Clairen Tape (I protected her)
Diana POV
After ng class ko dumeretsyo na ako agad pauwi ng bahay, binuksan ko yung box at hinalungkat kung may tape si Clairen. Siya yung last person na nabanggit Ni Franki sa tape ni Britt.
Ano kayang nangyari after nun. After ko makita yung tape nilagay ko na agad siya.
I'm about to play the tape nong may napansin akong name ni Clairen sa map na nakalagay sa box. Kinuha ko muna to at tinignan.
Nakalagay yung name ni Clairen sa isang beach resort na malapit sa school.
Bumaba ako ng basement para icheck kong nasa garahe ba yung sasakyan ng mom ko. Nakita ko ngang nakaparada to, kaya cheneck ko kung nasa bahay na ba parents ko.
Nakita ko nalang na may note sa ref. Nakasulat dito na madaling araw na sila makakauwi. Chance ko na to para magamit yung sasakyan. Nagmadali akong pumunta ng garahe at pinaandar yung sasakyan.
Halos kalahating oras din ang byahe kaya naisipan kong iplay yung tape.
Clairen Tape - 2
Hi Clairen. This tape is for you, first of all, Thank you.
Do you still remember the day when you approached me. I'm emotional that time, yun yung time na nasaktan ako sa nakita ko kay Britt.
Actually nagpapasalamat talaga ako nong time na yun kasi napatawa moko. Nahihiya ka pang lumapit sakin, natatawa ako kung paano ka mahiyang lumapit, hindi ka sure kung anong sasabihin mo sakin, di ka sure kung tama bang lapitan moko, di ka sure kung bakit andun ka nong time na yun at hinahanap moko.
Paulit ulit mo lang sinasabi yung name ko, and honestly I love the way you call my name. It's too sweet and sexy. Ikaw lang ata nakakapagbanggit ng name ko ng ganun kasexy.
And then atlast, sinabi mo pakay mo, you want me to tutor you with one of your subjects. Hindi ko nga alam kung paano mo nalaman na magaling ako sa subject na yun until you said na classmate kita. Nagsorry pa ako kasi hindi ko maalalang classmate kita. Then you told me madalang ka ngang pumasok dahil sa kakaraket mo bilang isang model.
You love modeling kahit studies mo na yung nakasalalay. Sinabi mo pa sakin na galit na parents mo sayo dahil dun, sinubukan mong iwasan pero alam mo sa sarili mo na you love that career.
Madalas kasama mo ako sa photoshoot mo, dahil after non nagtututor na ako sayo, I love how focus you are sa tuwing tinuturuan kita. Ibang iba yung facial expression mo sa camera at sa personal. Minsan di ako makatingin ng deretsyo sayo kasi nahihiya ako the way you look at me. I feel like you are not just looking to my eyes but also to my soul. I feel so different about it.
You also have different kind of smiles, nakakabilib nga kong paano mo nagagawa yun sa camera. Sometimes I even found my self checking you out. Madalas sa photoshoot mo nakabikini ka lang. Sa totoo lang ang ganda ng katawan mo, you got abs, curves and feminine muscles. Minsan nainggit ako, I tried not to eat just to have that body but I failed. I got sick. You are so worried that time kasi di ako nakasipot sa usapan natin, pumunta ka ng bahay to take care of me, you cooked, you helped me and you even massage my feet. You are too nice and too sweet, naaalala ko si Britt at natatakot ako na sa huli iwan mo din ako sa ere. Kaya I decided to quit as ur tutor.
Sobrang nag alala ka nong sinabi kong magquiquit na ako bilang tutor mo, halos umiyak kana sa harap ko kakatanong kung bakit, nakita ko sarili ko sayo nong tinatanong ko sarili ko kung bakit nga ba umiwas sakin si Britt.
Hanggang sa hindi ko na nakayanang tumahimik nong makita kong umiyak kana talaga, kaya sa huli sinabi ko sayo yung abot samin ni Britt.
Nagulat ka sa sinabi ko, you hug me and promised me na di ka lalayo, na di ka tutulad sakanya. That you can be my bestfriend.
Madalas pagod kana sa photoshoot, minsan nakakatulog ka na habang tinuturuan kita. One time nga pinatulog moko sainyo, dahil sobrang late na natapos yung photoshoot. Hindi mo alam na sobrang kabado ako that time kasi you are almost naked na tulog sa tabi ko sa kama.
Lalo ako nawindang kasi pag gising ko nakayakap ka sakin, and part of your cleavage nakadikip sa braso ko. Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko that time, sobrang kabado ako, ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hanggang sa magising ka, nakalock sa mata ko yung mga mata mo, and i feel like drowning in those gray eyes. Nakatingin ka lang sakin magdamag, natatakot rin akong kumilos dahil di ko alam kung anong irereact ko.
You said something that made me deaf from that moment. Para akong nabingi sa sinabi mo, lalo na sa ginawa mo. Parang akong natunaw. My body is slightly shaking, I'm so intense until I found myself kissing you back. You continued kissing me. I wanted to stop you, I wanted to push you but I just can't.
I don't know how to face you after that incident.
2 days tayong nagpahinga sa pagtutor ko sayo, pareho tayong di alam ang sasabihin sa isa't isa.
Sa tuwing makakasalubong kita, Alam kong gusto mo akong kausapin pero pareho tayong takot.
Hanggang sa may kumalat na picture sa campus.
Picture mo na may hinahalikang babae.
At ako yung babaeng yun! Pero dahil nakatalikod yung kuha ko, ikaw lang yung naexpose nun.
Halos lahat ng mga estudyante nun pinag-uusapan ka nila, may mga chismis pa na nagsspread na you are dating girls for money. Ang dami pang kumakalat na hindi totoo like you are dating old guys for money too, that you are prostitute not a model.
Sobrang nasasaktan ako para sayo dahil alam ko kung gaano mo kamahal yung career na yun tapos dudungisan lang nila.
Diko alam kung anong gagawin ko. Gusto kitang iapproach that time. Gusto kitang ipagtanggol pero ayaw mo.
Hanggang sa isang araw, I saw you with Britt. Holding hands. Wala kang alam kong gaano ako nasaktan, you betrayed me with Britt. Nangako kang di moko iiwasan, nangako ka pero anong ginawa mo!
You killed me Clairen.
-----The tape stopped.
Nakatingin lang ako ngayon sa malaking window kung saan nakunan yung picture ni Clairen na kumalat sa campus.
So, its Franki. Para akong sinaksak ng ilang beses, nasasaktan ako. Dalawang beses na siyang nasaktan. Gusto kong bumalik yung mga oras na yun at kunin siya sa situation na yun para di siya masaktan ng ganun.
Binuksan ko ang makina ng sasakyang dala ko at pinaharurot papunta sa photoshoot ni Clairen ngayon.
Nakita ko kung paano nashock at parang binuhusan ng yelo yung buong katawan ni Clairen ng makita niya ako sa set nila. Mukhang narinig narin niya yung about sa tape niya. She excused herself sa photographer niya.
"Don't get mad at me". Bungad niya sakin pagkalapit niya. At this moment gusto ko siyang sampalin sa pang iiwan niya sa ere kay Franki. Tapos sasabihin niya wag ako magalit.
"Ur shit Clairen" gusto ko na talaga siyang sampalin pero hinawakan niya kamay ko.
"I did it with a purpose." ano bang pinagsasabi niya. Yung pang iiwan niya, pagsama niya kay Briff, anong purpose niya!
"I protected her Diana. Fionatit have the picture of me kissing Franki with clear face reveal of Franki. Fionatit asked me to ditch Franki, tapos sinabi pa niya na dapat may ireveal akong ibang girl at sabihing siya yung kahalikan ko sa picture. Kung hindi ilalabas niya yung picture na hawak niya, ayokong mabully si Franki, ayokong maramdaman niya yung shame na naramdaman ko nong kumalat yung picture na yun. She's too precious for me. Wala akong choice. Alam kong masasaktan ko siya pero wala akong choice. Okay na yung magalit siya sakin kaysa ipahiya siya ni Fionatit. And about Britt I told her about Fionatit plan and she offered herself to be my girlfriend. Dahil ayaw niya din yung ayaw kong mangyari once na kinalit ni Fiona yung picture."
YOU ARE READING
13 REASONS WHY
RomantizmIf you're listening, you're too late. I don't blame her. I protected her. I care about her. I miss her. I know her. I trusted her. I'm important to her. I like her. I can't hurt her. I want to take care of her. I'm proud of her. I fight for her. I l...