"Jei, may naghahanap sa'yo sa labas."
"Sino?"
"Ayaw sabihin ang pangalan, magagalit ka raw."
Tumayo ako sa upuan ko at naglakad papunta sa may unahang pintuan ng classroom at tiningnan kung sino ang naghahanap sa'kin. Malapit na ang dismissal at hindi pa rin kami pinapasukan ng last subject teacher namin kaya vacant na ang sched namin. Pwede nang mag-uwian kaya nauna na sina En (N), Zi (Z), Uai (Y ) at Eks (X) sa lugar kung saan magaganap ang gang war na sinasabi nila. Gustuhin ko mang sumunod ay hindi ko magawa dahil sumasakit ang t'yan ko. Kanina pa ako nagpapabalik-balik sa banyo, nagka-LBM yata ako.
Nang makalabas na ako sa classroom ay wala naman akong ibang nakikita kundi ang mga estudyanteng nasa tabi ng section namin na hindi rin ata pinasukan ng teacher nila.
"Jei." Nanlamig ako nang biglang sumulpot si Labo sa may gilid ko.
Nang lingunin ko siya ay ngiting-ngiti pa siyang nakatingin. Kinunutan ko siya ng noo at napalingon sa mga kaklase kong nakatingin sa direksyon ko at nagbubulungan. Pati yung nga estudyanteng nag dadaanan ay tinitingnan siya.
Inis akong napaasik at hinawakan ang kamay niya para hilain siya palayo. Hinila ko siya sa medyo tagong lugar kung saan walang makakakita sa'min. Agad kong binitawan ang kamay niya dahil kanina pa ako nakukuryente sa balat niya.
"Bakit ka pumunta sa room? Talaga bang iniinis mo ko?" Bungad na sabi ko sa kanya nang tumigil na kami sa paglalakad.
"Sinusundo kita, Jei." Masayang usal niya. Saka ko lang napansin na dala na pala niya ang bag niya.
"Bakit mo naman ako susunduin?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Dahil pinapapunta ka ni Mama sa bahay." Muling sabi niya na ikinatigil ko.
"Kailan pa umuwi si Tita?"
"Kagabi lang, ikaw agad ang tinanong niya sa'kin..." Nakangusong sabi niya na ikinatingin ko sa labi niya.
Agad akong napalunok at tinuon ang pansin ko sa mga mata niya na nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.
Inis akong napapikit at nag-iwas na lang nang tingin.
Fuck, wala ba siyang parte ng katawan na pwede kong tingnan na walang epekto sa'kin?
"Kaya tara na Jei, uwi na tayo." Parang batang sabi niya at hinawakan ang dalawa kong kamay saka sinilip ang mukha ko.
Pakiramdam ko ay muli akong nakuryente sa hawak niya pero ayokong bitawan niya ako.
Agad akong namula sa pagsilip niya sa mata ko dahil sa... hindi ko maipaliwanag na kahihiyan.
But damn fucking shit, she's such an innocent seductive prey.
Pumapasok na naman sa utak ko kung papaano siya gahasain sa lugar na 'to.
"Kapag hindi daw kita inuwi, magtatampo daw siya." Muling sabi niya sa'kin.
"Will you stop pouting? Gusto mo bang ako ang mag-uwi sa'yo?" Hindi ko mapigilang sabihin sa kanya dahil gustong-gusto ko na talaga siyang halikan.
"Pwede, basta sa bahay ko tayo uuwi." Walang kaide-ideyang sabi niya.
Napailing na lang ako saka ko inagaw ang mga kamay ko mula sa kanya.
Kapag inuwi kita sa bahay, hindi ka na makakalabas. Mahinang sabi ko sa isipan ko.
"Kukunin ko lang ang bag ko." Mahinang usal ko at binulsa ang dalawang kamay ko na nanghihina dahil sa hawak niya.
Bukod sa kuryenteng nararamdaman ko kapag hawak ko siya o hawak niya ako. May kakayahan din siyang higupin ang lakas ko. Tangina, nanlalamya ang katawan ko sa hawak niya.
BINABASA MO ANG
Tenth Rule
Teen Fiction(Kapag ang badboy nainlove) Boy: Hoy, Labo. (Mabilis na nilapitan si Girl) Girl: (agad na napayuko nang makita si Boy) B-bakit? Boy: Sino 'yung kausap mo kanina? Girl: K-kaklase ko- Boy: Nililigawan ka? (Naghahamong sabi) Girl: H-h-hindi. Boy: (b...