CHAPTER 26

55.1K 855 13
                                    

Parang kailan lang nung ikasal kami ni Hans..

Parang kailan lang nung nagpunta kami ng Palawan para sa honeymoon namin..



Parang kailan lang nung umalis sila Dad papuntang States..



Parang kailan lang nang lumipat kami sa bago naming bahay...


Parang kailan lang nung umalis si Ynna..


Tapos ngayon.. ngayon ang araw...


ENROLLMENT NA!



Isa lang naman ang ibig sabihin niyan eh. May pasok na next week. Late na kasi kami nag enroll nitong si Hans eh. Dito na ko sa university niya papasok. Kasi sabi nila mama na dapat pareho nalang daw kami ng school na papasukan ni Hans para mabantayan niya ko. Eh baka nga siya pa bantayan ko dito eh. Ang ganda na campus.. para kang nasa isang kaharian. Ibang iba sa state university na pinapasukan ko. Ang lalaki ng mga buildings tapos yung grass field nila super green at ang ganda talaga. Nakakamangha. Halatang pangmayaman ang lang ito. Mga sosyal lang at may "K" ang pwedeng pumasok. 'K' for kwarta.


Nakapila kami ngayon ni Hans para magbayad ng tuition. Siya nadin may sagot sa tuition ko. Syempre di ako pumayag kasi nga may utang na nga kami sakanila tapos sila pa tutustos sakin. Pero hindi nagpatalo ang parents ni Hans kaya no choice na ko.


"Number 57" sabi nung voice over. Andito kasi kami sa cashier eh. Lumapit na si Hans dun kasama ako siyempre.


"Hans Jakob Torres BSBA.. full payment." pagkasabi ni Hans nun eh pindot na si ateng cashier sa computer niya at mamaya chenen! Ayun na ang COR niya. Pagkatapos kay Hans sinunod naman niya ko.

"Vheatrice Nicole Adriano.. Culinary Arts transferee, 3rd year. Full payment."

Then ayun nananman si ate.. type type type.. and viola! Ayun na din ang COR ko. Pagkatapos namin dun sa cashier lumabas na kami ni Hans. Nakasunod lang ako sakanya. Wow, ngayon ko lang napansin na ang cool pala ng asawa ko. Napapatingin samin ang mga tao particularly ang mga babae.







"Uy, si Jakob oh! Wow.. hindi parin siya nagbabago. Ang cool talaga niya.."







"Did you guys heard na wala na sila ni Ezza?"







"Oh talaga? Sayang. Tagal din nila nu?"







"Buti nga yun para masolo na natin si Jakob. Yiiiieeee!!!"







At di lang pala siya cool. Mukhang sikat din tong mokong na to dito ah. Narinig ko nanaman si Ezza.. haay. Sayang talaga.. kung di lang talaga ko um-extra sa love story nila... Tsk! Wag mo na nga isipin yun Vhea.. wala na si Ezza. Nasa ibang bansa na kaya wag ka na mag-isip ng kung anu-ano.. Hinabol ko si Hans at sinabayan siya sa paglakad.





"Uy, artista ka ba?"







"Why do you ask?"







"Eh sikat ka pala eh! Ang daming may kakilala sayo."







"Because I'm Hot."







Wait? Ano daw? HOT?????







"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!!!!! Nagets ko yun!" tumawa ko ng tumawa na ikinahinto ko ng paglakad. Pati si Hans napahinto at tumingin sakin..





Arranged For You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon