Ilang linggo lang ang nakalipas ay bumalik na sa dati ang lahat. Hindi na ulit ako kinakausap ni Labo at hindi ko na rin siya pinapansin.
"Zi! Aalis ka na naman?!" Naiiritang tanong ni En habang hawak ang bag ni Zi na dala-dala niya.
Hindi nagsalita si Zi pero tinanggal niya lang ang hawak sa kanya ni En at mabilis na naglakad paalis.
Parehas na wala ang kambal kaya medyo tahimik sa classroom. Kahit na ang ibang grupo ay napaka-ingay.
"JEI! PIGILAN MO SI ZI!" Baling ni En nang atensyon niya sakin na hindi ko naman pinansin.
Sa hula ko ay pupuntahan ni Zi ang gusto niyang babae.
"JEI!" Mas malakas na sigaw ni En.
Parang wala akong narinig na tumungo sa table para matulog at makaidlip.
Sa loob ng isang Linggo halos ilang araw ko nang hindi nakikita si Labo kahit na hanapin ko pa siya.
Kung makikita ko man siya agad siyang nawawala sa paningin ko kapag napalingon ako sa ibang direksyon.
Kapag hindi ko talaga natiis ay hihilain ko si Uai at Eks papunta sa classroom ng Star Section para masulyapan lang siya.
Tyak naman ako na matutuwa si Uai kapag niyaya ko siya sa section na 'yin dahil nandoon ang paborito niyang kapatid na B ang pangalan. Hindi ko alam kung ano ang issue na meron ang pamilya nila pero ang alam ko lang ay step-brother nila ang isang 'yon.
Kapag may pagkakataong hindi ko namamalayan na gusto ko na palang makita si Labo ay nagpapahila na lang ako kay Uai kapag tinatawag siya nung kapatid niya sa section na 'yon.
At kapag nadon na kami ay wala sa sarili kong hinahanap ang bulto niya at hindi namamalayan ang sarili kong napapangiti habang tinitingnan siya. Kapag namalayan ko na ang sarili kong matagal na nakatitig sa kanya ay agad akong nag-iiwas nang tingin at nauuna nang umalis kina Uai at Eks.
"JEI! ANO BA JEIII! WAG MO KO TULUGAN!" Malakas na sigaw ni En habang kinakalampag ang desk ko dahilan para makaramdam ako ng pagkabwesit.
"Ano ba?!" Iritadong bulyaw ko sa kanya at umalis mula sa pagkakahilig sa upuan ko.
"Samahan mo ko kay Zi!"
"Girlfriend ka ba niya?!"
"Kapag sinabi kong oo, aangal ka?!" Iritadong sabi naman niya na ikinangisi ko.
"Hindi. Para namang magugustuhan ka niya." Nakangising sabi ko sa kanya na ikinaliit ng mata niya sa pagkairita sakin.
Pero nawala ang panliliit ng mata niya at kinuha ang cellphone niya. Kahit na nagtataka ako sa biglang pagbabago ng ekspresyon niya ay hindi ko na 'yon pinansin at muling nagtangkang ihilig ang ulo ko sa table ko.
"Sasama ka sakin na sundan si Zi o ibunbunyag ko ang crush mo sa star section?" Nakangising tanong niya habang nakadisplay ang mukha ni Labo sa phone niya kasama ako.
Parehas kaming nasa ilalim ng hagdanan. Ito 'yong araw na inaya niya akong umuwi sa bahay nila.
Hindi agad ako nakakilos sa pagkagulat na may ganun siyang larawan namin ni Labo. Pero nang makarecover ako sa pagkakatulala ay agad kong tinangkang bawiin sa kanya ang cellphone niya.
Agad niya itong nailayo kaya naman wala sa oras akong napatayo sa inuupuan ko.
"Burahin mo yan, En." Nagbababtang sabi ko sa kanya.
"Sasama ka? O hindi?" Tuwang-tuwang sabi niya dahil alam niyang susunurin ko siya.
Hindi ako nagpahalatang alanganin ako.
Fuck naman, paano siya nakakuha niyan?
"Sasama ako kung buburahin mo yan."
"Buburahin ko 'to kapag sumama ka na."
"Okay." Agad na sagot ko sa kanya na ikinangiti niya.
Nauna na siyang maglakad at sinundan ko lang siya.
"Alam mo ba kung nasan si Zi?" Tanong ko sa kanya kalagitnaan nang paglalakad namin na ikinatango niya.
"Binigyan ako ni Boss Manuel ng tracker."
"Tss, masyado ka talagang paborito ng tanda na yon."
"HOY! HINDI MATANDA SI BOSS MANUEL! TWENTY SIX LANG SIYA!" Malakas na sigaw niya na ikanasalubong ng kilay ko.
Halos sampong taon sa edad niya hindi matanda?
"Ang sabi niya, katulad ko raw si Queen Flame!" Parang kinikilig na sabi niya na mas ikinakulubot ng noo ko.
Napailing ako at kinuha ang cellphone niyang nasa kamay niya at agad na dinelete ang picture namin ni Labo na hindi naman niya pinansin.
Alam naman kasi niyang hindi ako tatakbo palayo sa kanya. Nasabi ko nang sasama ko, wala nang bawian.
Kinuha niya ang cellphone niya mula sakin at may kung ano-anong pinindot doon. Hindi ko naman alam ang pinaggagawa niya kaya naman wala akong ibang ginawa kundi ang sundan siya.
3rd rule: Walk your talk
Kahit na hindi ko pa nakikilala ang babaeng pinaka namumuno sa gang na kinabibilangan ko ay parang nakikilala ko na rin siya sa nga kwento ng tatlo niyang alagad na sina Cyril, Manuel at Blaze.
Pakiramdam ko ay kapwa-kapwa lang nahulog ang tatlong 'yon sa iisang babae at napagpasyahang gawing lider ng gang nila. Kahit na laging sinasabi ni Manuel na malakas si Flame hindi ko naman mapaniwalaan. Sa lakas ni Blaze pakiramdam ko ay wala nang makakatalo sa kanya at isa pa, babae lang si Flame. Anong magagawa ng babaeng katulad niya saming mga lalaki?
Kahit na basugelera si En ay hindi pa rin niya kayang talunin si Zi. Kaya para sakin, mahihina ang mga babae. Kaya man akong pantayan ni En sa pakikipaglaban ay natatalo ko pa rin siya kadalasan.
"Nakita ko na siya!" May kahinaan pero kalakasang bulaslas niya at hinila ako patago sa pader. Dahil sa likas na wala akong pakialam ay ko na nilingon pa si Zi.
"Kausap niya ang mga nasa star section."
Dahil sa sinabi niya wala sa oras akong napalingon sa direksyon na tinititigan niya .
"Diba yun yung crush ni Jei?" Takang tanong ni En na hindi ko pinansin. Kumunot ang noo ko at wala sa sarili kong naiyukom ang kamao ko habang nakatingin sa direksyon nila.
Hindi sila nag-uusap pero magkatabi sila.
"Don't tell me...iisa kayo ng tipo ni Zi?" Namamangha pang dugtong niya sa sinabi niya na masama kong ikinatingin sa kanya.
Mahina siyang natawa.
Muli akong napatingin sa direksyon nila Zi at Labo ay nagtangkang sumugod nang pigilan ako ni En.
"Wag kang istorbo, Jei. Magkakalove life na si Zi, manood tayo." Mahinang asik niya sakin na parang tuwang tuwa. Marahas kong inagaw ang pagkakahawak niya sakin.
"She's already MINE!"
![](https://img.wattpad.com/cover/180945239-288-k47388.jpg)
BINABASA MO ANG
Tenth Rule
Teen Fiction(Kapag ang badboy nainlove) Boy: Hoy, Labo. (Mabilis na nilapitan si Girl) Girl: (agad na napayuko nang makita si Boy) B-bakit? Boy: Sino 'yung kausap mo kanina? Girl: K-kaklase ko- Boy: Nililigawan ka? (Naghahamong sabi) Girl: H-h-hindi. Boy: (b...