

Oh,Diyos ko. Kayo na bahala sakin. Whew.

Eleven pm ang labas ko sa lounge dahil umaga ang pasok ko kinabukasan.

Buti nalang warning lang ang binigay sakin ni Ma'am. Di naman siya galit kasi nakita niya yung nagyari na nabunggo lang ako. Pero kahit na ganon daw kailangan daw umintindi kami dahil sa lecheng rule na "Customers are always right" .


O diba? Sino ba ang nagpauso ng rule na yan at ng matadyakan! Peste talaga ang lalaking yun.. sakin pa talaga nanggagalaiti. Well.. partly may kasalanan naman ako pero syempre di ba? Aksidente yun for pete's sake!

Ewan! Nakakahigh blood lang. Di ko nalang yun iisipin.. Di ko na naman siya makikita ulit eh. Grabe sobrang pagod ko , mga 11:30 nakauwi na ko.. nadatnan ko si Dad sa sala umiinom ng kape.


Nakalimutan ko pala na ikakasal na pala ako.. di muna ako tuluyang pumasok dahil parang umiiyak si dad. Hawak ang picture ni mommy.


"Cathy,, mahal ko. Tama naman ang ginawa ko hindi ba? Tinupad ko na ang pangako ko sayo na ilalagay sa mabuting kamay ang prinsesa natin. Pero ayos lang naman sa ganitong paraan di ba? Ayoko nang nakikita ang anak natin na nahihirapan dahil sa kagagawan ko. Alam ko maaalagaan siya nila Rico.. alam ko na hindi siya pababayaan. Ang bata pa ng anak natin, oo alam ko pero ito nalang ang paraang naiisip ko para di na gumulo ang buhay namin, ang buhay niya. Alam ko balang araw maiintindihan niya ko. Miss na miss na kita alam mo ba yun? Pangako.. aalagaan ko at babantayang mabuti ang nag-iisang prinsesa natin. Basta gabayan mo kami ha? Mahal na mahal kita Cathy.. sana nandito ka.."





It's my first time to see my dad cry like that. Nung namatay naman si mommy di siya umiyak para ipakitang malakas siya. But now, my heart melted.. ganito na ba talaga nahihirapan ang dad ko? Ayoko siyang masyadong nag-aalala lalong lalo na sakin. I want him to enjoy his life..

Tama ba 'tong gagawin ko? Para mapasaya ang dad ko? I'll give him the answer. Buo na ang desisyon ko. Para sa daddy ko.. para narin sa mommy ko. Alam ko alalang-alala na si dad sakin,I want him to be happy from now on kaya kahit labag parin sa loob ko. Payag na ko.







Payag na ko magpakasal. Payag na ko sa arranged marriage na yan.







Mom, ligtas naman ako diba? Magiging maayos din ang lahat di ba?

------

Follow @kendeys
Twitter/Instagram/Ask.fm

Arranged For You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon