Chapter J

98 8 0
                                    


Dahil uwian kami naaksidente, maraming estudyanteng agad na dumalo sa'min ni Kiu.

"Call a fucking a-ambulance." Nauutal na sabi ko sa babaeng unang nakalapit samin habang dahan-dahang ibinababa ang ulo niya sa kalsada.

Nang maibaba ko na si Kiu ay agad kong nilingon ang direksyon ng sasakyan na muntik na siyang sagasaan at mabilis na lumakad papunta sa tinigilan niya.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa driver...mukhang nakonsensya ata kaya tumigil.

"Hoy!" Malakas na bulyaw ko at sinipa ang pintuan ng kotse.

Dahil tinted ang windshield ay hindi ko makita kung sino ang nasa loob, gustuhin ko mang-wasakin ang salamin ng sasakyan ay hindi ko magawa sa kadahilanang nanghihina ang katawan ko sa pagkaumpog ng ulo ko sa kalsada.

"Lumabas ka d'yan!"

Ilang beses ko pang kinalampag ang windshield niya bago niya ibinaba.

"Hindi ka ba marunong magmaneho?! Bulag ka ba-" natigilan ako nang makita ko si Mommy.

"Anong g-ginagawa mo d'yan?" Hindi ko mapigilang mautal nang makita ko ang mukha niya.

Ilang beses kong nilunok ang laway ko bago magising sa pagkakatulala.

"Wh...why did you do that?!" Malakas na sigaw niya sakin habang may galit na ekspresyon sa mukha niya.

"A...are you crazy?! MUNTIKAN MO NANG MAPATAY SI KIU!"

"AND YOU RUINED IT!"

Hindi ko mapigilang hindi matulala sa kanya.

My mother tried to kill a person...my person. Pakiramdam ko ay hindi kinaya ng utak ko ang sinabi niya kaya napakunot ang noo ko at napahawak sa sentido ko.

Nakaramdam ako nang matinding hilo kaya napahawak ako sa itaas ng kotse niya.

"J-jei." Narinig kong pagtawag niya ng pangalan ko bago ako matumba.

"Jei." Naalimpungatan ako dahil sa malamig na tubig na bumabagsak sa mukha ko.

Nang iminulat ko ang mata ko ay sumalubong sakin ang mukha ni Mommy.

"I'm sorry baby..."

"Asa'n si Kiu?" Bungad na tanong ko sa kanya na ikinatigil niya.

"She's next to you."

Napalingon ako sa kabilang parte at nakita ko nga si Kiu na mahimbing na natutulog. Hindi ako nakuntento na makita lang siyang natutulog. Tumayo ako sa hinihigaan ko at lumapit sa direksyon niya. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa katawan niya para tingnan kung may sugat ba siya o ano.

At ganun na lang ang panglulumo ko nang makita kong nasugatan ang braso at binti niya.

Inis kong hinarap ang direksyon ni Mommy at nilapitan siya.

"What are you trying to do?"

"I know you know what I want to do, Jei."

"Kung galit ka sa Mama ni Kiu, 'wag mo siyang idamay sa kabaliwan mo!"

"You don't know anything!"

"And she doesn't know A thing!"

"Even if, wala siyang karapatang mabuhay, Jei."

"Who are you to know that?"

Tumayo siya sa pagkakaupo sa upuang nasa tabi ng kama ko.

"She's an illegitimate child!"

Kinunutan ko siya ng noo.

Parang hindi nag-sink-in sa utak ko ang sinabi niya.

"Paano siya naging anak sa labas?"

"Anak siya sa iba ng Nanay niyang malandi. At ang malanding Nanay niya ay sumama pa sa ibang lalaki niya."

"Hindi kita naiintindihan."

"Dahil wala ka ngang alam!"

"Tell me."

Hindi ko talaga naiintindihan ang sinabi niya nung mga oras na 'yon. Pakiramdam ko ay mas sumakit ang ulo ko dahil sa pinagsasabi niya.

Nang makuha ko ang sinasabi niya ay mas lalong hindi ko siya maintindihan.

Ano bang pakialam niya sa pamilya ni Kiu? Bakit ba malaki ang epekto sa kanya ng mga bagay-bagay tungkol sa pamilya ni Kiu. Samantalang ang mismong pamilya namin...hindi niya magawang maasikaso.

Pinaalis ko na siya matapos ang mahabang pagkwe-kwento niya. Nilingon ko ang direksyon ni Kiu at hanggang ngayon ay tulog pa rin siya.

Kung sumama na sa ibang lalaki ang Mama niya...ibig sabihin ba nun mag-isa na lang siya sa bahay nila?

Kung hindi nga siya anak ng Papa niya, sino ang totoo niyang ama?

Nung mga panahon bang pinahihirapan ko siya, sino ang nasa tabi niya?

Bakit ako gustong makita ng Mama niya?

Kaya ba kinausap niya ako kanina?

Buong oras na tulog siya ay nakatulala lang ako sa kanya.

Maraming gumugulong tanong sa isip ko na alam kong siya lang ang makakasagot.

All this time...sarili ko lang ang inisip ko. Masyado akong nabulag sa galit ko sa kanya.

Kung hindi niya lang siguro tinatanggi noon, kung hindi lang sana ako iniwasan noon, kung hindi niya lang sana ako sinaktan. E 'di sana nasa tabi pa rin niya ako, dinadamayan ko siya, sana lahat ng oras ko ay nasa kanya....e 'di sana parehas kaming hindi nasaktan na dalawa.

Tanggap ko na mas pinipili niya ang Mama niya kesa sakin. Alam kong isa siyang mabuting anak.

Tanggap ko na hindi niya ako sinasamahan nang mga panahong kailangan ko siya.

Tanggap ko na hindi ako ang kailangan niya.

Tanggap ko na pangalawa lang ako sa buhay niya.

Tinanggap ko na isalang ako sa napakaraming taong nakapalibot sa kanya.

Hindi ko matanggap nung tinanggi niya ako, na iniwasan niya...hindi ko matanggap na hindi niya ako pinahalagahan.

Wala sa sarili akong napangiti nang naalala ko 'yong araw na nalaman kong sinasadya niya palang iwasan at layuan ako. Akala ko ay abala siya sa pag-aaral dahil matalino talaga siya, akala ko ay may iba lang siyang ginagawa na mas mahalaga na naman sakin...yun pala, ayaw lang talaga niya akong makasama.

Ayos lang kung nanggaling sa ibang tao...hindi ko sila paniniwalaan. Pero aiya mismo ang nagsabi ng katagang...

"Ayoko na kay Jei, ayaw ko na siyang kasama."

"Ehhhh? Pero hindi kaya kayo nagkakahiwalay non."

"Ayoko sa kanya....sawa na akong makipaglaro sa kanya."

"Ang bad mo naman kay Jei."

"Kasalanan niya kung bakit lagi akong inaasar ng mga kaklase natin."

Nung araw na 'yon. Tuwang-tuwa pa ako dahil ginawan kita ng kwintas na bulaklak, akala ko matutuwa ka sa bagay na ginawa ko para sayo.

Hindi ko matanggap na sinabi mo 'yon...ayaw iproseso ng utak ko na ayaw mo na sakin.

Ikaw lang ang meron ako nun...

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at linapitan kita. Nakangiti kong ibinigay sayo ang ginawa kong bulaklak.

Nakita kong natigilan ka.

Sa ekspresyon mo nung mga oras na yon para kang nakonsensya.

Pero hindi ko pinansin yon.

Nagbulag-bulagan ako...dahil hindi ko kayang mawala ka.

Tenth RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon