(Still On Flashback)
Pagkauwi ko ng bahay ay naabutan ko si Mommy na umiinom.
"Naka uwi na ako." Mahinang sabi ko sa ikinalingon niya sakin.
"Jei! Buti naman at nakauwi ka *hik* na! Halika dito I-kiss mo si Mommy." Tingnan ko lang siya at tinalikuran.
"Jjeeeiii!" Malakas pang sigaw niya na hindi ko na pinansin.
Dumeretso ako sa kwarto ko at tinapon ang bag ko sa sahig.
Wala namang silbi kung aayusin ko ang gamit ko, magmula ng sirain ni Labo ang pamilya ko para na ring naging tambakan ng basura ang bahay na 'to.
Wala nang malinis na lugar ni sa kusina ay hindi ka makapagluto dahil sobrang kalat.
Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko at tiningnan ang dalawa kong kamay na pinangtulak ko kanina kay Labo.
Ang dali niyang ibalibag. Napakagaan ng katawan niya, siguro kahit humangin lang ay liliparin na siya. Napakalambot din ng katawa niya. Parang kumakalas ang buto kapag hinawakan.
"Tsk," asik ko at mariing pumikit.
Ano bang pakialam ko sa kanya?
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa kabinet ko para kumuha ng damit.
Nang matapos na akong magbihis ay lumabas ako ng kwarto at muling sinilip si Mommy, umiinom pa rin siya.
Hindi naman kami ganito noon, masaya at maayos ang bahay namin. Kahit kaming dalawa lang ni Mommy. Maayos kami...
Pero dahil kay Labo...nasira ang lahat.
Naiyukom ko ang kamao ko at lumabas na ng bahay.
Kailangan ko lang makipagbugbogan para mawala ang iniisip ko.
King Ran's S.P.V
Mabilis na nakahanap ng gulo si Jei para makipag-away.
Yon ang tangi niyang libangan kung saan nawawala sa isip niya si Kiu at ang Mommy niya.
Alam niya sa sarili niyang wala siyang galit na nararamdaman para kay Kiu. Pinipilit lang niya ang sarili niyang kamuhian ito. Dahil 'yon ang dapat...
"Wala ka pala eh!" Malakas na sigaw ng kalaban ni Jei kasabay ng pagbagsak niya sa sahig.
Humanap siya ng gulo para makipag-away at mabugbog.
Isa yon sa mga paraan niya para parusahan ang sarili niya.
Pinaparusahan niya ang sarili niya dahil masama siya, wala siyang kwenta, gago siya...at higit sa lahat sinasaktan niya si Kiu.
Lagi niyang sinasabi na kasalanan ni Kiu, kasalanan lahat ng babaeng 'yon.
Pero ang totoo ay hindi niya sinisisi si Kiu.
Magaling lumaban si Jei pagdating na sa bugbugan. Kaya niyang makipagsabayan at bumugbog na umaabot sa limang tao. Pero kapag nasaktan niya si Kiu, nagbabago ang ikot ng laban...
Lagi siyang bugbog sarado dahil gusto niyang masaktan.
Pero maiba tayo...ano nga ba ang dahilan ni Jei para gawin lahat ng ganung katangahan?
Bago pa man maging magkaibigan ang mga Nanay nila ay matalik nang kaibigan ng Nanay ni Jei ang Tatay ni Kiu. Sa katunayan ay may lihim na pagtingin ang Nanay ni J sa Tatay ni Kiu. Pero dahil may kanya-kanya na silang pamilya ay pinanatiling lihim na lamang ng Nanay ni J ang pagmamahal niya para sa lalaki.
Sa araw ng kapanganakan ni Jei ay namatay ang Tatay niya sa isang insidente, kaya naman walang nagawa ang Nanay niya kundi alagaan siya mag-isa. Pero hindi siya pinabayaan ng pamilya ni Kiu. Tinulungan at sinuportahan nila siya.
Ilang buwan matapos ipanganak si Jei ay nailuwal naman sa mundo si Kiu. Dahil sa laging magkasama ang mga magulang nila ay lagi rin silang magkasama sa baby crib.
At sa hindi malamang kadahilanan ay laging nakayakap si baby Jei kay baby Kiu. Kapag naabutan sila ng mga magulang nila na tulog.
Napansin din nila na hindi na pala-iyak si Jei magmula nang idikit nila si Kiu dito.
Oh di ba? Sanggol palang close na sila. (XD)
Balik sa kwento...
Ilang taon lang ang nakalipas ay namatay naman ang Tatay ni Kiu sa hindi malamang kadahilanan ngunit ang tanging nagluksa lamang ay ang Nanay ni Jei.
Yon pala ay nagpakamatay ito dahil gusto nang makipaghiwalay ng Nanay ni Kiu sa kanya, hindi nito matanggap na iiwan na siya nito dahil sa ibang lalaki at ang mas masakit pang katotohanan ay nalaman ng Tatay ni Kiu na hindi talaga siya ang ama.
May kakambal si Kiu ngunit bago sila ilabas sa operating room ay kinuha na ng totoong Tatay ang kakamabal ni Kiu.
Taon pa ang lumipas, nalaman ng Nanay ni Jei ang katotohanan. Habang nasa eskwelahan si Kiu at Jei ay sinugod ng Nanay ni J ang Nanay ni Kiu. Halos magpatayan sila nung nagkaharap sila.
Nung umuwi na ang magkaibigan ay naabutan nila ang kapwa nila magulang na hindi pa rin natatapos ang away.
Sila ang umawat sa dalawa.
"Malandi ka! WAG NA WAG KAYO LALAPIT NG ANAK MO SA ANAK KO DAHIL MALALANDI KAYO!"
"ANONG SINABI MO SA ANAK KO?!"
"MALANDI! MALANDI KAYONG PAREHO DAHIL MAG-INA KAYO!"
E di ayon nga nagkahiwalay si Jei at Kiu.
Tinanong ni Jei kung bakit hindi na niya pwedeng makita si Kiu. Nagsinungaling ang Nanay niya sa kanya.
"Namatay ang papa mo dahil sa kanila. Kaya wag mo nang kikitain si Kiu, Jei."
Syempre hindi na niwala si Jei sa Nanay niya para sa kanya ay mas mahalaga si Kiu kahit sa ano at kanino pa man.
Pero bakit niya inaaway si Kiu?
Dahil pakiramdam niya ay binaliwala na siya ni Kiu. Na pinagpalit na siya nito. At sa panahon pa kung kailan niya talaga kailangan nang masasandalan ay wala si Kiu sa tabi niya.
"Jei, kailangan ko ng umuwi...umiiyak kasi si Mama kanina nung umalis ako sa bahay."
Pero kailangan din kita...
Ang mga katagang laging isinasaisip ni Jei kay Kiu.
"Sige, aantayin na lang kita sa play ground..." nakangiting sabi ni Jei kay Kiu.
Tumango si Kiu at iniwan na si Jei.
"Hindi kasi ako pwede ngayon makilaglaro sayo, Jei."
"Ayos lang." Nakangiting sabi ni Jei
Wag kang umalis...
"Sa susunod na araw na lang, Jei."
"Okay..."
Hindi ako okay, Kiu. Kailangan kita...
Tahimik na umiyak si Jei sa isang tabi.
Hindi na siya inaalagaan ng Nanay niya. Lagi itong umiinom at nagwawala sa bahay nila may pagkakataon pang nasasaktan siya nito.
Minsan kapag sobra itong nalasing ay binubuntong lahat ng galit niya kay Jei at sinusumbat lahat-lahat dito.
Simple lang naman ang gusto niya...isa lang naman ang kailangan niya.
Pero wala siya nung mga panahong 'yon.
Dahan-dahang lumayo ang loob ni Jei kay Kiu...
Kaya totoo nga ang sinabi ni Kiu sa kanya nung araw na tinalikuran niya ito.
"Hindi mo ko iniwan, Jei. Nawala ka!"
Badboy's S.P.V. (Still On flashback)
Habang nakahiga ang katawan ko sa malamig na lupa ay wala sa sarili akong napangiti.
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mainit na likido mula sa mata ko.
"Hindi nga kita iniwan K-Kiu...ikaw ang nang-iwan sa'kin, kaya ako nawala sayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/180945239-288-k47388.jpg)
BINABASA MO ANG
Tenth Rule
Teen Fiction(Kapag ang badboy nainlove) Boy: Hoy, Labo. (Mabilis na nilapitan si Girl) Girl: (agad na napayuko nang makita si Boy) B-bakit? Boy: Sino 'yung kausap mo kanina? Girl: K-kaklase ko- Boy: Nililigawan ka? (Naghahamong sabi) Girl: H-h-hindi. Boy: (b...