Britt (2)

210 6 0
                                    

Britt POV

"arff.. Arrf!! Arfff!"

Nagising ako dahil sa tahol ni Fergus.

"Ding Dong. Ding dong."

Sinubukan kong tumayo kahit sobrang sakit ng ulo ko ng marinig kong may nagdodoorbell.

Pagkarating ko sa front door, nakita kong nakaupo si Fergus doon at tumatahol. Hinimas ko ulo nito para kumalma na sa pagtatahol tsaka binuksan ang pinto.

"Good morning, FBI, can I have your few minutes for a few question?" sabi ng babaeng nakashirt at jacket ng black at pakita ang FBI badge niya.

Anong mayroon? Ano ba nangyari kagabi? After kong mag-ilang shot sa bar alam kong matino pa akong umuwi tsaka nagbeer dito sa bahay.

"about what?" tanong ko sakanya.

"About Clairen." nanlamig ako sa sinabi niya. Anong nangyari kay Clairen?

Pinapasok ko siya sa loob. Nakita kong napatingin siya sa mga bote ng beer na nakakalat sa kitchen ko at sala.

I made coffee for the both of us. Naghilamos narin ako sa kitchen ko at kumuha ng face towel sa drawer.

"what happen to Clairen?" kalmado kong tanong kahit na sobrang kabado na ako.

"She's missing, 2 days ago. Nagreport na samin manager niya dahil First time lang na hindi nagpaalam si Clairen sakanya. Hindi rin alam ng parents niya kung asan siya dahil isang linggo narin itong di umuuwi sakanila."

I know Clairen, madalas talaga siyang mawala pero knowing na hindi siya nagpaalam sa manager niya? Nakakapanibago nga yon. Kasi kahit anong gala namin at kahit asan man kami ni Clairen, alam ng manager niya.

2 days ago? Ano bang nangyari after 2 days.

"Ms. Britt asan ka these past 2 days?" tanong niya sakin. Napainom ako ng kape na nasa harapan ko. Iniisip ko kung asan nga ba ako ng dalawang araw na yon. Ang sure ko lang ay hindi kami magkasama ni Clairen.

"Ms. Britt." pukaw niya sakin.

"Do you think someone kidnap her? And I'm a suspect?" tanong ko sakanya habang inaalala ko pa ang araw ng huli kong nakausap si Clairen. Alam ko hindi kami nag-away. Never kaming nag-away. Pero asan nga ba siya?

"Base sa nalaman ko." sabi niya sabay bukas ng envelope na hawak niya.

Pinakita niya sakin kung ano laman non. It's the pictures of Clairen kissing Franki one year ago.

"You hired someone to post these pictures in your school and blackmailed her. Kung hindi niya titigilan si Franki, ikakalat niya itong isang picture na kitang kita yung mukha nilang dalawa. These pictures was captured by you."

Shit! Nanlamig ulit ako sa sinabi niya kahit na umiinom ako ng mainit na kape. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa batok.

"and. I found these tapes." kinuha niya yung tape na nasa loob ng envelope. Nakita ko ang pangalan ko, pangalan ni Clairen at pangalan ni Fionatit. How can she have the tape?

"Clairen accused Fionatit about the pictures but I found out that it's you. Plus you are the 1st person to have connection with Franki. Can you explain why?"

Pumikit ako ng ilang sandali para pakalmahin ang sarili ko. inaamin ko na ako ang may pakana nong pictures pero ang pagkawala ni Clairen ngayon? Wala akong idea. Wala naman akong dahilan para ipakidnap siya or what.

"I did it because, I got jealous, I like Franki at naduwag akong aminin yun sakanya, lumayo ako. Pero ng makita kong magkasama sila ni Franki, nainggit ako, nasaktan." huminga ako ng malalim bago ko ipagpatuloy yung kwento.

13 REASONS WHYWhere stories live. Discover now