Chapter N

86 9 0
                                    

"Gago, walang sayo." Iritadong singhal niya sakin at malakas na binatukan ang ulo.

"Ano ba?!" Malakas na sigaw ko sa kanya na ikinaliit ng mata niya sa pagkainis at marahas akong hinila patago sa pader natinataguan namin kanina.

"Wag kang maingay and'yan na yung iba kanina." Mahinang asik niya habang nakatingin na ulit sa direksyon nina Labo kanina.

Napatingin din ako sa direksyon na yon ng wala sa oras at kumunot ang noo ko nang nakatayo na sila.

May katabi si Labo na babaeng hindi ko kilala habang kaharap nila si Zi.

"Wala akong marinig." Naiiritang sabi ni En.

Habang ako naman ay hindi mapakali sa titig ni Zi kay Labo.

"Anong nangyari?!" Malakas na bulyaw ni En nang magwalk-out si Zi.

Hindi ko rin alam kung anong nangyari pero mukhang nagalit si Zi.

"Zi!" Malakas na sigaw nung babaeng nasa tabi ni Labo at hinabol si Zi. Habang si Labo naman ay naiwang nakatayo lang.

"Anong nangyari?" Tanong ni En at napatayo ng tuwid.

Hinila ko palayo sa kanya ang kamay ko at nagsimula mang lumakad papalapit kay Labo. Hindi naman niya ako napigilan.

Napalingon sa direksyon ko si Labo at bahagya siyang napaatras.

"J-jei?" Mahinang pagbigkas ng pangalan ko.

"Sumama ka sakin." Malamig na sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya saka siya hinila paalis sa lugar na yon.

"J-j-jei...n-nasasaktan a-ako." Narinig ko ang sinabi niya habang hila-hila ko siya. Napalingon ako sa kanya at sinamaan siya nang tingin.

Nang magtama ang tingin namin ay natahimik siya at napayuko.

"Tsk." Tanging reaksyon ko at niluwagan ang pagkakahawak ko sa kanya pero hila-hila ko pa rin siya.

Walang nagsalita samin hanggang sa tumigil na ako sa kakalakad at binitawan siya.

Agad ko siyang hinarap habang tiimtim siyang tinititigan.

Umangat ang panigin niya sakin kaya muling nagtama ang tingin naming dalawa.

"M-may...p-problem...ma ba J-Jei?" Nauutal na sabi niya.

"Sino yung kausap mong lalaki?"

"D-diba...k-kaibigan mo siya?"

"BAKIT KASAMA MO SIYA?!" Hindi ko mapigilang isigaw sa kanya ang nasa isip ko lang.

Selos?

Fuck it, sinong magseselos sa ginawa niya?

Muli siyang napaatras dahil sa sinigaw ko at napapikit.

Napabuga ako ng hangin dahil sa frustration na nararamdaman ko.

Gusto ko siya halikan. Gusto ko siyang halikan para malaman niyang ako lang dapat.

Dapat ako lang.

"S-...si E-ei...kasi." mahinang sabi niya na ikinatingin ko sa kanya.

Ei?

"Sino naman si Ei?" Kunot-noomg tanong ko sa kanya.

"K-kaibigan...k-ko."

"Yung babae?"

"O-opo."

"Anong meron sa kanya?"

Umiling siya at kinagat ang labi nya habang hindi siya mapakaling gumagalaw.

"H-hindi ko a-alam. Pinapunta n-niya lang a-ako t-tsaka niya k-kinausap ang k-kaibigan mo."

"Just why would the fuck she did that?" Naiiritang sabi ko at sinipa ang pader na nasa tabi lang namin.

"J-je...jei, b-bakit galit ka?" Napatingin ako sa kanya sa tinanong niya.

Bakit nga ba galit ako?

Hindi ko siya nasagot.

Tinitigan ko lang siya.

Muling umangat ang tingin niya sakin.

Nagtama ulit ang mga mata namin.

Pero ngayon ako na ang unang nag-iwas nang tingin.

"Just don't hang out with him." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Opo." Mahinang sagot niya kaya muli akong napatingin sa kanya.

Saka ko lang naramdaman na ang lakas na naman pala ng tibok ng puso ko.

"Kiu!"

Sabay kaming napalingon sa direksyon nung lalaking sumigaw sa pangalan niya.

"Kanina pa kita hinahanap!" Malakas na sabi niya at tumigil sa gilid ni Kiu na parang hindi ako nakikita.

"H-hinila kasi ako ni Ei, El." Baling ni Labo ng atensyon niya sa lalaking sumulpot.

"Hmm, lagi ka talagang ninanakaw ni Ei sakin," nakangiting sabi niya kay Labk at ginulo pa ang buhok nito.

Kumunot ang noo ko at napayukom ng kamao sa ginawa at sinabi niya.

"Ka-kanina lang naman." Sabi naman ni Labo kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Lagi kaya, nagseselos na ako." Sabi pa ulit ng gago at nilawakan ang ngiti niya. Napatingin sakin si Labo at mabilis na binalik ang tingin niya sa tarantadong sumulpot.

"Ah, so ano? Tara na?" Tanong pa nito at hinawakan ang kamay ni Labo na ikinainit na talaga ng ulo.

Bakit ba ang dami niyang lalaki? For fuck's sake!

"Tara na?" Hindi ko mapigilang hindi sumabat dahil sa pagkairita. Napatingin sakin ang gago ay nawala ang ngiti niya.

Inagaw ko ang kamay ni Labo na hawak niya.

"Mukhang hindi mo alam, ako ang kasama niya." Malamig na sabi ko sa kanya at tinangkang hilain palayo si Labo sa kanya nang hawakan niya ang balikat ni Labo.

"Sorry dude, kung sino ka man. Pero may plano na kami ni Kiu ngayong araw." Seryosong sabi naman niya.

"E-el, ano."

"Let go of her hand now."

"Inuutusan mo ba ako?" Iritadong sabi ko sa kanya.

"Im asking you to do that."

Ngumisi ako at tyluyan nang hinila si Labo papunta sa likod ko.

"We have plans to do today too. Mukhang hindi niya nasabi sayo." Nakangising sabi ko sa kanya.

"J-jei,"

"Kiu, may lakad kang mas importante sa lakad natin?" Baling niya ng atensyon niya kay Kiu na nasa likod ko.

"A-ano."

"Magtatampo ako kapag hindi ka sumama ngayon." Nakangusong sabi niya na ikinasalubong ng kilay ko.

"S-sa...sasama ako sayo, El." Sabi ni Kiu at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.

Lumawak ang ngiti ng Gago na ikinatigil ko naman.

Nang makalapit na si Labo ka sa kanya ay pinatong niya ang kamay niya sa ulo nito at ginulo ang buhok niya.

"J-jei...so-sorry k-kailangan na naming umalis eh." Sabi sakin ni Labo na ikinatulala ko sa kanya.

Namalayan ko na lang na wala na silang dalawa sa harapan ko nang hindi ko namamalayan.

Mapakla akong napatawa at napatingin sa pader.

Just what the fuck did happened?

Si Zi tapos...may isa pa? Baka naman may isa pang aagaw sa kanya?

Damn it.

"Fuck it!" Malakas na bulyaw ko at malakas na sinuntok ang pader.

Tenth RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon