This is the day, the day na aalis na ang super bestfriend ko. Mamimiss ko siya sobra. Hindi ko aakalaing aalis siya at iiwan ako. Akala ko makikita pa namin ang isa't isa magkaanak,magkasariling pamilya. Ang lungkot ko talaga!Ah, oh and kasama ko din si Hans. Actually siya nga yung gumising sakin eh. Nagvolunteer na din siyang ihatid ako dito sa airport. Ang bait niya ulit sakin alam nyo yung naloloka na ko kung bakit siya ganyan. Napaka-bipolar. Bwisit. Anyways, ayun nga sinamahan nga niya ko pagkatapos namin kumain ng almusal na siya mismo nagluto. At nagulat ako dahil magaling at masarap siyang magluto. O kaya dahil lang sa gutom ako??? basta! Yun na yun!
Ayan na.. it's time. Magbo-board na sa plane sila Ynna. Niyakap ko ang kaibigan ko. Yung sobrang higpit.
"Vhea, di pa ko mamatay nu. Parang lilipat lang ako ng bansa nu." sabi ni Ynna na halata namang nagpipigil ng luha.
"Ynna, wag ka magpapagod dun ha. Mag-iingat kayo dun, lalo ka na. Tapos mag-aral kang mabuti. Wag mo kong kakalimutan kung hindi lilipad ako papunta dun para lang batukan ka! Hmm.. ano pa ba?"
Niyakap ko nalang si Ynna. Gumanti naman siya ng yakap. Then kumalas siya and turned to Hans.
"Oy, Torres aalagaan mo tong super friend ko ha! Hindi yan pakiusap kundi an order! That's an order okay? Pag nalaman ko na sinaktan mo tong kaibigan ko magpapalipad ako ng missile sayo mismo! Please bear with my friend. I know she has many shortcomings pero be patient with her. She's very special. Kung lalaki nga lang ako, ako nalang ang nagpakasal sakanya."
"Don't worry. I will take care of her if she would let me." Pagkasabi niya nun tumingin siya sakin as if the last five words were meant for me. Pero I ignored it. Ang importante ngayon is yung kaibigan ko.
"Good. O, paano aalis na ko. Mag-iingat kayo ha? Stay in touch. Ciao everyone. 'till we meet again"
"Yes. Goodbye" sabi ni Hans.
"Bye friend! I love you!" sigaw ko sakanya.
I saw her waving goodbye and mouthed the words I love you too.
After a few minutes, umalis narin kami ni Hans at pumunta sa isang chain ng restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nila. Dun na kami kumain dahil tanghali na rin. The place was just so cool, and relaxing ang set-up. Kumain lang kami ng tahimik, walang umiimik. Apektado parin ako sa pag-alis ni Ynna.. tapos biglang may pumasok sa isip ko..
I will take care of her if she would let me...
if she would let me ,,
if she would let me....
if she would let me..
Shit! Paulit ulit lang????? anong ibig sabihin nya? Na ayaw ko siyang alagaan ako? Kailangan pa ba ng permiso ko para alagaan niya ko? Couldn't he do it himself without my permission?
Ah. ayoko na mag-isip. Nakakatuyo ng utak. Piga na eh. Wala ng mapipiga pa.
If she would let me...
Ah! Leche! I can't take it anymore.. I need his answer. Right now!
"Hans."
BINABASA MO ANG
Arranged For You [Fin]
Teen FictionNapilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.