Chapter Q

86 9 1
                                    

9th Rule: Don't fall inlove.

"Nakakatampo talaga, bakit di ko manlang nakita si Queen." Angil ni Uai habang hila-hila ako.

"Dahil wala ka." Sabi ko naman sa kanya na mas ikinadabog niya.

Kasalukuyan niya akong hinihila papunta sa star section sa kadahilanang pinatawag daw siya ng Kuya niyang si Bi. Hindi namin kasama si Eks dahil magpasa-hanggang ngayon ay 'broken hearted' pa rin daw siya dahil hindi man lang niya nasabi kay Queen ang pag-hangang nararamdaman niya para rito. Parehas sila ni En na magpasa-hanggang ngayon ay nag mamaktol pa rin. Pwede akong tumanggi pero mas gusto kong sumama. Gusto ko ring makita si Labo dahil ilang araw din kaming absent na dalawa ni Zi dahil sa bugbog na natamo namin mula kay Queen.

Kinaumagahan matapos ang araw na yun ay literal kaming hindi nakakilos sa kamang hinihigaan namin. Ang taas pa nga ng lagnat ni Zi kaya naman hindi malaman ni En kung ano ang gagawin nung oras na yon.

Ang sakin naman ay hindi ko lang talaga maigalaw ang katawan ko sa sobrang sakit.

Pero matapos ang ilang Linggong pagkakahilata sa kama ay nakakalakad na kami, kahit papaano.

Kahit na nabugbog ako ni Queen na sa tipong hindi na ako makalakad hindi ko maikakailang nasa kanya na ang buong respeto ko. Hindi na ako nagtataka kung papaano niya narating ang titulo niya bilang isang legendary.

"Excuse me, and'yan ba si Kuya Bi?" Magalang na tanong ni Uai sa mga babaeng nakatayo sa may pintuan ng Star Section.

"BI! MAY NAGHAHANAP SAYONG BABAE!" Malakas na sigaw nung babae sa loob ng classroom.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Labo sa loob at napakunot ang noo ko ng makita kong pinalilibutan ang pwesto niya ng mga hindi pamilyar na mukha- teka.

Mapakla akong natawa nang makita ang lalaking umagaw sa kanya sakin nung araw na nabugbog ako. Hindi tulad nang ginagawa ko noon... hindi ko inalis ang titig ko sa kanya.

Tahimik lang siyang nakayuko habang may sinusulat na kung ano sa papel na nasa table niya. Kahit na ganun ay nakaupo sa tabi niya ang isang babaeng nakasandal sa balikat niya at parang kinakausap siya. Bukod pa ron ay may nakapalibot ng ibang estudyante sa paligid niya. Nakaupo sa table niya yung El na kasama niya na nagpainit ng ulo ko.

Nabaling ang atensyon niya sakin. Hindi ako nag-iwas nang tingin o lumakad palayo. Tinitigan ko lang siya.

Gusto kong mabadtrip dahil kasama niya ang lalaking pinili niya kesa sakin.

But I just can't...

I fucking miss her.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nagtitigan basta namalayan ko nalang na nagising na lang ako sa pagkatulala sa kanya nang tumayo siya at agad na lumapit sakin.

"J-jei," mahinang sabi niya habang nakatingala sakin.

Hindi ako nagsalita.

"Excuse me po, di ba kaibigan niyo po si Zi?" Napalingon din ako sa direksyon nung babaeng lumapit kay Uai.

"Ha?" Takang sabi ni Uai at napalingon sakin.

"J-jei, sumama ka sakin." Mahinang sabi ni Labo at hinawakan ang kamay ko saka ako hinala palayo sa pintuan ng classroom.

Hindi ako tumutol o naglaban sa hawak niya. Gusto ko yung pakiramdam ng kuryenteng tumutusok sa balat ko na nanggaling sa balat niya.

"San ka p-pumunta?" Takang tanong niya sakin nang tumigil kami sa paglalakad.

Tumingin ako sa mata niya.

"Nagalit k-ka ba sakin?" Muling tanong niya.

I want to touch her face.

"H-hindi ko naman s-sinadya yon, sumama ako kay El p-para magpatur-"

So I did.

Hinaplos ko ang pisngi niya saka ako napatingin sa labi niya.

"J-jei?"

"Namiss kita." Wala sa sariling naiusak ko at muling ibinalik ang atensyon ko sa mga mata niya.

Naitikom niya ang bibig niya.

Nginitian ko siya at tinanggal ang kamay ko sa mukha niya.

"Ayokong sumama ka sa ibang lalaki." Muling usal ko sa kanya.

"Ayokong may iba, maliban sakin."

"H-hindi ko maintindihan." Nauutal na sabi niya na mas ikinalawak ng ngiti ko.

"Wag mo nang intindihin."

"G-galit ka ba sakin? "

"Hindi."

"Pero...b-bakit hindi ka nagpapakita sakin? I-ilang araw kita hinanap."

"Hinanap mo ko?" Takang tanong ko sa kanya at bahagyang natawa.

Namula ang mukha niya kaya natigilan ako sa pagtawa at napaiwas ng tingin.

Nag-blushed siya! Fuck! Dahil sakin?

Nakatakip ako ng mukha at napakurap dahil pakiramdam ko ay namula rin ako dahil sa reaksyon niya.

"K-kasi akala ko g-galit ka sakin, ayokong nagagalit ka." Mahinang sabi niya na mas ikinapula ko... dahil sa kilig na naramdaman ko.

"May nangyari lang kaya hindi ako nakapasok."

5th Rule: Never betray the gang

"A-ayos ka lang ba?" Tanong niya sabay hawak sa mukha ko na ikinalaki ng mata ko at ikinaatras palayo sa kanya.

"A-ayos lang." Sagot ko sa kanya at napaubo.

Buong akala ko ay lalayo na siya at muling yuyuko pero naestawa ako sa kinatatayuan ko nang muli siya lumapit at tumingkayad para abutin ang pisngi ko.

"May p-pasa ka, Jei... hindi ka a-ayos." Sinserong sabi niya na muli kong ikinatingin sa labi niya.

Gustuhin ko man muling umatras palayo sa kanya ay hindi ko magawa dahil sa pagkasemento ng katawan ko sa hawak niya.

"Sumama k-ka sakin pauwi ah? Gagamutin k-kita sa bahay." Mahinang sabi niya pa na hindi ko klarong naintindihan dahil nasa ang atensyon ko ay nasa kamay niyang mainit na nasa mukha ko nakalagay.

Ibunuka ko ang bibig ko para magsalita pero walang lumabas na boses mula sa labi ko.

Mas lalo akong naestatwa nang dumapo ang daliri niya sa labi ko.

What the fucking fuck is this torture?

"Kahit y-yung labi mo may sugat. B-bakit kasi nakipag-away ka na naman?" Parang naiiritang tanong niya na ikinakurap ko sa hangin.

Hindi ko alam kung bakit natutuwa akong naiinis siya sa mga oras na to dahil sa mga sugat at pasa ko sa mukha.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa mukha ko kaya nalipat ang atensyon niya sa mata ko.

"Are you mad?" Hindi ko mapigilang hindi itanong sa kanya.

Ngumuso siya na ikinalunok ko.

"W-wala akong karapatang magalit sayo." Mahinang sabi niya na muli kong ikinalunok.

"Kapag meron... paano kung may karapatan ka? Magagalit ka ba?"

Napaiwas siya nang tingin at umayos nang tayo niya. Pero hinayaan niya lang akong hawakan ko ang kamay niya.

"N-naiinis ako k-kasi... lagi kang m-may sugat." Halos pabulong na sabi niya na malakas na ikinalabog ng puso ko.

"P-pero... wala naman akong karapatang sitahin ka." Dugtong pa niya.

"Kiu." Pagtawag ko sa pangalan niya na ikinatingin niya sakin.

"B-bakit?"

"Do you love me?"

Tenth RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon