(Still on FLASHBACK)
Lumipas na ang isang taon.
Hindi pa rin ako nagsasawang pahirapan ang buhay ni Kiu sa eskwelahan. At kahit na anong gawin ko sa kanya ay hindi ko pa rin siya nakikitang umiiyak sa harapan ko.
Lagi niya lang akong nginingitian na mas ikinakairita ko.
"Tabi." Malamig na sabi ko sa kanya at binangga ang balikat niya. Sa lakas siguro ng pagkakabangga ko ay nabitawan niya ang hawak niyang tray at tumilapon ang pagkain niya sa sahig.
Sa loob ng isang taon, ang laki ng ipinagbago naming dalawa.
Hindi na siya mahilig mag-ayos at wala ng taong nakapaligid sa kanya. Nilalayuan siya na parang may nakakamatay siyang sakit...
Habang ako naman ay kinakatakutan na ng mga nakakakilala sakin. Lahat sila ay sinusunod na ako. Para akong haring naglalakad sa eskwelahan na 'to.
"J-jei..." Narinig ko ang mahina niyang pagtawag sa pangalan ko pero tinalikuran ko lang siya.
Pagkatapos ng break ay babalik siya ng classroom na basa na ang mga gamit niya.
Titingnan niya lang ako dahil alam niyang ako ang nag-utos o gumawa nun.
Kapag uwian ay laging napupuno ng basura ang sahig dahil siya ang laging naglilinis.
At pagpasok niya kinaumagahan, madudulas siya sa daanan niya o bubuhusan siya ng chalk dust sa mukha.
Kapag may klase, lagi namin siyang pagti-tripan at tinatawanan, dinidikitan ng bubble gum ang buhok niya o kaya naman ay susulatan ng pentlepen ang uniform niya.
Hindi tumigil ang cycle ng buhay namin na ganun. Araw-araw, Linggo-Linggo, Buwan-buwan at umabot pa ng isang taon.
Hindi siya nagsasalita, wala siyang ginagawa, titingnan niya lang ako at ngingitian.
Hindi siya sumusuko...hindi siya umiyak ni isang beses. Ni hindi niya sinabing tumigil na ako.
Hanggang sa isang araw ay nilapitan niya ako. Akala ko magmamakaawa na siyang tigilan ko siya.
Pero hindi.
"Jei, pwede ba tayong mag-usap?" Nakangiting sabi niya na ikinatigil ko sa pagtawa kasama ang mga kaibigan ko.
Nilingon ko siya at nginisihan.
"Pwede mo namang sabihin dito, Labo."
"Pwede bang tayong dalawa lang? Please." Maaliwalas na sabi niya at pinagdaop pa ang palad niya sa harapan ko.
Natigilan ako dahil sa ginawa niya. Hindi siya nauutal at mukhang masaya talaga siya.
At ang mas lalong nagpatigil sakin ay ang pansamantalang pagtigil ng puso ko sa pagtibok.
Normal na kapag nakikita ko siya ay naiirita ako sa mukha niya at lagi kong sinasabi na ang pangit niya.
Pero iba ngayon...
"Anong gusto mong sabihin?" Kunot-noong tanong ko sa kanya para itago ang pagkalito ko.
"Sasabihin ko kapag sumama ka sakin." Parang batang sabi niya at hinawakan ang kamay ko na agad kong binawi sa kanya dahil parang nakuryente ako sa balat niya.
"Mukhang mapilit si Labo, P're sumama ka na."
"Baka magpapakama na sayo, Pre." Natatawang sabi nila na ikinasimangot ko.
"Jei." Muling pagtawag niya sa pangalan ko na ikinalingon ko sa kanya.
Wala akong nagawa kundi ang tumayo at sundan siya.
Nang tumigil na siya sa paglalakad ay tumigil na rin ako. Nagbigay ako ng distansya sa pagitan namin dahil hindi pa rin ako sigurado kung ano ang nararamdaman ko ngayon-ngayon lang.
"May pakiusap sana ako sayo, Jei."
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Labo?" Agad na sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, pero alam kong hindi normal tong ginagawa niya.
Para siyang si Kiu...ang dati kong Kiu.
"Pleeaasseee! Kailangan talaga kita." Nakangusong sabi niya at lumapit sakin.
Na pa hakbang ako palayo nang wala sa oras dahil sobrang lapit na niya.
"Bahala ka sa buhay mo." Iritadong sabi ko sa kanya at tinalikuran siya pero bigla niyang hinila ang kamay ko.
Fuck.
Mahinang mura ko sa isip ko nang maramdaman ko na naman yung kuryente.
"Uuwi si Mama sa bahay, gusto ka niyang makita! Jei, please...sumama ka na. Sa susunod na Linggo pa naman 'yon." Nagsusumamong sabi niya na ikinalingon ko sa kanya.
Kinunutan ko siya ng noo.
"Ano naman kung nasa bahay niyo ang Nanay mo? Malamang dahil doon siya nakatira kaya uuwi siya ro'n." Iritadong sabi ko sa kanya saka marahas na binawi ang kamay ko sa kanya dahilan para mapasubsob siya sa sahig.
Natigilan ako sa paglalakad at napatitig sa kanya.
Agad siyang tumayo mula sa pagkakadapa at tumingin sakin at patakbo akong nilapitan."Please, kahit ngayon lang." Nagpupumilit na sabi niya na hindi ko pinansin. Tuluyan ko siyang tinalikura para bumalik sa classroom namin.
Sinundan niya ako at hindi tinigilan. Kahit na ang mga kaklase namin ay nanibago sa kanya.
Habang ako naman ay hindi ko alam kung naiirita ba ako sa kanya o ewan.Nung uwian na ay sinusundan pa rin niya ako na parang buntot. Ayaw niyang lumayo sakin. Kahit na ang barkada ko ay nawe-weirduhan na sa kanya.
"Ano ba, Labo!" Malakas na sigaw ko sa kanya dahilan para sabay-sabay kaming tumigil lahat sa paglalakad.
"Sige pre. Kausapi mo muna yan."
"Mauuna na kami."
"Kita na lang tayo sa tambayan."
Sabi nila at iniwan kami ni Labo.
"Sumama ka na, please!" Muling sabi niya na bahagya ko ng ikinainis.
Hindi ko alam kung ano ang big deal sa pagsama ko sa kanya sa bahay nila para makita ang Mama niya. Pero kahit na anong gawin niya ay hindi ako sasama sa kanya.
Saka ako napatingin sa kalsada kung saan nakatapat kami sa tawiran.
"Sasama ako sayo...kapag nagpasagasa ka sa kotse." Kunot-noong sabi ko sa kanya at tinalikuran na siya.
Alam kong hindi kapani-paniwala ang sinabi ko sa kanya.
Alam kong hindi rin niya gagawin...
Pero parang mismong oras at pangyayari na ang gumawa sa sinabi ko.
"JEI! ANTAYIN MO KO! " Malakas na sigaw niya kasabay nang malakas na pagbusina ng kotseng papalapit sa kanya.
Parang tumigil ang paligid nung oras na 'yon.
Nakita ko kung paano siya naestatwa sa kinatatayuan niya habang inaatay na tumama ang sasakyang humaharurot sa direksyon niya.
Nanlamig ang katawan ko at sobra akong nabalisa.
Mabilis kong hinubad ang bag ko.
Hindi ko alam kung paano ako nakakilos nung oras na 'yon pero napatakbo ako sa direksyon niya saka ko siya niyakap at mabilis na tumalon paalis sa dadaanan ng sasakyan.
Naramdaman kong bumagsak ako sa matigas na semento at ang pagkaumpog ng ulo ro'n.
Gusto kong mawalan ng malay sa mga oras na 'yon pero hindi ko magawa, agad kong tiningnan kung ayos lang ba siya.
Minulat niya ang mata niya at nagtama ang mata namin. Ramdam ko ang panginginig ng katawan na ikinalunok ko.
"J-j..jei." Halos walang boses na sabi niya.
Ang dami kong gustong isigaw sa kanya nung oras na 'yon. Pero hindi ko masabi.
"Fuck you, K-kiu." Nanginginig na sabi ko sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
After all, I can't just stand to lost her. Hindi ko kaya...pakiramdam ko ay mamamatay ako pag nawala siya.
BINABASA MO ANG
Tenth Rule
Teen Fiction(Kapag ang badboy nainlove) Boy: Hoy, Labo. (Mabilis na nilapitan si Girl) Girl: (agad na napayuko nang makita si Boy) B-bakit? Boy: Sino 'yung kausap mo kanina? Girl: K-kaklase ko- Boy: Nililigawan ka? (Naghahamong sabi) Girl: H-h-hindi. Boy: (b...