Chapter 6: Child

879 36 0
                                    

Aurora's POV

Hapon na nung matapos kaming nanood ni Brandon. Ako lang pala kasi natulog siya.

He's showering now and ako ay nakatunganga lang sa aking cell phone.

"Veronica, anong tinutunganga mo diyan? Magpalit ka na at baka malate pa tayo saka bibili pa tayo ng regalo" sabi niya habang pumapasok siya sa kanyang closet.

Natatamad akong tumayo at pumunta sa banyo.

Pagkatapos kong maligo, magpalit, at mag-ayos at kung ano-ano pa ay pumunta na kami sa mall para raw bumili ng regalo.

Ang sunga, alam mo ba ang gusto niyang bilhin na regalo ay kumot para raw hindi sila lamigin. Tama naman pero yun nga, madami naman silang kumot diba? Kaya ayun, pinag-aawayan namin ito ngayon dito sa mall.

"Madami nga silang kumot" sabi ko.

"Para madagdagan nalang" sabi niya.

"Ano ba talaga!" sigaw ko.

"Lower your voice, Veronica" sabi niya hanggang sa may lumapit sa aming magjowa.

"Hay naku, bro, kung talagang mahal mo yang girlfriend mo at kung ayaw mo siyang mawala sayo ay eh di pagbigyan mo siya" sabi ng lalaki.

"Kaya nga, magtatampo yan" sabi ng babae at umalis na sila.

"Tignan mo nga" mariin na bulong ni Brandon.

"Fine, kumot nalang" sabi ko at bumili na kami ng kumot saka na kami pumunta sa kotse niya.

Habang nasa kotse kami, may nilabas siyang box at nilabas niya yung laman.

"Ba't yan?" tanong ko.

"Isuot mo" sabi niya sabay bigay sa akin.

"Ang taas naman" sabi ko.

"Isuot mo" sabi niya kaya napilitan akong suotin ito.

Lumabas na siya sa kabilang pintuan at pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Nanginginig ang mga paa ko at ang taas pa ng heels ng suot ko.

Hinawakan niya ang kamay ko nang pababa ako ng kotse niya at tumayo akong tuwid saka ako kumapit sa braso niya.

"Huwag mo akong ipahiya sa mga grandparents ko" sabi niya at isang hakbang pa lang namin ay malapit na akong matumba.

"Can you?" tanong niya at napatango na lang ako.

Pumasok kami sa isang eleganteng lugar.

"Nasaan tayo?" tanong ko.

"Nasa bahay ng grandparents ko" sabi niya kaya napanganga na lang ako.

Akala ko kanina restaurant na walang tao.

Naupo kami sa isang upuan malapit sa table at may dumating naman na dalawang matatanda.

"Good evening, Grandma, Grandpa" sabi ni Brandon.

"Good evening po" sabi ko at napatango na lang silang dalawa at naupo na sila.

"Who is she, hijo?" tanong ng kanyang lola.

"She's my girlfriend, Grandma" sabi ni Brandon.

"Oh, so your brother is lying?" tanong ng lolo niya.

"Yes, Grandpa" sabi ni Brandon.

In a snap of his grandpa's hand, may pagkain na kami.

Habang kumakain kami ay nag-uusap kami.

"So, where did does girl work?" tanong ng kanyang lola kaya nagulat nalang ako dahil wala naman talaga akong trabaho.

"She's a student, Grandma" sabi ni Brandon.

"Student? Oh my God, Brandon. I want you to fullfil my wish, hijo" sabi ng kanyang lola.

"What's you wish, Grandma? Maybe we can grant it" sabi ko at pinisil ni Brandon yung hita ko.

"Even if I will say it, you can't grant it" sabi ng kanyang lola.

"What is it, Grandma?" tanong ko.

"To have a grandchild" sabi ng kanyang lola at halos maibuga ko na yung pagkaing kasusubo ko pa lang.

"Are you okay?" tanong ni Brandon sa akin at pina-inom niya ako ng tubig saka niya hinaploshaplos yung likod ko. Napatango na lang ako.

Napangiti nalang ako.

"Are you gonna stay here tonight, Brandon?" tanong ng kanyang lolo.

"If that's what you want, then fine" sabi ni Brandon at napatango ang lolo niya.

"Since you're staying here tonight, why don't try to make a child?" sabi ni kanyang lola at malapit na akong mabulunan.

"Grandma, she needs to graduate first" sabi ni Brandon.

"Okay but promise me that she will only the girl you will love, okay?" sabi ng kanyang lola niya at natahimik kaming dalawa.

Hindi pwede yung sinasabi ng lola niya, hindi kasi nila alam na hindi totoo itong relasyon namin.

"Yes, ofcourse, grandma" sabi ni Brandon and after dinner ay pumunta na kami sa kuwarto namin.

Habang nakahiga ako sa higaan ay nakatitig ako sa ceiling saka naman siya tumabi sa akin.

"What are you thinking?" tanong niya.

"Bakla ka ba talaga?" tanong ko.

"Ba't mo natanong?" tanong niya.

"Baka kasi nagsisinungaling ka lang eh" sabi ko at kinuha niya yung cellphone niya saka niya pinakita sa akin.

Una kong nakita ay yung mga picture niyang may filter na pangbabae kaya natawa ako mas lalo pa akong natawa noong nakita ko ang mga pictures niyang naka-make-up siya at nakadress o gown. Pagkatapos nun ay kinuha niya agad yung cellphone niya.

"Naniniwala ka na ba?" tanong niya.

"Oo" sabi ko at natulog na kaming dalawa.

Ang Boyfriend Kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon