This is not the fucking date I was expecting.
"Jei," pagtawag sakin ni Kiu. Nilingon ko siya at hindi nagsalita.
Naiinis ako sa kanya. She's ruining everything.
"Jei!"
"Tsk."
"Jeeeiii!"
"What?!"
"Bakit galit ka na naman?" Nakangusong tanong niya sakin na mas ikinainis ko.
"Sinisira mo ang date natin."
"Anong ginawa ko?" Takang tanong niya.
"Bakit nakikipaglaro ka sa mga bata?"
"Kasi ayaw mong maglaro." Agad na sagot niya sakin na ikinaliit ng mata ko.
"Isip bata." Iritadong sabi ko sa kanya na mas ikinahaba ng nguso niya.
"Dahil hindi ako matanda." Sakastikong sabi niya pa.
"Pinipilosopo mo ba ako?"
"Pinipilosopo ba kita?" Balik na tanong niya sakin na ikinatahimik ko na lang.
She is enjoying this. I could tell.
Dahil sa ayoko na rin namang makipagtalo sa kanya. Tinalikuran ko na lang siya. Dinala ko siya rito para masolo ko siya. Tapos makikipaglaro lang siya sa mga bata?
"San ka pupunta Jei?" Paghabol niya sakin.
"Uuwi na ako." Matabang na sabi ko sa kanya.
"Ehhh? Pinag-cutting mo ako sa klase tapos iiwan mo lang ako?"
"Pinagcut kita dahil gusto kong makasama ka, hindi yong makita kang nakikipaglaro sa mga bata." Naiinis na sabi ko sa kanya.
Nang makarating ako sa motor ko at agad kong kinuha ang helmet na nakalagay sa motor. Isusuot ko na sana nang mabilis niyang inagaw sakin at isinuot niya. At mas mabilis pa sa alas kwatrong sumakay sa motor.
"Tara sa bahay niyo tayo magdate. Total namiss ko rin naman ang kwarto mo..." Dahan-dahang bumagal ang paraan niya nang pagsasalita na para bang may naalala siya.
Natigilan din ako nang maalala ko ang nangyari kaninang umaga.
"Wala akong nakita." Biglang sabi niya.
"Wala akong tinatanong." Agad namang sagot ko sa kanya.
Dahil sa ala-alang yon ay tahimik na lang naming tinahak ang daan pauwi sa bahay.
Nang makarating kami sa bahay ay hindi na namin naabutan si Mommy na pumasok na sa trabaho niya.
"Dito ka lang." Utos ko sa kanya nang makapasok na kami ng pintuan.
Tinuro ko ang upuan sa salas at mabilis na lumakad papunta sa kwarto ko.
Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na napansin ang kakaibang itsura ng bahay.
Natigilan ako nang makita ko si Eks na nasa kama ko habang may hawak na baril. Yung baril na nasa kabinet ko.
"Hindi mo pa rin binibigay yung baril sa kanya, Jei?" Takang tanong niya habang tinitingnan maigi ang baril na hawak niya.
"Anong ginagawa mo dito Eks?" Mabigat na boses na tanong ko sa kanya kaya napalingon siya sa direksyon ko.
"I'm doing my job." Simpleng sagot niya.
"Job?"
"Give her this gun, Jei."
"Nasan sina Zi?" Biglang usal ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/180945239-288-k47388.jpg)
BINABASA MO ANG
Tenth Rule
Teen Fiction(Kapag ang badboy nainlove) Boy: Hoy, Labo. (Mabilis na nilapitan si Girl) Girl: (agad na napayuko nang makita si Boy) B-bakit? Boy: Sino 'yung kausap mo kanina? Girl: K-kaklase ko- Boy: Nililigawan ka? (Naghahamong sabi) Girl: H-h-hindi. Boy: (b...