Chapter E

97 10 0
                                    

Badboy's S.P.V.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Labo nang makarating na ako sa back gate.

Hinawakan ko ang tuktok ng ulo niya at nagsimula na kaming lumakad.

"Ang liit mo pa rin." Sabi ko sa kanya kalagitnaan nang paglalakad namin. .

"Tumangkad ka lang talaga." Sabi naman niya.

"Kumakain ka ba ng gulay?"

"Opo."

Bigla siyang natahimik kaya natahimik din ako. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa ulo niya at nagpamulsa na lang saka deretsong tumingin sa daanan.

Ilang beses kong nilunok ang laway ko at nagtangkang mag-open ng topic pero hindi ko naman naibuka ang bibig ko. Kung maibubuka ko naman wala nang boses na lumalabas.

Malapit kaming magkaibigan, sa sobrang lapit namin sa isa't-isa lagi kaming umiiyak kapag napaglalayo kaming dalawa. Kaya naman nung mga bata pa kami, kung hindi ako matutulog sa bahay nila ay siya ang matutulog sa bahay namin. Pero nagbago ang lahat nang tumungtong na kami sa Grade 3, nung nagtransfer kami sa lugar na 'to.

Agad siyang nagkaroon ng madaming kaibigang babae. Habang ako naman ay iniiwasan sa room ng mga kapwa ko lalaki dahil sa iyakin at lampayatot ako. Walang gustong makipaglaro sa katulad kong mahina. Habang si Kiu, nahakot ata lahat ng mga kaklase namin kaya lahat ay gusto siya...

Hindi ko naman siya masisi na may iba na siyang kalaro maliban sa'kin kahit na may mga bago siyang kaibigan ay hindi pa rin naman niya ako iniiwan. Lagi niyang hawak ang kamay ko na umabot na sa puntong inaasar na kami ng mga kaklase naming 'mag-kasintahan' kami.

Inaaway siya ng mga lalaking pinagtatabuyan niya dahil lagi siyang tinatabihan at sinasabihang, "gusto kita." Lagi siyang tumatakbo sa'kin at sinusumbong ang mga ginagawa ng kaklase naming lalaki sa kanya.

Kaya mas nagagalit ang mga ito at inaasar na lang kami dahil nagseselos sila na ako ang takbuhan ni Kiu.

Na ako ang kailangan ni Kiu.

Na ako ang gusto ni Kiu.

Hindi man halata pero kapag nag-ayos si Kiu at tinanggal ang salamin niya ay hindi kataka-takang pagkakaguluhan ulit siya ng kalalakihan sa eskwelahan namin.

And I don't want that to happen...

Doon ko naisip na dapat akong mas magpalakas at ipagtanggol siya.

Kasi ako lang ang kailangan niya.

"Jei, naubos mo ba 'yong niluto ko?" Biglang sabi niya na ikinalingon ko sa kanya.

Bahagya akong tumango.

"Masarap?" Nakangiting sabi niya kaya muli akong tumango.

"Buti naman nagustuhan mo." Nakangiting usal niya.

Saka ko lang napansin na hindi na sumasakit ang tyan ko.

"Alam mo ba? Napaso ako nung niluto ko 'yon." Biglang sabi pa niya habang nakanguso at pinakita ang hintuturo niyang nakabalot ng band-aid.

Napatigil ako sa paglalakad at hinablot ang kamay niya saka tinitingnan ang hinututuro niya.

"Bakit ka napaso?! Ang tanga-tanga mo naman!" Malakas bulyaw ko sa kanya habang tinatanggal ang band-aid.

Hindi ko man lang nakita kanina. Tsk, masyadong okyupado ng labi niya ang sistema ko.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa pagkairita, namumula pa rin ang balat niya at parang may hangin sa loob dahil sa paglobo nito.

Tenth RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon