Chapter 1: Find

2.9K 45 2
                                    

Aurora's POV

Katatapos lang ng klase namin kaya umuwi na ako sa bahay.

Pagdating ko sa bahay, nakita kong nakaupo si Papa, may kasmang babae, saka si Arielle at Arial na kataon ko lang at half-sister ko lang sila, kambal sila.

"Sino ka?" tanong ng babae.

"Ma, you know, siya yung anak ng kabit ni Dad" sabi ni Arielle.

"May kabit ka?" tanong ng Mom ni Arielle kay Dad.

"Noon lang yun, pinabayaan siya ng nanay niya kaya kinuha ko siya after you left" sabi ni Dad at yumuko lang ako.

"Wala akong pake diyan basta ang importante magkakasama na ulit tayong tatlo" sabi ng Mom ni Arielle at tumingin ako sa kanila.

"Anong tinitingintingin mo diyan? Hindi ka kasali dito kaya pumunta kana sa kuwarto mo" sabi ni Mom.

Tawagin ko na lang siyang Mom kahit di niya ako tinuturin na anak.

Aakayat na sana ako ng hagdan pero pinigilan ako ni Mom

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mom.

"Sa kuwarto po namin ni Arielle" sabi ko.

"Walang makikihiga sa prinsesa ko, mas lalo na ang hampas lupa na kagaya mo, malandi kasi ang nanay mo" sabi ni Mom.

"Dad..." sabi ko.

"Huwag kang magpatulong sa Dad mo dahil ako ang kakampihan niyan. Diba mahal?" sabi ni Mom at tumingin ako kay Dad. Bumuntong-hininga si Dad.

"Mahiga ka na sa bodega, ayusin mo na lang yun. Yaya, pakilipat yung nga gamit ni Avon sa bodega" sabi ni Dad.

"Saan pong bodega, Sir?" tanong ng Yaya.

"Sa taas" sabi ni Dad.

"Dad?" sabi ko at tumulo ang mga luha ko. Tumakbo agad ako sa bodega sa taaa at umiyak.

Ang sakit! Pati si Dad itinaboy na rin ako, tanggap ko na hindi ako tanggap ni Mom pero pati ba naman si Dad?

Ten years old ako noong nanirahan ako dito kay Dad dahil pati yun nanay ko itinaboy na rin ako.

Before akong pumunta noon dito, nangibang bansa na yung Mom ni Arielle.

Pinag-aral ako ni Dad at binigay niya lahat ng kailangan ko.

Tapos ngayon dumating na lang si Mom ng basta basta at itataboy ako?

Biglang may kumatok sa pinto.

"Avon, anak, nandito na yung mga gamit mo" sabi ni Yaya Ed yung matanda naming yaya.

Binuksan ko na yung pinto at kinuha ko na yung mga gamit ko.

Pagtitiisan ko na lang dito baka sakaling matanggap ako ni Mom.

Inayos ko itong bodega.

Parang kuwarto na ang itsura ng bodega pero wala pang higaan pero may katre.

Sosyal kaya itong bodega na ito, may aircon.

May kumatok na naman sa pinto.

"Bakit po?" tanong ko at binuksan ko na yung pinto.

"Ma'am Avon, ito daw po ang gamitin niyo oh. Yung lumang foam ni Ma'am Arielle at ito po ah bedsheet, kumot, at unan, bagong laba po lahat ng yan" sabi ni Yaya Ai.

"Salamat, Ai" sabi ko at tumango lang siya saka na umalis.

Inayos ko na yung higaan at may kumatok na naman sa pinto.

Ang Boyfriend Kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon