Chapter 22: Secret

421 22 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa opisina namin at nakita naming nakaupo si Venice sa tapat ng pinto ng office ni Brandon.

"Oh, honey. Bakit kayo magkasama?" tanong ni Venice sabay yakap sa braso ni Brandon at tingin sa akin.

"She helped me yesterday" sabi ni Brandon kaya tumango na lang ako at pumasok na sa opisina ko at pumasok na rin sila.

Nag-ayos na lang ako ng mga gamit gamit doon kaysa isipin ang mga nangyayari ngayon.

Weeks passed and as usual ganun pa rin ang araw araw kong sitwasyon. Trabaho sa opisina, nagpapanggap na okay lang pero hindi pala but it's okay. Hatid sundo na ako si Brandon, minsan sabay kami ng lunch or dinner. Minsan labas kami. Minsan matutulog siya sa condo ko.

Nagliligpit na ako ng gamit ko nang biglang tumawag si Mira kaya agad ko namang sinagot ito.

"Mira, hi" sabi ko habang nakangiti dahil miss na miss ko na talaga ang best friend ko.

"Dinner tayo mamaya, please sama ka na" sabi niya na parang batang nagmamakaawa.

"Hello? Ahh si Marlon ito, boyfriend ni Mira, soon to be husband niya. Pagbigyan mo muna hahaha, may laman na kasi yung tiyan nito eh" sabi ni Marlon.

"What? Hahaha buntis ka na, Mira?" gulat na gulat na tanong ko at parang excited na habang nag-aayos ng gamit ko.

"Yes, I'am. Magiging ninang ka na ehehehe" sabi niya kaya napangiti na lang ako.

"Yeah, sure. Pupunta ako diyan" sabi ko sabay baba ng telepono at nagulat ako nang makita ko si Brandon sa harapan ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"I'm gonna check Mira, she's pregnant" excited kong sabi kaya napangiti siya.

"Hatid na kita ha" sabi niya kaya tumango ako at agad kinuha ang gamit ko saka sumakay sa kotse niya.

Pagdating ko sa bahay nina Mira ay umupo agad ako sa tabi niya.

"Kamusta ka na?" tanong ko sabay yakap sa kanya.

"Okay lang naman, eto naglilihi hehehe" sabi niya kaya napangiti na rin ako.

"Ehh ikaw, kamusta ka naman?" tanong niya.

"Ako pa, okay na okay and siyempre may maayos na akong trabaho" sabi ko at ngumiti ako sa kanya

"How about your accident? Masakit pa ba?" tanong niya.

"Nah, don't worry. Magaling na ako, ako pa" sabi ko at bigla niya akong niyakap.

"Are you okay?" tanong ko at kumalas siya sa yakap at tumingin.

"Ano ba talagang nangyari? Magsabi ka naman" sabi niya kaya napailing na ako at kinuwento ang buong pangyayari.

"Grabe naman ang Venice na yun, tara, sugurin natin" sabi ni Mira kaya umiling ako.

"No need, okay na kami" sabi ko.

"Hindi pwede yun!" sigaw niya at biglang lumapit si Marlon sa kanya at inabutan ng juice.

"Kalma ka nga, nagagalit ka na naman. Alam mo bang nakakasama sa baby natin yan, ito inom ka tubig. Diba sabi ko naman sayo, rest and relax okay?" sabi ni Marlon at pinainom siya ng tubig.

"Eh naman kasi..." nagtatampong sabi ni Mira.

"Mira?" sabi ni Marlon at nagpout si Mira.

"Sumunod ka na lang okay?" tanong ni Marlon at umirap si Mira.

"Para kang si Mommy" sabi ni Mira sabay irap.

"Alam mo kung bakit?" tanong ni Marlon.

"At bakit?" tanong naman ni Mira.

"Dahil minamahal kita ng buong buo, higit pa sa buhay ko at aalagaan kita hangga't sa huling hininga ko. Ituturing kitang reyna ko at ikaw lang ang priority ko" malambing na sabi ni Marlon.

"Sa una lang yan natutupad" sabi ni Mira sabay irap.

"Alam mo kung bakit mo nasasabi yan?" tanong ni Marlon.

"Bakit?" tanong ni Mira at tumayo na siya.

"Kasi wala kang tiwala sa akin, ibig sabihin nun and masakit iyon para sa akin dahil ginagawa ko naman lahat pero parang wala ka pa ring tiwala" sabi ni Marlon.

"May tiwala naman ako sayo ahh" sabi ni Mira at tumulo na ang luha niya sa kanyang pisngi kaya agad siyang niyakap ni Marlon.

"Shh...taha na..." sabi ni Marlon at hinaplos ang likod ni Mira.

"Nadala lang naman ako ehh" humagulgol na si Mira kaya hinawakn ni Marlon ang magkabilang pisngi niya at hinalikan ito sa noo.

"Huwag ka nang umiyak, naiintindihan kita okay? And I will always understand you, hinding hindi kita iiwan" sabi ni Marlon kaya napangiti ako.

I wish someone would do that to me.

Bigla ko na lang naalala na ikakasal na si Brandon kaya nagbuntong hininga na lang ako at uninom na lang din ng juice.

Nang tumaha na si Mira ay umupo siya sa tabi ko at ako naman ay nanatiling tahimik pa rin.

"Are you okay?" tanong niya sabay hawak sa kamay ko.

"I'm fine, I'm..." hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil parang naduduwal ako, "Excuse me" sabi ko sabay takbo sa banyo nila at nagsuka pero parang wala kaya bumalik ako sa tabi ni Mira.

"Are you okay?" tanong niya.

"I'm fine, medyo naduduwal lang at nahihilo" sabi ko at biglang napangiti si Mira kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Are you pregnant? Kasi ganyan ang nangyari sa akin noon pati ata ngayon, diba Mar?" tanong niya kay Marlon na nasa kusina.

"Oo, ganyan na ganyan siya noon" sabi ni Marlon kaya napahawak ako sa tiyan.

N-Nagbunga iyon? Hindi na dapat malaman ni Brandon ito at baka magkagulo pa sila.

"Mar, meron pa bang PT sa kabinet?" tanong ni Mira.

"Oo, meron. Saglit at ikukuhanan kita" sabi ni Marlon.

"Narinig mo yun? I'm so excited na malaman ang totoo" tuwang tuwa na sabi niya kaya pinilit ko na lang ngumiti sa harapan niya kahit kinakabahan naman talaga ako.

"Oh heto na, sundin mo na lang yung instructions sa likuran ah. May gagawin pa ako sa kusina" sabi ni Marlon sabay abot sa akin ng PT at hinalikan si Mira sa noo.

"Pumunta ka na sa banyo, go" excited na sabi ni Mira kaya pinilit kong ngumiti at tumango saka dahan dahang pumunta sa banyo.

Sinunod ko ang instructions nito at sabi dito na kapag dalawang guhit ay buntis ka at kapag isa lang, hindi.

Pagkatapos kong sundin ang mga dapat kong gawin ay tinignan ko ito at doon na ako napaluha.

Ang Boyfriend Kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon