"Zi, sa'n ka na naman pupunta?" Natigilan si Zi sa paglalakad nang tawagin siya ni En. Napalingon siya sa direksyon namin at binigyan lang kami ng malamig na titig saka muli kaming tinalikuran.
"Hoy Zi!" Malakas na tawag sa kanya ni En na sinabayan naman ni Uia.
"Kuya Zi!"
"Hayaan niyo na si Zi-" paninimula ni Eks na agad tinuldukan ni En.
"Hayaan?! Mag-iisang buwan na siyang laging umaalis ng hindi tayo kasama-"
"Tss, bakit En? Gusto mo lagi sa tabi ni Zi ano?" Nakangising sabi ni Eks kaya naman binato siya ni En ng sapatos sa mukha.
"Pakyu ka gago! Mas gugustuhin ko pa si Jei kesa sa cold na lalaking 'yon no! Atlis si Jei tao pa!" Iritadong bulyaw niya na ikinasimangot ko.
"Woah, is that a confession?" Tuwang-tuwang sabi ni Eks na mas ikinainis ni En.
"Eeeksss! Tigilan mo nga si Ate En!" Pagsingit naman ni Uai sa kanilang dalawa.
"Hahaha, ano Jei, papatulan mo ba si En?" Paglingon naman sa'kin ni Eks na ikinataas ng kilay ko.
"Fuck off, Eks."
"Okay, okay. Ang iinit ng ulo niyo- aray! Uai, 'wag mo kong hampasin sa mukha." Angil niya habang nakahawak sa kanang pisngi niya.
"Waaaahhh! Sorry Eks! Sorry!" Hindi namang magkandaugagang sabi ni Uai habang tinitingnan ang mukha ng kambal niya. Habang si En naman ay biglang nawala na sa classroom.
Napailing na lang ako at napatingin sa bintana.
Uwian na, kaya halos wala ng tao sa classroom. Gaya nang nakasanayan, ang grupo namin ang huling lumalabas dito sa eskwelahan. Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay laging nawawala si Zi sa larawan. Hindi namin alam kung ano na ang bagong pinagkakaabalahan niya, pero bilang lider namin sa tingin ko ay dapat naman niya kaming sabihan kung ano ang nangyayari. Dumadalang ang mga gang war na napupuntahan namin dahil sa lagi siyang wala. Natigilan ako sa pag-iisip nang makita ko si Labo.
Napaupo ako ng tuwid at hindi mapigilang tanawin siya.
Hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya habang may hawak siyang mga papel. Tingin siya nang tingin sa magkabilang gilid niya na parang hindi siya mapakali at ayaw niyang mahuli ng kung sino. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang tinitingnan siya.
I don't know why I find her so fucking cute in every angle.
"Jei! Aalis na tayo nawala na rin si En!" Natigil ako sa pagtanaw kay Labo at nilingon si Eks na sinigaw ang pangalan ko.
Bored ko siyang tinitigan.
"I'm staying, mamaya na ako aalis." Pagsagot ko sa kanya na ikinataka naman niya.
"Bakit Kuyyaaa? Tara sa bahay magluluto ako." Nakangiting sabi naman ni Uai.
"Just go." Kunot-noong sabi ko sa kanila.
"Hmp. Sungit! Isusumbong kita kay Kuya Zi bukas!" Tampururot niya sabay padabog na tumalikod.
"Ba-bye Dude." Sabi na lang ni Eks at hinabol na ang kambal niya.
Napailing na lang ako at binalik ang atensyon ko kay Labo na nasa baba at kusang natigilan at napayukom ng kamao nang makita kong may kausap siyang lalaki.
What the fuck?
Padabog akong tumayo at mabilis na lumakad paalis ng classroom namin para puntahan siya.
It's not so me to get jealous this easily, pero iba talaga ang dating kapag may lalaki nang lumalapit sa kanya. Kumukulo ang dugo ko na parang gusto kong patayin ang mga pumuporma sa kanya.
Nang makarating ako sa lugar kung nasaan siya siya ay wala na 'yong kausap niya pero nakatayo pa rin siya sa pwesto niya habang hawak 'yong mga papel na kanina pa niya hawak.
"Labo." Pagtawag ko sa kanya na ikinaestatwa niya sa kinatatayuan niya. Agad ko siyang nilapitan at kinunutan siya ng noo.
"Anong ginagawa mo dito?" Iritadong tanong ko sa kanya na ikinalunok niya at ikinatingin sa mata ko.
"M-may I-inaantay lang." Nauutal na sagot niya na mas ikinakunot ng noo ko.
"Sino?"
"Ka-kaklase ko."
"Lalaki?"
"B-babae."
Natigilan ako sa sagot niya.
"Sinong kausap mo rito kanina?" Muling tanong ko sa kanya.
"Ah, s-si Ar."
"Sino siya?"
"K-kaklase ko rin."
"Bakit ka niya kinausap?"
"Si-sinabi niya p-parating na si Ei."
"Tss. Sino naman si Ei?!" Malakas nang sigaw ko sa kanya dahil naiinis na talaga ako. Napatalon siya sa gulat at napapikit.
Bakit ba ang dami niyang kaklase?!
"Y-y-yung ...ka-kaklase kong babae." Halos hindi makapagsalitang sabi niya.
Hindi nawala ang pagkakunot ng noo ko. Hinawakan ko ang baba niya at iniangat para makita ko ng buo ang mukha. Sunod-sunod siyang napalunok pero hindi pa rin niya minumulat ang mata niya.
"Open your fucking eyes, Kiu." Iritadong sabi ko na dahan-dahan naman niyang sinunod.
Nakahanda na akong bulyawan siya nang magtama ang mata namin.
Naisara ko ang bibig ko at agad na napalunok.
S-shit. Fucking. Innocent. Eyes.
"B-bakit ba galit k-ka na naman?" Mahinang usal niya na mas nagpabilis nang tibok ng puso ko.
Tangina.
"BAKIT TINITINGNAN MO KO?! CLOSE YOUR FUCKING EYES!" Sigaw ko sa kanya at binitawan siya sabay talikod.
Damn, damn, damn it!
"A-ang sabi mo buksan-"
"Ang sabi ko isara mo!" Muling sigaw ko at hinarap siya.
Nakasara na ang mata niya at nakayuko pa siya. Pero hindi naman napakalma nun ang puso ko.
"Damn." Mahinang angil ko at naglakad na lang paalis.
"J-jei, 'wag ka nang m-magalit, hah? Pumikit na a-ako." Natigilan ako sa paglalakad nang marinig oong sabihin niya 'yon.
Out of sudden, pakiramdam ko ay namula ang mukha ko sa sinabi niya muli akong napalingon sa direksyon niya at nakita kong nakapikit pa rin siya.
She don't want me to get mad at...her?
Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya at mabilis na lumakad paalis. My fucking thoughts are ragging shits.
If I could just rape her there, I would. I wish to fucking pinned her on a wall and kiss her aggressively...
But I just can't, because I really love that girl.
Fucking heart.
BINABASA MO ANG
Tenth Rule
Teen Fiction(Kapag ang badboy nainlove) Boy: Hoy, Labo. (Mabilis na nilapitan si Girl) Girl: (agad na napayuko nang makita si Boy) B-bakit? Boy: Sino 'yung kausap mo kanina? Girl: K-kaklase ko- Boy: Nililigawan ka? (Naghahamong sabi) Girl: H-h-hindi. Boy: (b...