Avon's POV
"Veronica!" sigaw ni Miya kaya bigla na lang akong nagising at bumangon at nakita ko si Miya.
"What?!" sigaw ko saka ako tumingin kay Miya ng masama.
"Kanina pa ako dito, late na tayo" sabi niya kaya napatingin ako sa orasan.
I-It...was a dream...
Gulat na gulat ako dahil akala ko totoo na yun kaya pala panaginip lang. Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon.
Agad agad akong naligo at nagpalit saka na kami nagmadaling pumunta sa aming opisina.
"Anony nangyari sayo?" tanong ni Miya habang nag-aayos kami ng mga papeles sa may bodega.
"Di ko alam" sabi ko at nag-aayos pa rin ako ng mga papel.
"Pupunta daw si Mr.Hobert dito kaya dapat maaga daw tayong lahat" sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya.
"S-Sino?" tanong ko.
"Brandon Hobert, CEO ng pinakamayamang kompanya sa kabilang bayan. Hindi mo siya kilala?" tanong niya kaya kinabahan ako. Napalunok ako.
"Are you okay, Avon?" tanong ni Miya kaya pinilit ko na lang ngumiti at tumango.
Paglabas namin ng bodega ay lahat sila ay nagkakagulo kaya agad na akong kinabahan.
Nandito na siya?
"Tara tignan natin" sabi ni Miya at hinila ako sa lugar kung saan may maraming taong nagkakagulo.
Nagtago agad ako sa likod nilang lahat at umatras ako dahil nag-uusap usap pa sila.
Tatakbo na sana ako ngunit may nakabunggo ako kaya napahawak ako sa kanya kaya napahawak siya sa bewang ko.
Bigla akong kinabahan nang maamoy ko ang isang pamilyar na amoy sa akin harapan. Dahan dahan akong tumingin sa tao sa aking harapan.
"B-Brandon?" tanong ko at napalunok ako kaya agad akong lumayo sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo na tumingin sa akin saka ako nag-iwas tingin sa kanya.
Marahan niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at bigla na lang nawala ang nakakunot niyang noo at napalitan ito ng maamong mukha.
Panaginip ba ito?
"Honey!" sigaw ng isang babae mula sa likod at biglang yumakap kay Brandon at nagyakapan silang dalawa.
"Veronica, meet my fianceé, Venice" sabi ni Brandon kaya ngumiti sa akin yung babae.
"Venice, my friend, Veronica" sabi ni Brandon kaya tumango ako ngumiti na lang din sa babaeng kasama niya.
"Nice meeting you again, Veronica" sabi ni Brandon kaya tumango na lang ako saka na sila naglakad palayo.
Nagsibalikan na kaming lahat sa aming mga lamesa at biglang lumapit sa akin si Miya.
"Kilala mo siya?" tanong ni Miya kaya tumango na lang ako at pinagtuunan ang aking trabaho.
"Old friend" sabi ko at parang kinilig naman si Miya.
"Oh bakit?" tanong ko.
"Kuwento mo mamaya sa akin ahh" sabi niya at bumalik na siya sa kanyang lamesa kaya napailing na lang ako.
Habang nagtatrabaho ako ay napatingin ako sa orasan at lunch break na pala namin kaya tinawag ko na si Miya para pumunta sa canteen.
Habang kumakain kami ay kinukulit ako ni Miya na kuwentuhan ko daw siya tungkol sa amin ni Brandon pero ayaw ko. Walang makakaalam ng mga nangyari noon.
"Sige na, wala ka bang tiwala sa akin?" tanong niya.
"Hindi sa ganun yun pero Miya wag muna ngayon please" sabi ko at kumain na lang at hinayaan siyang nakabusangot sa aking harapan.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa aming trabaho pero nakabusangot pa rin si Miya kaya inirapan ko na lang siya at nagtrabaho na lang.
"Veronica, maiiwan ka muna ngayon at marami kang gagawin kasi may pupuntahan ako bukas eh" sabi ng CEO namin kaya tumango na lang ako.
Gabi na at mag-isa ngayon ako dito sa area namin na nagtatrabaho at tinatapos ang mga dapat kong tapusin.
Gutom na ako pero dapat ko munang unahin ang trabaho ko bago ako kumain para diretso tulog na mamaya.
Nagulat na lang ako nang may biglang naglapag ng pagkain sa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Brandon?" tanong ko kaya napatayo na lang ako.
"No, it's okay. Kainin mo na yan" sabi niya saka na siya umalis Kaya napatingin na lang ako sa pagkain.
Kakainin ko ba? Huwag nang maarte, Veronica, gutim ka na eh.
Umupo na lang ako sa upuan ko at kinain ko na lang yung binigay niya habang nagtatrabaho ako.
10:30PM na nang matapos ako sa aking ginagawa kaya inayos ko na lahat ng mga gamit ko at lumabas na ng building saka naghintay ng taxi pero wala nang dumadaan.
Nagulat na lang ako nang may humintong sasakyan sa harapan ko at bumaba ang bintana nito.
"Brandon?" tanong ko.
"Pasok na, ihahatid na kita" sabi niya kaya napatitig ako sa kanya, "Ayaw mo?" tanong niya at napatingin siya sa akin.
"Ahh papasok na ako" sabi ko saka ko binuksan ang sasakyan at umupo sa tabi niya.
"San pala bahay mo?" tanong niya kaya sinabi ko sa kanya ang address ko at tahimik lang ako habang nasa biyahe.
Nang makarating kami sa harap ng condo ko ay bumaba na ako.
"Thank you" sabi ko at tumango lang siya saka ko siya tinalikuran.
"Uhm...Veronica?" tanong ni Brandon kaya napatingin ako sa kanya.
"Nothing" sabi niya at agad niyang pinaharurot ang sasakyan niya palayo. Nagkibit balikat na lang ako at pumasok sa aking condo.
Pagpasok ko sa aking condo ay agad akong bumagsak sa aking kama at hinubad ang aking sandal at long sleeve.
"Hayst nakakapagod" sabi ko at napatingala na lang ako at napaisip.
Panaginip ba ito o hindi? Kung oo man, sana magising na ako pero kung hindi, ano nang gagawin ko?
Bumangon na lang ako at nagshower saka na humiga sa aking kama at nagpahinga na pero hindi pa rin mawala sa isipan ko kung anong nangyari.
Hindi ko maipasok sa isip ko na nandito na si Brandon, nakita na niya ako na parang wala lang nangyari.
Hindi nga niya talaga ako mahal kaya parang wala lang sa kanya ang nangyari, ang ginawa ko sa kanya.
Masakit pero buti na lang iniwan ko siya para hindi na ako ang nasasaktan dahil alam ko naman na lahat ng iyun ay laro lamang.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Bakla
RomanceSabi ng iba, ang suwete mo raw dahil mayaman, pogi, at perpekto na raw ang naging boyfriend mo. Pero hindi nila alam ang tinatago niyo, na kaya pala naging kayo para sabihin nilang lalaki siya. Mababago mo kaya siya?