Kinaumagahan
Ramdam ko ang pagtitig sa'kin ng mga nagdadaanang estudyante papasok ng gate pero hindi ko sila pinansin.
"Alam niyo bang sinampal kahapon ni Jei ang Miss Campus natin sa tabi ng cafeteria?"
"Weehh? Nakakatakot naman."
"Bakit niya sinampal?"
"Ang sabi ni Ate One, tumanggi daw kasi siyang makipag-date d'yan kay Jei."
"Hala, tsk. Sayang talaga siya. Ang gwapo pa naman niya."
"Hm-mm. Pero weird."
"Bakit?"
"Eeehh! Crush ko pa rin siyaaaa, kyah! Hahaha."
"Ang landi mo! Mas gwapo naman si Zi sa kanya ano."
"Eh si Zi ang lider, malamang mas nakakatakot siya."
"Mas gwapo si Ar! Kyah!"
"Si Eks ka-"Nang tuluyan na silang makalayo ay hindi ko na rin narinig ang mga pinag-uusapan nila.
Mga babae nga naman.
"G-good morning Jei!" Napatayo ako ng tuwid nang marinig ko ang malambing na boses ni Labo sa gilid ko.
Nilingon ko siya at sinamaan siya nang tingin kaya napaatras siya nang bahagya.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na 'wag mo kong tatawagin sa pangalan ko?!" Malakas na sigaw ko sa kanya na ikinatalon niya sa takot.
Agad naman naming naagaw ang atensyon ng mga estudyanteng nag-dadaanan.
"Kawawa 'yon babae mukhang mabubugbog."
"Feeling kasi, nilapitan pa talaga si Jei."
"So-sorry." Mahinang sabi niya habang nakayuko.
"Hindi na tayo ng tulad ng dati, Labo. Kaya 'wag kang umarteng 'close' pa rin tayo." Kunot-noong sabi ko sa kanya. Tumango siya ng ilang beses at muling nag-sorry.
"Jei! 'Wag kang mang-away ng mga babae! Bakla ka ba?!" Naiiritang singhal ni En sa'kin na mukhang kararating lang din. Kasama na niya ang kambal.
Napatingin pa ako sa direksyon niya bago ko siya iwan na nakayuko lang.
"Kiuuu! Sorry late ako, tara sabay na tayo- ba't naninigas ka?"
Natigilan ako sa paglalakad nang marinig kong may kumausap sa kanya.
"Ano ba Jei! Tara na!" Muling sigaw ni En kaya naman sinimangutan ko siya. Nagpamulsa ako at pasimpleng nilingon ang pwesto ni Labo at nakita kong may kangitian siyang babae.
Kiu.
"Tss, para kang tanga gusto mo bang sapakin kita?" Bungad ko sa kay En nang makalapit na ako sa kanila.
"Bakla ka talaga! Bakla!" Malakas pang sigaw niya.
"Opps, 'wag kayong mag-aaway. Magagalit si Kuya Zi sa inyo." Pagpapagitna ni Uai sa'min na ikinaiwas ko na lang ng tingin.
"Yup, tama si Uai. Ireserba niyo na lang ang lakas niyo para mamaya." Nakangising sabi ni Eks at tinapik ang braso ko.
"May naghamon kahapon kay Zi, gusto niyang patulan." Ngisi-ngising sabi pa niya na ikinangiti ni En.
"Talaga?! May laban tayo mamaya?!" Naeexcite na sabi niya.
"Kasasabi ko lang."
"Yes! Hahahaha! Halos ilang araw nang hindi nababanat ang buto ko."
Napangiti na lang din ako dahil excited na rin ako sa magiging labanan mamaya.
Matapos nang ilang minutong usapan pa ay nagtuloy na kami sa paglalakad.
"Pero Kuya Jei, sino 'yong sinigawan mo kanina?" Pabulong na sabi ni Uai kalagitnaan nang paglalakad namin papunta sa classroom. Nilingon ko siya at inilingan.
"Hindi ko 'yon kilala." Agad na sagot ko sa kanya na ikinatango naman niya.
"Ahh, sayang!" Dismayadong sabi niya na ikinataas ng kilay ko.
BINABASA MO ANG
Tenth Rule
Teen Fiction(Kapag ang badboy nainlove) Boy: Hoy, Labo. (Mabilis na nilapitan si Girl) Girl: (agad na napayuko nang makita si Boy) B-bakit? Boy: Sino 'yung kausap mo kanina? Girl: K-kaklase ko- Boy: Nililigawan ka? (Naghahamong sabi) Girl: H-h-hindi. Boy: (b...