(STILL ON FREAKING FLASHBACK)
Nang magising si Kiu mula sa pagkakatulog niya. Sakto namang dumating ang polisiya para tanungin siya tungkol sa nangyari.
Nalaman na rin niya na si Mommy ang muntikan nang bumangga sa aming dalawa. Sinabi ng mga pulis sa kanya na kung magsasampa siya ng kaso ay kailangang ipatawag ang Guardian niya na inilingan niya lang.
Binayaran ni Mommy lahat ng expenses at bills sa ospital pero hindi na siya nagpakita pa kay Kiu.
Gabi na nung nag-discharge kami.
"Salamat sa pagligtas mo sakin kanina, Jei." Nakangiting sabi niya na binalewala ko.
Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ako dahil sa nalaman ko tungkol sa kanya. Gusto ko siyang tanungin, gusto kong siyang pilitin, gusto ko siyang kulitin na sabihin sakin ang mga nangyari sa kanya.
But who am I to do that?
Matagal nang natapos ang koneksyon naming dalawa.
Napatigil lang ako sa paglalakad nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at agad na binawi ang kamay ko na hawak niya dahil sa pamilyar na kuryenteng naramdaman ko.
Imbes na magulat siya sa ginawa ko ay natawa lang siya habang nakatingin siya sakin.
Ilang beses pa akong napakurap bago mag-iwas nang tingin.
"Alam mo ba?...syempre himdi mo alam." Sabi niya at mas malakas na natawa.
"Why do you keep on acting everyth-"
"Na-miss kita." Naitikom ko ang bibig ko nang sabihin niya 'yon.
*dugdugdug...dugdugdugdug...dugdug*
"Alam ko na...wala akong karapatan na lapitan ka, kausapin o pakiusapan ka, Jei. Pero namiss talaga kita." Nakayukong sabi niya.
"W-why are you doing this to me?" Hindi ko mapaigilang iusal sa kanya ang mga salitang naglalaro sa isip ko.
Napatingala siya sakin pero hindi niya ako sinagot.
"You pushed me away, Kiu. Ang sabi mo...wala akong halaga sayo. Tapos sasabihin mong sumama ako sayo. You always ignored me, but in the end of the day ako ang kasama mong umuwi. It's been years, hindi mo ko kinakausap, hindi mo ko pinapansin! You let me slipped away from you, parehas nang nagbago ang buhay natin...then you are telling me that you missed me. Bakit ang gulo mo!?" Hindi ko mapigilang hindi siya masigawan dahil sa frustration na nararamdaman ko.
Mas lalo pang napakunot ang noo ko nang makita ko siyang bahagyang ngumiti.
"Ang laki ng kasalanan ko sayo no?" Mahinang sabi niya.
Inis kong ginulo ang buhok ko dahilan para mapaasik ako nang matamaan ang sugat ko.
"Fuck!" Malakas na mura ko at hinalamos ang palad ko sa mukha ko.
"J-jei, ayos ka lang?"
"No, NO! NOT AT ALL! Why are you keep bugging my fucking life?!" Mas malakas na sigaw ko sa kanya kaya napaatras siya.
Kinagat niya ang labi niya at ibinaba ang kamay niyang tinangka na naman akong kuryentehin.
"Sorry."
"You ruined me. You changed me. And now you're sorry? Bakit? Dahil kailangan mo na ako ngayon? Dahil gusto mong nasa tabi mo na naman ako? That's bullshit!"
Hindi na siya nakapagsalita matapos kong isigaw 'yon. Sinamantala ko na ang sandaling 'yon para talikuran siya. Malalaki at mabilis na hakbang palayo sa kanya.
Dahil baka kapag nagtagal pa ako ng kahit isang minuto sa tabi niya, baka bumigay na ako.
Hindi na pwede 'yon.
Tapos na ang lahat ng namamagitan samin. Hindi ko na mababalik ang dati kahit na gustuhin ko.
Hindi ko na namalayan kung saan ako napunta. Tumigil ako sa paglalakad sa hindi pamilyar na lugar. Saka ako pumulot ng batong nakita ko at malakas kong inihagis sa punong hindi kalayuan sakin.
Wala nang mas magulo sayo, Kiu. Wala nang makakapantay sa pagiging malabo mo.
Natigilan ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko.
Kinuha ko 'yon at hindi na ako nagulat nang makita kong barag-barag na ang screen nito. Sa lakas ng pagbagsak ko kanina sa kalsada ay malamang na masisira 'to. Himala na nga lang at gumagana pa 'to.
Natigilan ako at kumunot ang noo ko sa natanggap kong mensahe mula kay Cyril.
From: Cyril
6526 ×337126.
Kahit na wala ako sa mood ay nagsimula na akong lumakad paalis sa kinaroroonan ko. Kahit na hindi ko alam kung nasaang lupalop ako ng mundo kailangan kong makarating sa Core House, paniguradong importante 'to lalo na at si Cyril ang nagpadala nung text.
Hindi ko alam kung ano at paano ako nakarating sa core house nang wala akong pera. Basta naabutan ko na lang ang ibang mga gangster na parte ng gang na sinalihan ko.
"Oh? Akala ko ba nasa ospital ka pa?" Tanong ng isa sa mga kabarkada ko na hindi ko na pinansin.
"Asa'n na si Cyril?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Parating palang daw."
"Ba't tayo pinatawag?"
"Magbabago na ng gang tsaka may bagong recruit."
Tinikom ko na ang bibig ko sa sinabi niya.
Ilang minuto lang kaming nag-antay sa pagdating ni Cyril.
Ilang taon na nung sumali ako sa gang na 'to, ito na nga yata ang naging bahay ko bukod sa bahay ng Nanay ko na hindi ko na gaanong inuuwian. Isa sa mga pinakamalakas at matayog na gangster clan na pinamumunuan ng babae pero hinahawakan ng tatlong lalaking komokontrol samin. Si Cyril ang pinakagusto ko sa kanilang tatlo, habang ang pinakanamumuno sa amin na si Flame...hindi ko pa rin nakikilala.
"Nandito na si Boss." Ngkaroon ng matinding katahimikan sa paligid nang marinig namin ang ingay ng motor sa labas.
"AYOKO!" Pambungad na sigaw ni Manuel pagkabukas ng pintuan.
"Shut up." Malamig na sabi naman ni Blaze.
"How's your week, fires?" Bungad na tanong naman ni Cyril habang hindi pinapansin sina Manuel at Blaze.
"Ayos lang Boss!"
"BOSS ANG TAGAL NIYONG BUMALIK!"
"Boss!"Nang makapwesto na sila sa lagi nilang tinatambayang lugar ay hindi pa rin natatapos sa pag-aaway sina Manuel at Blaze.
"Hmm, magbabago na kayo ng groupings ngayon."
"YES BOSS!" Malakas na sigaw ng mga kasamahan ko.
Napabusangot ako dahil sa pagkaisip bata nila. Hindi ko talaga alam kung bakit napaka-asal bata nila kahit na ang tatanda na nila at sa katunayang sila ang pinaka-malalakas na gangster sa lahat.
Pero isa na rin siguro 'yon sa dahilan kung bakit hindi lang basta-basta ang gang nila. Nakinabibilangan ko na rin ngayon.
"At ang groupings niyo ay ginawa ni Manuel kaya dapat pakisamahan niyo ng mabuti ang gang niyo."
"Opo!"
Hindi ko masasabing mas mahalaga ang gang na 'to kesa kay Kiu. Pero nung panahong iniwan niya ako. Ito ang naging sandalan ko.
BINABASA MO ANG
Tenth Rule
Teen Fiction(Kapag ang badboy nainlove) Boy: Hoy, Labo. (Mabilis na nilapitan si Girl) Girl: (agad na napayuko nang makita si Boy) B-bakit? Boy: Sino 'yung kausap mo kanina? Girl: K-kaklase ko- Boy: Nililigawan ka? (Naghahamong sabi) Girl: H-h-hindi. Boy: (b...