Chapter 14: Done

735 33 9
                                    

Aurora's POV

Nagtagal kami ni Brandon sa ganung sitwasyon na kahit hanggang ngayong nakagraduate na ako ng college ay binabayaran pa rin niya ako.

Mag-iipon muna ako bago ako aalis at sa tingin ko ay hahanap na rin ako ng paraan para umalis.

Well...as for now, nagbago na si Brandon and I think he's a guy now, not a gay.

"Veronica!" sigaw niya habang nanonood ako sa sala kasi wala akong pasok ngayon sa aking trabaho.

"What?" sigaw ko pabalik.

"Where did you put my fucking towel?!" sigaw niya mula sa banyo kaya napairap na lang ako at pumunta sa kuwarto.

Nakita kong kinakagat ng aming alagang aso ang kanyang tuwalya.

"Aww so cute" sabi ko sa aso at tinapik ko ang ulo nito saka kinuha ang towel ni Brandon.

"Kinagat ni Philip" sabi ko at inabot ko ito sa kanya.

"What?!" sigaw niya.

"Can you stop shouting?!" sigaw ko.

"Fine, fine" sabi niya at lumabas sa banyo na half-naked.

"Paano ito nakuha ni Philip? Saan mo ba kasi nilagay?" sabi niya sabay suklay sa kanyang buhok gamit ang kanyang daliri.

He's still hot.

"Ewan ko sayo, ba't ako pinapagalitan mo?" sabi ko sabay irap saka siya tinalikuran at maglalakad na sana ako palayo pero hinila niya ako.

"Nainis natin si Mommy Veronica oh, Philip" sabi ni Brandon sabay backhug sa akin at tumingin sa aso namin.

"Baliw" sabi ko sa kanya at tumakbo naman palapit sa amin yung aso na tumatahol kaya binuhat ko ito.

"Aww cute" sabi ko habang tinitignan ang aso na buhat ko.

"Wag na kasi magalit, Mommy Veronica" sabi ni Brandon sabay pout kaya tumawa ako.

"Alam mo, huwag kang magpout, Daddy. Mukhang pato" sabi ko sabay tawa kaya kumunot ang noo niya.

Kinuha niya sa akin si Philip at binaba sa sahig.

"Philip, go to the lounge" sabi ni Brandon sabay turo sa pintuan ng kuwarto. Tumingin naman si Philip sa kanya.

"Me and Mommy will make a baby okay?" nagulat ako sa sinabi ni Brandon kaya binatukan ko siya saka naman naglakad palayo yung aso.

"Hoy baliw, anong sinasabi mo?" tanong ko at naglakad naman siya palapit sa akin kaya umatras naman ako palayo sa kanya.

Hahalikan niya na sana ako pero biglang tumunog ang kanyang cellphone kaga napatawa na lang ako.

"Mamaya na kita kakainin, Mommy" sabi ni Brandon kaya umirap na lang ako lumabas ng kuwarto para makita si Philip.

Laking gulat ko nang hindi ko makita si Philip at sa kusina at nakita ko namang bukas ang pinto ng condo namin.

"Daddy!" naiiyak kong sigaw at agad namang lumabas si Brandon sa kuwarto na nakabihis na.

"Bakit, Mommy?" nag-aalalang tanong niya at lumapit sa akin.

"Si Philip..." naiiyak kong sabi at nagmadali siyang tumakbo palabas ng condo at hinanap si Philip.

May nakita kaming nagkakagulong mga tao sa kalsada at mukhang may nasagasaan.

"No..." umiiling kong sabi habang umiiyak.

"Dito ka lang ah, titignan ko yun" sabi ni Brandon at pinaupo ako sa sofa sa tabi ng counter.

Bigla kong nakita si Philip na tumatahol sa tabi ko kaya bigla ko siyang binuhat at niyakap.

Lumabas ako at tinawag si Brandon.

"Daddy!" sigaw ko at napatingin naman sa akin si Brandon. Napangiti siya sa akin at tumakbo palapit sa amin saka kami niyakap.

"Why did you that?" tanong ni Brandon kay Philip.

Nanahimik lang yung aso at pumunta na kami sa loob ng aming condo.

"Mommy, may pupuntahan lang ako ah" sabi ni Brandon kaya tumango na lang ako at lumabas na siya ng bahay.

Hapon na at lumabas muna kami ni Philip at nakita ko si Brandon sa may restaurant na may kasamang babae at mukhang masaya sila.

Napangiti na lang ako at umuwi na kami ni Philip.

Ngayon, alam ko na ang gagawin ko.

Inayos ko na ang mga gamit ko at nagluto na rin ako ng dinner para kay Brandon.

Nag-iwan ako ng sulat sa kama at iniwan ko si Philip sa kuwarto pagkatapos niya kumain.

"I love you, Philip. Mommy will leave now, okay?" sabi ko sa aso na tahimik at mahirap ito para sa akin pero kailangan gawin.

I love you, Brandon.

Sinarado ko ang pintuan at lumabas na ako ng bahay.

Naiiyak pa akong pumara ng taxi at ngayon, hindi ko na alam kung saan ako pupunta.

Puntahan ko muna si Erick baka may pwede akong puntahan basta malayo sa kanya.

Masaya na siya ngayon and that's all I want.

Kapag masaya na siya ay iiwan ko na siya para maayos niya na rin ang buhay niya ng wala akong kasama niya.

"Avon, what are you doing here?" tanong ni Erick sabay yakap sa akin.

"May alam ka bang pwede kong pagtirahan malayo dito? Maghahanap na kasi ako ng trabaho ko eh" sabi ko sa kanya habang pinupunas ang aking luha.

"Bakit? Anong nangyari kay Brandon?" tanong niya kaya umiling lang ako.

"Iniwan ko na siya, gusto ko na ring lumayo sa kanya" sabi ko at niyakap niya ulit ako saka tinapik ang aking likod.

"Ahh sakto, may pupuntahan akong business trip ngayon sa malayong lugar. Pwede kang sumama, may kaibigan ako doon" sabi niya kaya tumango na lang ako.

"Kailan alis mo?" tanong ko.

"Ngayon na" sabi niya kaya tumango na ako at inayos ang aking gamit sa kanyang kotse.

"Please, don't tell Brandon okay?" tanong ko sa kanya at tumango lang siya sa akin saka nagsimula nang magmaneho.

Habang nasa biyahe kami ay tulala lang ako sa labas ng bintana.

"You can sleep" sabi ni Erick kaya tumango na lang ako at natulog na muna habang nasa biyahe.

Mahirap sa akin pero kailangan kong gawin. Alam kong wala naman akong dahilan para gawin ito pero sana maintindihan niya ako.

Trabaho lang lahat ng iyon at walang katotohanan kaya gusto ko nang lumayo kasi ayaw kong masaktan rin ako.

Ngayon, susubukan kong buhayin ang sarili ko dahil hindi ko na maaasahan ang mga magulang ko.

Hindi rin pwedeng umasa na lang ako sa kanya kasi dapat marunong din akong buhayin ang sarili ko kasi hindi sila palaging nandiyan.

Ang Boyfriend Kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon