Chapter Y

79 8 0
                                    

"We won't hurt her." mahinang sabi sakin ni Eks habang nasa byahe kami pabalik sa core house.

Malamig ko lang siyang tinitigan.

Magkahiwalay ang sasakyang sinakyan namin ni Kiu papuntang core house. Kasama niya sina En at Uai sa kabilang kotse. Samantalang ang mga kasama ko naman ay si Zi at Eks.

Naiinis ako...sa sarili ko dahil hindi ko man lang maprotektahan si Kiu. At sa huli, madadamay pa rin siya sa mundong 'to.

Inis akong napatingin sa bintana.

Bakit ba ang hina mo, Jei?

Natigilan ako sa tanong na sumulpot sa isip ko.

Bakit nga ba ang hina ko?

"You'll be needing this." napalingon ako kay Zi dahil sa sinabi niya.

"Anong gagawin ko dito?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Just hold it."

Malamig na sabi niya at nilipat na ang tingin niya sa ibang direksyon.

Kinagat ko ang labi ko at at inipit sa likod ng pantalon ko ang baril na ibinigay niya.

"Andito na tayo." pagkasabi nun ni Eks ay bumaba na ako ng kotse pero agad akong natigilan nang makita ang madaming motor sa paligid.

"Anong nangyayari?" Baling ko ng atensyon kay Zi.

"Everyone was called." Pagsagot sakin ni Eks.

Naiyukom ko ang kamao ko sa sinabi niya.

Pero wala naman akong nagawa kundi ang patayin na lang sila sa titig.

Dumeretso kami sa ibaba ng core house kung saan nagtipon ang ibang kasapi ng gang ni Queen.

Hindi sila nagsasalita pero bakas sa kanila ang pagkadismaya sa naging desisyon ko.

Ako na ang pangwalong susubok na tibagin ang tenth rule para makalaya sa gang. At kung malalampasan ko man to, ako na ang pangalawang mag tatagumpay. Syempre ang una ay si Queen.

"Be ready." mahinang bulong sa'kin ni Eks at tinulak ako papasok sa may arena.

Hindi ko nakuha kung ano ang sinabi niya kaya napakunot ang noo ko.

Nakakatawa na dati ay lumalaban lang ako sa arena na 'to kapag alam kong mananalo ako. Dahil alam ko na walang makakatalo sakin.

Ngayon nakatayo ako rito para harapin ang babaeng kukuha ng buhay ko.

Pumasok na rin sa arena si Kiu nang nakablind fold. Halata sa kanya na kinakabahan siya sa nangyayari.

Pero dahil hindi naman maingay ang paligid kahit papaano ay nakikita kong kampante siya.

May kung anong binulong sa kanya si Uai kaya napalingon siya sa direksyon niya. Lumingon sa direksyon ko si Uai at tinanguan ako.

Saka siya lumakad palabas ng arena. Napatingin ako sa mga kamay ni Kiu, at nakita ko kung paano nanginginig ang kamay niya habang hawak niya ang baril na ibinagay sakin ni Zi nung nakaraang araw.

Nagsimulang magbulungan ang paligid nang pumasok si Zi at Cyril sa loob ng arena.

"Hindi ko inaasahan na makikita kita dito." Nakangiting sabi ni Cyril sa'kin.

"Hindi ko rin inaasahan na sasabihin mo 'yan."

Nabaling ang tingin ko kay Zi na pumwesto sa likuran ni Kiu at tinutok ang baril sa ulo niya.

Naiyukom ko ang kamao ko nang wala sa oras.

"Simple lang ang mangyayari sa arena na 'to. Kailangan mo lang tanggapin ang balang tatama sa direksyon mo."

Tenth RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon