Chapter O

102 8 0
                                    

"Hoy, wala ka bang balak tumigil d'yan?" Kunot-noong tanong ni En habang nakatingin sakin.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagbugbog sa punching bag ni Blaze.

"Alam mo, kung nagseselos ka... dapat pinigilan mo."

"I'M NOT FUCKING JEALOUS!" Malakas na sigaw ko sa kanya.

"Okay, fine. Wag kang sumigaw."

"Fuck it." Singhal ko at malakas na sinipa ang punching bag.

"Maiba ako, mukhang close yung babae kay Zi kanina."

"I don't fucking care."

"Okay, sabi mo eh."

Tumigil na siya sa pagtatanong sakin, tumigil na rin ako sa pagsapak at pagsipa sa punching bag saka ako lumapit sa pitsel kung saan may nakalagay na tubig.

"Jei, tingin mo...satin pa rin mapupunta ang core house sa susunod na buwan?" Napalingon ako sa kanya sa tanong niya.

"No one can defeat us." Simpleng sagot ko sa kanya.

Kada taon, nagkakaroon ng gang war sa pagitan ng mga hawak ni Flame. Sa kabuuan ay mayroon silang 12 Gang. Katumbas ng 60 na katao. 5 tao kada gang. At sa bawat taon na lumilipas ay naglalaban-laban ang dose na yon sa loob ng isang linggo. At ang matitirang gang na nakatayo ay ang susunod na mag mamay-ari ng core house. Magmula ng araw na naging kagrupo ko sina Zi ay hindi na kami naalis sa core house. Parang kami na rin ang may ari nito, kahit na ganun ay hindi naman nawawalan ng pag-asa ang ibang mga gang na angkinin tong core house. Kahit na halos magpatayan kami kapag nagkakaroon na ng gang war hindi pa rin maitatanggi na kapag nadehado ang isang gang ay sama-sama namin yong papatumbahin.

Sinanay kami ni Cyril na magtulungan dahil hindi lang kami basta isang gang isa raw kaming pamilya.

"Wala nang tubig." Sabi ko nang maibuhos ko na ang huling patak ng tubig na nasa pitsel.

"Anong gagawin ko?" Takang tanong naman niya. Hinagis ko sa direksyon niya ang pitsel.

"Kumuha ka."

"Ano mo ko? UTUSAN? AYOKO!" Malakas namang sigaw niya at binato ang pitsel sa direksyon ko na hindi ko naman nasalo kaya tumama sa mukha ko.

Mariin akong napapikit at masama siyang tinitigan.

"Kukuha ka sa taas o isusumbong kita kay Zi na sinusundan mo siya?"

"Sige subukan mo! Ikakalat ko ang tungkol sa nasa star-"

"I DON'T FUCKING CARE! KUMUHA KA NG TUBIG!" Mas malakas na sigaw ko sa kanya na ikinatahimik niya at padabog na tumayo saka kinuha ang pitsel na nasa sahig.

Kasalukuyan kaming nasa basement, kung saan naka-locate ang lugar kung saan kami kadalasang tumatambay para mag-ensayo at karaniwang dito ginaganap ang gangwar namin dahil sa kalawakan ng paligid.

Narinig ko ang malakas na pagkalabog ng pintuan dahil sa pabagsak niyang pagsara.

Napailing na lang ako at bumalik sa ginagawa ko.

El...I didn't know that you have fucking someone else, Labo.

Halos ilang minuto ko nang pinagsusuntok ang punching bag, hindi pa rin bumabalik si En.

Kinain na ata ng ref.

Hindi ko na lang inintindi dahil baka dumagdag pa sa pagkairita ko.

Ayoko sa paraang may ibang gusto si Labo.

Naiirita ako sa katunayang may ibang lalaki sa buhay niya.

That's not fucking normal.

"JEI! MAY NAKAPASOK!" Malakas na sigaw ni En na ikinatigil ko sa pagsuntol sa punching bag at ikinalingon ko sa direksyon niya.

Tenth RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon