Chapter 11: Time

719 28 1
                                    

Avon's POV

Pagkatapos kong maligo ay ramdam ko pa rin na may hangover pa ako kaya naupo muna ako sa sofa at nanood ng television.

"Okay ka lang?" tanong ni Brandon sa akin habang inaayos ang kanyang suot.

"Oo, okay lang ako. Papasok ka na?" tanong ko at tumango siya.

"Kaya mo ba? Pwede naman akong huwag munang pumasok para sayo" sabi niya at umupo siya sa tabi ko.

"No, it's okay, I'm fine. I can take care of myself" sabi ko at kiniss ko siya sa kanyang pisngi.

"You sure? Kung kailangan mo ng something, tawagan mo lang ako ah" sabi niya at tumango ako saka niya ako hinalikan.

"I need to go, late na ako, okay? Take care of yourself, mag-iingat ka" sabi niya at tumango ako and then I smiled.

Pag-alis niya ay bigla na lang nagring yung cellphone ko kaya agad ko naman itong sinagot.

"Hello?" tanong ko.

"Avon, we need money, bigyan mo kami. Hintayin kita dito sa bahay, bye" sabi ni Mommy at agad naman niyang binaba ang cellphone.

Wala pa pala akong nakukuhang pera galing kay Brandon. Anong ibibigay ko?

Napatingala na lang ako at napasandal sa sofa at tinawagan si Brandon.

"Anything you need?" tanong niya.

"Nasaan ka na?" tanong ko.

"I'm stucked in the traffic, why?" tanong niya.

"Can you go home? Can I talk to you for just a while?" malambing kong sabi.

"Yes, yes I will. Tawagan ko lang yung secretary ko at magpapaalam ako na malelate ako" sabi niya.

"Okay, thank you" sabi ko at binaba na niya ang telepono.

Nanood ako habang hinihintay si Brandon at unti unti akong nakapikit.

Paggising ko ay narinig ko si Brandon na may kausap sa telepono.

"Yes....later...not now, I'm busy...bye" sabi niya sabay bulsa ng kanyang telepono at napatingin siya sa akin.

"You're awake" sabi niya at umupo ako saka umupo rin siya sa tabi ko.

"What do you want to talk about?" tanong niya at hinaplos niya ang buhok ko.

"My...salary?" tanong ko.

"Oh, yes yes" sabi niya at may kinuha siyang wallet sa kanyang bulsa at binigyan niya ako ng pera.

"Thank you" sabi ko and I bite my lips.

"You're welcome, anything you need?" tanong niya.

"No, I'm okay" sabi ko.

"You sure?" tanong niya at hinaplos ang buhok ko.

"Yeah, yeah, you can go to work now" sabi ko at tumango siya saka naglakad na paalis.

Agad naman akong bumangon at nagpalit saka pumara na ng taxi dala ang pera para pumunta kay Mom.

Pagdating ko sa harap ng bahay ay nanginginig ang tuhod kong pumasok sa aming bahay at hinintay ko si Mom sa sala.

Pagbaba niya sa hagdan ay agad niyang hinila ang buhok ko at dinala sa bodega.

"Ngayon ka lang magpapakita? Ano? Masarap na buhay mo doon ah?" ramdam ko ang galit sa tono ng kanyang pananalita at tinuro niya ang aking ulo at tinulak niya ang aking ulo.

"Ano?! Sumagot ka!" sigaw ni Mom at hinila ang buhok ko.

"P-Pasensiya na po" lumandas ang mga luha sa aking pisngi sabay lahad sa kanya ang perang nakuha ko kay Brandon.

"Eto lang?! Ang liit naman, ang tagal tagal mong nawala tapos ito lang ibibigay mo?!" sigaw niya sa akin at sinampal ang aking pisngi.

"D-Dagdagan ko pa po iyan, pinambayad at pang-allowance ko lang sa school" nanginginig kong sabi at tinulak niya ako ng malakas kaya natumba ako sa sahig.

"Walang lalabas diyan!" sigaw niya sa akin sabay balibag ng pinto at nilock ito.

Wala na akong ibang ginawa kundi umiyak, ginagawa ko naman lahat para mapasaya sila ah pero parang wala lang.

Biglang nagring ang cellphone ko kaya agad ko namang sinagot ito.

"B-Brandon...?" hikbi ko.

"Why are you crying? Where are you? What happened?" dirediretso niyang tanong at dinig ko ang pag-aalala niya sa tono ng kanyang pananalita.

Hindi lang ako nagsalita at patuloy lang sa pag-iyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Where are you?" medyo mataas na ang tono ng kanyang pananalita dahil hindi ako sumasagot.

"N-nasa bahay ako..." sabi ko.

"Let's talk later, kukunin kita diyan" sabi niya at binaba na niya ang telepono kaya nilagay ko ito sa aking bulsa at umiyak.

"Sinong kausap mo diyan?" mariin na tanong ni Mom sabay lapit sa akin at kinuha niya ang aking cellphone at binasag ito.

"Mom!" sigaw ko sa kanya at tumayo ako pero tinulak ulit niya ako ng malakas kaya natumba ulit ako at nasugat ang aking paa dahil sa pako sa aking tabi.

"Ahh..." sabi ko sabay hawak sa aking paa. May narinig naman akong doorbell sa labas.

"B-Brandon..." pabulong kong sabi at tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Mom.

"Stay there" sabi niya at lumabas siya ng bodega at nilock ito.

Naghintay na lang ako sa loob dahil alam kong darating siya at kukunin ako.

"Wala pong tao diyan" rinig ko ang sigaw ni Mom na papalapit sa bodega.

"You sure?" Brandon? Pinilit kong tumayo at lumapit sa pinto.

"Brandon?" sabi ko sabay katok sa pinto.

"Veronica" nang marinig ko ang kanyang boses ay agad namang nagbukas ang pinto at nakita ko siya sa aking harapan kaya napayakap ako sa kanya.

"Isa pa, kapag ginawa niyo pa ito, magsasampa na talaga ako ng kaso" sabi ni Brandon kay Mom kaya napayuko na lang ako.

Pababa na kami ng hagdan nang magsalita si Mom, "Tandaan mo, huwag kang bumalik dito kung iiwan ka ng lalaking yan!" sigaw niya.

"Let's go, wag mo siyang pakinggan" sabi ni Brandon sabay alalay sa akin pababa ng hagdan. Napatingin muna ako kay Mom bago kami lumabas ng pinto.

"Are you okay?" tanong ni Brandon sa aking nang maipasok na niya ako sa kanyang kotse.

"No" sabi ko sabay iling. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napasandal ako sa kanyang dibdib at umiyak.

"Stop crying. They will never hurt you again as long as I'n here" sabi niya sabay halik sa aking ulo at napayakap ako sa kanya.

Ang Boyfriend Kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon