Matapos ang aminan kagabi, aaminin ko nakakaramdam parin ako ng ilang kay Hans pero pinipigilan ko nalang.Ngayon, sabay kami pumasok sa school at take note nakahawak siya sa kamay ko. Nahihiya na nga ako eh, kasi ang dami na ng nakatingin. Like hello? Sikat kaya tong si Hans.
Pero parang wala lang si Hans, tinatangka ko hilahin yung kamay ko pero hinihigpitan niya pa lalo yung hawak. Nang ng teteng. Kinikilig ako, baka sunggaban ko tong lalaking ito. Hahahaha. De, joke lang. May hiya pa naman ako sa sexy kong katawan nuh.
Hinatid na ko ni Hans sa building namin, at sakto andun na si Jorge.
"Yiiiee. Ano yan ha?"
Kantyaw ni Jorge. Alam na rin ni Hans na alam ni Jorge kung ano ang relasyon namin. Sinamantala ko na kagabi .. inamin ko na.
"Ano ka ba Jorge." kunwaring inis ako pero kinikilig.
"Jorge, kaw na bahala kay Vhea ko ha?"
"Aba! Ano ko julalay o kaya yaya?"
Tumawa nalang din ako.
"Sige na Hans, dito na ko. Pumasok ka na at baka malate ka pa."
"Sige. Bye! Aral mabuti."
Umalis na si Hans, at pumasok na rin kami ni Jorge sa room
As usual pinagtitinginan nanaman kami. At ang tatalim ng mga tingin ha. Kung kutsilyo lang siguro ang mga mata tadtad na ako ng saksak. Tsk.
Pumwesto na kami ni Jorge dun sa dulo. Dun naman kami palagi eh. Para iwas tao.
"Oh, go. Kwento na!"
"Atat?"
"Dali!"
Dahil na din sa kakulitan ng isang ito eh no choice na ko kinwento ko na sakanya lahat ng nangyari kagabi. Simula sa laro,sa pag-amin ko,sa pag-alis ng bahay basta lahat lahat!
"EEEHHH. Nakakakilig naman iyan Vhea.. ikaw na! Ikaw na talaga!" pabulong lang yung sabi ni Jorge kasi baka alam niyo na .. may makarinig.
"Ang saya ko talaga Jorge!"
"Halata nga. I'm so happy for you. Sana magtuloy-tuloy na!"
"Sana nga!"
Nagkwentuhan pa kami ni Jorge tungkol sa buhay buhay hanngang sa makarating na yung prof namin. Syempre nakinig na muna kami ni Jorge.
Tatlo lang ang subject namin kaya maaga uwian. Palabas na kami ng building namin, nakita ko naman si Hans na nakasandal sa may entrance ng building namin. Nang makita ako, umayos na siya ng tayo at pumunta sakin.
"Let's go?"
"Ha? May lakad ba tayo?"
Pero hindi niya ko singaot kinuha niya lang yung dala kong libro at hinawakan na ko sa kamay. Nagpaalam nalang kami kay Jorge tapos pumunta na sa parking lot.
Kung nagtataka kayo kung bakit maaga din uwian nitong mokong na ito, dalawa lang kasi subject niya.
Pinapasok na niya ko sa kotse pero di pa niya pinapaandar.
"Kain muna tayo. Di pa ko nagla-lunch eh. Hinintay kita para sabay na tayo."
"Sige."
BINABASA MO ANG
Arranged For You [Fin]
Teen FictionNapilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.