Fourth day na namin ni Hans dito sa resort. Kahapon wala naman kami ginagawa kundi namili ng souvenirs tapos nag movie marathon lang kami sa suite namin. Ngayon, mag a-island escapade kami. Exciting. Doon madaming activities tulad ng snorkling,diving,sailing and cliff jumping.
"Ano uunahin natin?" tanong ko kay Hans.
"Hmm.. ano ba maganda? Gusto mo snorkling nalang muna?"
"Sige sige. Maganda yan tapos huli natin yung cliff jumping ah?"
Tumango nalang siya tapos umakbay sakin. Ang sarap pag ganito. Walang problema, walang epal. Basta kami lang. Ang sarap din ng pakiramdam ng hangin.
"Sarap!"
Napalingon ako kay Hans. Anong masarap ang sinasabi nito?
"Ano?"
"Sabi ko ang sarap ng buhok mo,. Nakakain ko na, wala ka bang panali?"
"Ay, sorry. Wala eh.. hayaan mo hahawakan ko nalang."
Ilalagay ko sana sa isang side yung buhok ko tapos hahawakan ko nalang ng bigla niyang kinuha yung panyo niya tapos tinali iyon sa buhok ko.
"Ayan, hindi na hahanginin." he said then smiled.
Mga thirty minutes nakarating na kami sa isang island sa Coron. The place was magnificent, trees are everywhere, the clear blue sea will make you fall in love with it. Sinuot na namin ang snorkels and flippers namin then nag-umpisa na kami sa snorkling. Ang gaganda ng mga fishes! Tapos yung mga corals din ang gaganda. Pagkatapos naming mag snorkling, diving at sailing naman ang ginawa namin. Hindi talaga makakaila ang ganda ng paraisong ito. Talagang pinapangalagaan nila ito.
"Oh,tara cliff jumping na. Fifteen ft ang tatalunan mo ha?"
"Ha? Ang taas naman nun hans! Wala bang ten ft? O kaya five ft nalang kaya?"
"Eh ba't ka pa mag ki-cliff jumping kung hindi naman mataas ang tatalunan mo? Let's go up!"
Hinila na niya ako paakyat. Tinignan ko yung tatalunan ko. Napalunok ako. Napasubo ata ako ah! Ang yabang ko kasi eh! Kainis!
"Una ka na.."
"H-Hindi.. ikaw nalang mauna, tapos hintayin mo ko sa baba."
"Okay.. here I go. One,two,three!"
Tumalon na si Hans. Then I heard a big splash.. hala! Ang taas talaga. Baka malunod ako kapag bumagsak ako sa tubig. Yun lang naman ang kinakatakutan ko eh. Ang malunod. Hindi kasi ako marunong lumangoy.. wala pa naman akong life vest.
"VHEA! JUMP. YOU WILL NOT REGRET IT. I'M WAITING.." narinig kong sigaw ni hans. Okay lang yan Vhea, sabi niya naghihintay siya sa baba. Huminga muna ako ng malalim..
One...
Two..
Three..
then I Jumped.
Pikit-matang tumalon ako. Bahala na! Nang tumama na ang katawan ko sa tubig, it gave a huge impact. Hindi ko alam kung papano na ako aangat.. puro tubig.. nakakainom na ko. Ayoko pa mamatay.. HANS. Sabi mo di mo ko iiwan!

BINABASA MO ANG
Arranged For You [Fin]
TeenfikceNapilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.