Chapter F

114 9 0
                                    

"Maaaa! Nandito na kami ni Jei!" Malakas na sigaw ni Labo pagpasok namin ng pintuan.

Agad kong nilibot ang mata ko sa paligid. Kahit na nagbago ang pwesto ng mga gamit nila ay nasa dingding at frames pa rin ang picture namin.

"Jei, ang laki mo na." Napalingon ako sa direksyon ni Tita at napangiti.

Linapitan ko siya para makapagmano ako sa kanya.

"Ang galang naman, kamusta ka na? Lagi kang kweni-kwento ni Kiu sakin." Tanong niya sakin habang naglalakad kami paupo sa sofa.

"Ano pong nakwekwento niya, Tita?" Nagtatakang tanong ko.

"Madami, tulad ng ang dami mo raw girlfriends sa school."

Nabilaukan ako sa sinabi niya kahit na wala akong iniinom o kinakain na kahit ano.

Natawa si Tita sa naging reaksyon.

"Tita, wala po akong girlfriend."

"Joke lang, naniwala ka naman. Uto-uto ka pa rin." Sabi niya at malakas na tumawa.

Wala sa oras akong napabusangot.

Ang lakas nang trip ng mag-ina na 'to sa'kin.

"Andito na ang juice at tubig." Biglang sulpot ni Kiu mula sa kusina at nilapag ang pistel at mga baso na nasa tray.

"Dahil nandito na lang din kayong dalawa."

"Pinapunta niyo po kami dito Mama."

"Oo nga?"

"Eh kasi sa tono at pananalita niyo para pong sinasabi niyo na hindi niyo kami inaasahan dito." Sabi pa ni Kiu.

"Dahil nandito na kayo, dahil pinatawag ko kayo, mag-usap na tayo." Pagtatama naman ni Tita sa sinabi niya kanina na ikinangiti ng isa.

Umupo siya sa tabi ko.

Biglang naging seryoso si Tita kaya bahagyang kumunot ang noo ko. Kung ano man ang sasabihin niya alam kong hindi ko 'yon magugustuhan. Napatingin ako kay Kiu na nakangiting umiinom ng tubig niya.

"Jei,"

"Po, Tita?"

"Salamat at binabantayan mo si Kiu dahil wala ako rito sa bahay." Nakangiting sabi niya sakin na pilit kong ginantihan ng ngiti.

Hindi ko ginawa 'yon. Hindi ko binabantayan si Kiu nung wala ka Tita.

"Hayaan mo at hindi mo na kailangang gawin 'yon." Dugtong nito.

"Bakit?" Agad na sabi ko.

"Nag-hired na ang asawa ko nang magbabantay sa kanya. Alam ko naman na mahirap para sayo ang bantayan ang Mommy mo at si Kiu."

"Maaaaa... malaki na ako para mag-karoon ng Yaya." Nakangusong sabat ni Kiu samin.

"Pero anak, kailangan mo 'yon. Mas madalang na akong makakapunta sa bahay ngayon."

"Okay lang po akong mag-isa Maaaa, ayoko nang bantay. Period." Nagmamatigas na sabi pa ni Kiu at itinuon na ang pansin niya sa iniinom niya.

"Kiu, mag-ma-migrate na kami sa ibang bansa." Seryosong sabi ni Tita na ikinatigil ko.

Naiyukom ko ang kamao ko.

"Pwede ka...naman pong magbakasyon dito taon-taon. Kahit isang araw lang." Nakangusong sabi pa niya.

"Tita, bakit kailangan niyo pang mag-migrate?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya.

"Family matter, Jei-"

Tenth RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon