Chapter P

85 10 0
                                    

"Wala ka bang balak gumising?" Naalimpungatan ako at napamulat ng mata nang marinig ko ang boses ni Eks.

Agad akong napabangon at muling bumagsak sa hinihigaan ko dahil sa sakit ng katawan ko.

"Tsk, tsk. Bakit kasi nag-away kayo ni Zi eh." Dugtong pa niya sa sinabi niya na ikinakunot ng noo ko.

Agad kong nilibot ang paningin ko para hanapin ang Flame na sinasabi nila.

Wala akong nakita. Si Eks lang at Zi ang nadito kasama ko sa kwarto. Si Zi na nakahiga pa rin at nakapikit.

"Asan na si Flame?"

"Flame? Si Queen? Nandito?"

"Bakit nandito ka?"

"Pinapunta ako ni En, nag-away daw kayo ni Zi kaya kailangan niyo ng bantay."

"Asan si Uai?"

"Kasama si Bi."

Hindi na ako nagsalita dahil mukha namang wala siyang alam. Pinilit ko na lang ang sarili kong bumangon para hanapin siya.

Gusto ko siya makita at itanong sa kanya kung paano siya lumakas ng ganun. Hindi siya tao...

Para siyang halimaw, ni hindi ko nga siya nakitang gumalaw pero nagawa niya akong pabagsakin sa sahig ng ilang ulit.

"Oh? San ka pupunta?" Takang tanong ni Eks at ginabayan ako sa pagtayo na hindi ko naman pinansin. Mabilis akong lumakad papalapit sa pintuan para lumabas na sa kwartong to nang saktong bumukas ang pintuan at sumalubong sakin si Blaze.

"You're awake." Walang emosyong sabi niya sakin at nilingon ang direksyon ni Zi.

"Flame wants to talk to you." Muling baling niya sakin.

"Gusto ko rin siyang makausap." Kasyuwal na sabi ko sa kanya.

"Boss Blaze." Narinig ko ang sinabi ni Eks sa likod ko na hindi rin naman pinansin ni Blaze at nauna na siyang lumakad na sinundan ko naman.

"Is this serious? Si Queen nandito?" Pabulong na sabi ni Eks sa gilid ko.

Tumigil kami sa isa lang kwarto.

Pagkabukas ni Blaze nang pintuan ay agad siyang gumilid, nung una ay nagtaka pa ako bakit binigyan niya ako ng daan papasok. Mali pala ako.

May Malakas na tumama sa mukha ko na hindi ko malamang bagay , na sobrang tigas.

"Fuck." Mahinang mura ko at napayuko habang hawak ang ilong ko.

"Oh? Nanjan na pala kayo?" Kahit na masakit ay pinilit kong imulat ang mata ko para tingnan ang nagmamay-ari ng malamig na boses na yon.

Gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi ako takot sa mata niya. Na wala akong kilabot na nararamdaman sa titig niya.

Isa lang siyang babae...

"Are you okay?" Tanong ni Cyril sakin na ikinatango kahit masakit talaga ang mukha ko.

Nang magtama ang tingin namin ay sinamaan ko siya ng tingin.

Halos limang taon na akong kasali sa gang na to pero ni minsan hindi ko siya nakita. Ito ang unang beses sa loob ng limang taon. Kumalat ang balitang isa siyang tiwalag sa gang pero hindi naman kinumpirma nina Cyril ang bagay na yon samin.

"Ano? Sino pang gustong lumaban?" Biglang sabi niya at iniwas na ang tingin niya sakin saka tiningnan si Manuel na nasa isang sulok at nakayuko.

Napahawak ako sa pinakamalapit na pintuan dahil nang hina ang mga tuhod ko dahil sa mga mata niya.

Tenth RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon