Aurora's POV
Dito na ako magsisimula ng bagong buhay at may condo na ako ngayon dito malapit sa pinagtatrabahuan ko at malayo na kay Brandon.
Masakit sa akin na iwan siya pero gusto ko na siyang maging malaya at masaya na kahit minsan ay maranasan niya naman ang maging lalaki na single. Yung tipong naghahanap ng chixx.
Hahahaha. Joke lang, I just want him to be happy and enjoy his life. Ayaw kong napupunta lahat ng atensiyon niya sa akin kasi hindi naman niya ako pag-aari. I'm not his girl.
Okay, so iniwan na ako dito ni Erick kasi marami pa siyang kailangang gawin sa kanyang company.
Nakapaghanap na ako ng aking pagtatrabahuan dito at tirahan na rin. Condo lang muna ang nahanapan kong titirhan ko at sinabi ko na rin kay Erick at Mira ang lokasyon ko.
Ngayon ang panglimang buwan ko sa aking trabaho at may nakilala na rin akong bagong kaibigan na si Miya.
Buti na lang at magkatabi lang kami ng table kaya magkalapit lang kami at siya lang ang tanging nakakausap ko dito.
Siya kasi yung unang nakipagkilala sa akin kaya ayun nakipagkilala na rin ako at naging magkaibigan na kami.
"Avon, pakidala nga ito sa conference room mamaya kapag papasok na yung mga magmemeeting" sabi ng isang middle age na babae kaya tumango na lang ako saka niya nilapag sa tabi ko yung mga files.
Nang makita kong pumasok na yung CEO sa conference room ay kinuha ko na agad yung mga files at pumunta doon.
Nang ipasok ko ito sa conference room ay nagulat ako nang mahagilap ko si Brandon na nakatingin sa kanyang loptop.
"Sir, ito na po yung files, may mga kailangan pa akong gawin" sabi ko at agad agad nilapag yung files sa tabi ng aming CEO saka na agad ako tumakbo palabas.
"Avon, wait!" sigaw ng aming CEO kaya mas kinabahan pa ako at alam kong narinig iyon ni Brandon.
Tumakbo ako papunta sa banyo at pumasok ako sa isang cubicle saka tinawagan si Miya.
"Oh, nasaan ka? Hinahanap ka ni Sir James. Ano bang nangyari sayo?" tanong ni Miya.
"Paki sabi kay Sir na biglang sumama ang pakiramdam ko kaya kailangan ko nang umuwi. Thank you, Miya, bye" sabi ko at agad binaba ang telepono saka kinuha ang aking bag at pumunta na agad labas para makapara na ng sasakyan.
Nang saktong mah humintong taxi sa harapan ko ay narinig ko ang tinig ni Brandon sa likuran ko.
"Veronica!" sigaw niya pero binalewala ko ito at sumakay na lang sa taxi.
"Manong, pakibilis ho" sabi ko at agad naman na kaming umalis ni Manong saka ko sinabi sa kanya ang address ko.
Pagdating ko sa aking condo ay agad kong sinarado ang pintuan at umupo sa sofa saka huminga ng malalim.
Si Brandon ba talaga yung nakita ko? O nag-i-ilusyon lang ako? Hayst, kung siya man yun, pano ko na siya haharapin ngayon? Ano na ang sasabihin ko sa kanya?
I'm sure bukas wala na siya doon kasi alam kong baka may business meeting lang siya ngayon doon.
Calm down, Veronica. Maybe...bibili na lang ako ng mga groceries kasi paubos na rin ang mga pagkain ko dito.
Nagpalit na ako ng suot at lumabas na ng condo saka pumunta sa pinakamalapit na supermarket para bumili na rin ng groceries.
Habang bumibili ako ng grocery ay biglang may biglang humila sa kamay ko kaya nagulat ako.
Napatingin ako sa lalaking humawak ng kamay ko at tinignan din niya ako pabalik.
"A-Anong kailangan mo?" tanong ko at may bigla siyang inabot sa akin na wallet.
"Nalaglag mo wallet mo, Miss" sabi niya kaya kinuha ko yung wallet ko at binitawan na niya ang kamay ko.
"Thank you, thank you" sabi ko kaya tumango na lang siya at umalis na.
Akala ko si Brandon, nagulat lang ako. Ayaw ko muna siyang makita ngayon, hindi ko pa alam ang sasabihin at gagawin ko kapag nakita ko siya sa harapan ko.
Pagkatapos kong bumili ng grocery ay umuwi na rin ako sa aking condo para iligpit ang aking mga pinamili.
Nang hapon na ay nagluto na ako ng hapunan ko at nagshower na para makatulog na rin.
Sana bukas wala na si Brandon para makapagtrabaho na ako ng maayos at saka ayaw ko pa siyang makita sa ngayon, hindi pa ako handa sa ngayon.
Natulog na ako at inisip ko na lang na bukas ay wala na si Brandon sa building na pinagtatrabahuan ko.
Nagmamadali ako pumasok sa aking trabaho dahil late na talaga ko kaya pagdating ko sa aming opisina ay hinihingal na ako sa pagod.
"Are you okay, Avon?" tanong ni Miya sa akin kaya agad akong umupo at inayos ang sarili ko.
"Ngayon ka lang nalate ah" sabi ni Miya kaya napailing na lang ako.
"Kaya nga, ewan ko ba" sabi ko at nagsimula na rin akong magtrabaho.
Narinig ko ang bulungan ng iba kong mga katrabahuan.
"Huy, alam mo ba...darating si pogi ngayon" halos patiling sabi ng isang babae kaya napailing na lang ako.
Nagulat na lang ako nang maisip ko si Brandon sa sinabi nilang pogi.
"Yung...Brandon ba yun?" tanong ng isang babae kaya nagulat na lang ako at napatigil sa ginagawa ko para mapakinggan sila ng maayos.
"Oo daw" tili ng isang babae kaya nagulat na lang ako. Agad kong niligpit ang mga gamit ko sa aking bag at pumunta kay Miya.
"Miya, sumama ulit pakiramdam ko, uwi na ako ah" sabi ko sa kanya at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"Bakit? Anong nangyayari sayo?" tanong niya at hinawakan ang noo ko.
"Basta basta, pakisabi na lang kay Sir" sabi ko at nagmamadali na nagpaalam sa kanya.
Paalis na sana ako pero nakita ko na si Brandon sa harapan ko.
Napatitig ako sa kanyang mga mata para makumpirma na siya talaga ito at tumitig siya pabalik sa akin kaya kinabahan na ako.
W-What will I do now?
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Bakla
RomanceSabi ng iba, ang suwete mo raw dahil mayaman, pogi, at perpekto na raw ang naging boyfriend mo. Pero hindi nila alam ang tinatago niyo, na kaya pala naging kayo para sabihin nilang lalaki siya. Mababago mo kaya siya?