Matapos ang gabing 'yon nakilala ko sina Zi, En, Eks at Uai. Sila ang naging bagong gangmates ko. Ilang araw matapos ko silang makilala ay nilipat kami nina Cyril sa iisang eskwelahan lang. Sa madaling salita ay nag-trnasfer kaming lahat sa teritoryo ni Zi. Siya ang naging lider namin, wala namang kaso sakin 'yon dahil malakas naman talaga siya. Si En naman laging nasasangkot sa gulo. Si Eks mahilig lang siyang makipaglaro, habang si Uai naman ang pinaka-isip bata.
Sa paglipat ko ng school ay naging madali sakin ang pag-iwas kay Kiu. Mas naging pala-away nga lang ako. Sa loob ng isang taon na yon ay nanguna ang gang namin sa pwesto ng mga malalakas na gang na hawak nina Cyril.
"KUYAA eeeiiiii! Sa dati mong school...may love ka ba?" Malakas na sabi ni Uai habang nag-o-open forum kami na pinapagawa niya.
Gusto raw niyang mapalapit ang loob namin sa isa't-isa pero silang dalawa lang naman ng kambal niya ang nag-sasalita.
"KUYYAA Jeeeiii! Hindi ako sinasagot ng titig mo! Buksan mo ang bibig mo."
"Wala." Maikling sagot ko na ikinapalakpak niya.
"SABI SAYO EKS! PANALO AKO!" Mas malakas na sabi niya at napatayo pa sa upuan niya habang nakaturo kay Eks..
"I don't believe you! Meron yan, alam kong meron!" Malakas namang sabi ni Eks habang nakaturo sakin.
Tinitigan ko lang siya na ikinasimangot niya.
"SABI KO NGA WALA! AYAN PANALO KA!" Malakas namang sigaw niya kay Uai at binagsak ang pera sa upuan nito.
"ATE ENNN! Ikaw En? May love life ka?"
"Meron." Barumbadong sabi naman ni En na ikinalaki ng mata ni Eks.
"ALAM KONG WALA!" Sigaw nito kay En.
Agad siyang kwinelyuhan ni En.
"PAPAKASALAN AKO NI BOSS BLAZE, may reklamo ka?!" Naghahamong sigaw nito.
"W-wala." Utal na sabi naman ni Eks na ikinaiing ko at ikinalingon kay Uai na nagpupunyagi dahil nakakarami na siya ng kuha ng pera sa kambal niya.
"Kuya Zi? Ikaw?" Mahinahong tanong ni Uai sa kanya.
Umiling lang siya habang nakapikit.
Tumango si Uai at sumimangot saka binigay ang kalahati ng napanalunan niya kay Eks.
Pagkatapos ng isang taon ay muli kaming nagkita ni Kiu.
Nung una ay hindi ko siya nakilala...
Sobrang laki ng pinagbago niya.
Mas matangkad na siya, mas umikli ang buhok niya pero ang haba ng bangs niya na tumatakip sa mukha niya. Iba na rin ang pamamaraan niya ng pananamit at ang paraan ng pagkilos niya.
She completely turned into a nerd.
Sa Star Section siya napunta, ang karibal na kalaban ng section na kinabibilangan ko.
Tahimik kaming namuhay na dalawa. Walang pansinan, walang tinginan. Parang hindi magkakilala.
Kinakausap niya lang ako kapag dumadating ang Mama niya sa bahay nila. Sinasama niya ako pag-uwi sa kanila. Parang normal ang lahat.
Dahil sa mga pinaggagawa niya...hindi ko na namalayang dahang-dahang lumapit ang loob ko sa kanya.
Maayos na dumadaloy ang lahat hanggang sa namalayan ko na lang na... nagustuhan ko siya.
Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil lagi ko siyang tinititigan. Siguro dahil sa kakaibang pakiramdam kapag hawak niya ako. Siguro dahil natutuwa ako kapag sandaling nakakasama ko siya.
Pero kahit na gusto ko siya alam kong bawal.
(FLASHBACK END) SA WAKAS!
"Ayos ka lang?" Tanong ni Eks sakin habang nakatulala ako sa kawalan. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.
"Talaga bang tinatanong mo ako niyan?" Tanong ko sa kanya.
"Oopps, sabi ko nga." Natatawang sabi niya at lumayo na sakin.
Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pag-inom ng beer ko.
"Uuwi na kami ni Uai!" Malakas na sigaw niya na hindi ko na pinansin.
Hindi rin naman nagsalita si Zi.
Narinig namin ang pagsara ng pintuan.
Tahimik lang ang paligid dahil sa dalawa na lang kami ang naiwan.
Kasalukuyang nasa core house kami. Kadalasan ay dito ang bagsak namin ni Zi kapag ayaw naming umuwi sa kanya-kanya naming bahay.
Kahit na marami kaming pagkakapareho at napagkakasunduan. Hindi pa rin kami nag-uusap kapag kaming dalawa na lang ang naiwan.
Una dahil hindi siya mahilig magsalita. Pangalawa hindi siya mahilig magkwento.
Sa ngayon ay hindi ko alam ang problema niya. Pero alam kong may probkema rin siya dahil naka-anim na bote na siya ng beer pero mukhang hindi pa rin siya lasing at sa unang pagkakataon kanina ay nakita ko siyang lumaban. Higit sa sampo ang napatumba niya dinaig pa niya ako na dalawa lang ang nabugbog.
"Nung bata ako may kaibigan ako babae." Hindi ko namalayang nasabi ko habang nakatingin ako sa kanya.
Siguro dahil parang sasabog na ako anong oras man ngayon kapag hindi pa ako nagsalita.
Malamig niya akong tinititigan.
"Pero habang lumalaki kami nalalayo kami sa isa't-isa." Dugtong ko pa sa sinabi ko at tumungga ng beer saka mahinang natawa nang malunok ko na yung ininom ko.
"Nung nalayo na ang loob ko sa kanya, sumali ako sa Gang na 'to." Muling sabi ko.
Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sakin.
"Ngayon, gusto ko nang bumalik sa kanya. Pero hindi na pwede dahil...sa gang na 'to." Napabuntong hininga ako sa sinabi ko.
Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ko ang bagay na naging takbuhan ko nang wala akong ibang mapuntahan.
"I found a girl." Natigilan ako nang magsalita si Zi.
Hindi ko alam kung dahil sa gulat o pagkamangha.
Nagsalita siya at tungkol pa sa babae.
"And she's stupid." Dugtong niya sa sinabi niya saka biglang ngumiti.
"And I hate her." Hindi ko alam kung ano ang magiging ekspresyon ko sa sinabi niya.
Hindi nagtugma ang ekspresyon ng mukha niya sa sinabi niyang salita.
Mukhang kahit ang pinakamalamig na taong kilala ko ay hindi nakakatakas sa puberty stage ng tao. Wala kang choice kundi ang mahulog.
"But I guess you acknowledge the tenth rule so much, Jei."
"We have to follow rules."
"Even the legendary gangster didn't abide any one of the ten rules."
"She made those rules."
"Haven't you heard, Blaze's said?"
Hindi ko nasagot ang tanong niya. Blaze ang pinakamalakas na gangster na kilala ko.
Bago pa man niya madugtungan ang sinasabi niya ay bigla na siyang natumba sa sahig.
Napailing na lang ako at tumayo mula sa inuupuan ko at kinuha ang kumot na nakalagay sa couch. Mukhang hinanda na kanina nina Eks at Uai dahil mukhang alam na nila ang mangyayari.
Tinakpan ko ang katawan ni Zi ng kumot at saka lumabas ng core house para magpahangin.
She's a legendary...kaya niya magawang makalampas sa tenth rule.
Habang ako, isa lamang sa mga tauhan ng napakalaking gang clan niya.
How can I conquer her bloody rules?
BINABASA MO ANG
Tenth Rule
Teen Fiction(Kapag ang badboy nainlove) Boy: Hoy, Labo. (Mabilis na nilapitan si Girl) Girl: (agad na napayuko nang makita si Boy) B-bakit? Boy: Sino 'yung kausap mo kanina? Girl: K-kaklase ko- Boy: Nililigawan ka? (Naghahamong sabi) Girl: H-h-hindi. Boy: (b...