Avon's POV
Nang makalabas na kami sa hospital ay pumunta silang lahat sa bahay na tinitirahan ko at tuwang tuwa naman silang makasama ang anak ko kaya iniiwan ko si Zack sa kanila at dinadalaw ko si Brandon sa hospital.
It's been 2 months but Brandon is still asleep, nakaupo ako ngayon sa tabi niya habang hawak ang kamay niya at kinakausap siya.
Nagulat na lang ako nang biglang pumasok si Venice kaya napatingin ako sa kanya.
"Avon, can we talk?" tanong niya kaya tumayo ako at hinarap siya.
"Hmm?" sabi ko.
"I'm sorry for what I did. Nabaliw lang ako kay Brandon kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. I want him so bad pero naisip ko, ayaw niya pala sa akin. So why would I force myself to someone that can't give me the thing, I want. Nandito ako para magsorry sayo bago ako umalis. Sana maging masaya kayong dalawa. Alagaan mo siya ha, wag mong sasaktan yan" she smiled kaya niyakap ka.
"Thank you" sabi ko.
"For what?" tanong niya.
"For giving him to me" sabi ko sabay ngiti at lumabas na siya ng kuwarto.
Umupo ako sa tabi ni Brandon at hinawakan ulit ang kamay niya.
"Narinig mo yun Brandon, binitawan ka na ni Venice. Pwede na tayong magsama" hinalikan ko ang kanyang kamay.
"Please wake up, your son is waiting for you. Daddy, please" sabi ko habang lumuluha kaya napapikit muna ako habang hawak ang kamay niya.
Naramdaman kong gumalaw ang kamay niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata kaya agad ko itong pinunas.
"You're awake... you're awake" tuwang tuwa kong sabi sabay yakap sa kanya at agad tumawag ng doctor para maayos ang kalagayan niya.
Tinanggal nila ang kung ano mang nakasabit at nang mailipat na siya sa ibang kuwarto ay agad akong umupo sa tabi niya.
Nakangiti kasabay ng luha sa aking mga mata.
"Shhh why are you crying again?" tanong ni Brandon sabay punas ng luha sa aking mga mata.
"You're awake, you're okay" sabi ko sabay yakap sa kanya kaya napangiti niya.
"How's our baby? The gender? The name? Where?" tanong niya sabay hawak ng mahigpit sa aking kamay na parang kinakabahan.
"He's fine, he's a boy, his name is Zack, he's in the house" sabi ko sabay pisil sa kanyang mga kamay.
"Sinong kasama niya, Veronica? Is he safe?" tanong niya at uupo na sana siya pero hindi pa niya because of his bullet injury.
"He's with my real parents and your parents" sabi ko kaya bigla siyang nakahinga ng maluwag.
"Nagkita na rin kayo" sabi niya kaya nagulat ako.
"Alam mo?" tanong ko.
"Oo, alam ko. Simula noong nagleave ka muna sa trabaho, hinintay kita na bumalik para sabihin sa iyo iyun pero hindi ka na bumalik kaya hinanap kita at biglang umamin si Venice kaya pinuntahan" sabi niya sabay siklop ng aming mga daliri.
"I'm sorry" sabi ko.
"Why?" tanong niya sabay haplos sa aking ulo.
"Kasi iniiwan kita" sabi ko at yumuko ako. He hold my chin up and stared at my eyes.
"Don't say sorry, I understand you" sabi niya kaya napangiti ako at hinawakan ng mahigpit ang kanyang mga kamay.
Medyo nagtagal naman siya sa hospital at sa ngayon ay nakalabas na rin siya.
Gumawa ng welcome party ang mga magulang namin sa bahay nina Brandon and yeah, nandito na kami sa bahay nila kasama ang anak namin.
Tuwang tuwa siya noong una niyang nakita ang anak naming dalawa at siya na rin mismo ang nagsabi na uuwi na kami sa bahay nila.
"Welcome back!" sabay sabay nilang sigaw pagpasok namin sa bahay nila kaya napangiti siya at ako naman ay buhat ang anak naming dalawa habang nakaakbay siya sa akin.
"Akin na muna yan, Ma'am" sabi ng kinuha naming maid ni Zack sabay kuha sa aking anak at dinala ito sa kuwarto sa itaas.
Masaya silang lahat nang makita si Brandon na okay na kaya masaya na rin ako at kontento sa aking pamilya.
Lumapit ako sa aking mga magulang at niyakap sila at si Freya naman ay nakaupo lang doon at kumakain kaya lumapit ako sa kanya.
"Kamusta? Nag-aaral ka na ba?" tanong ko.
"Opo saka may tinest ko tapos nasa kolehiyo na agad ako" sabi niya kaya napatango na lang ako.
"Buti naman, sige kain ka lang" sabi ko at tumango siya kaya lumapit naman ako kay Brandon na nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan.
"Wala ka bang nararamdamang masakit?" tanong ko.
"Wala naman, thank you" sabi niya sabay hawak sa kamay ko kaya tinanguan ko na lang siya.
Nakita ko naman si Adrian na may kasamang babae kaya lumapit ako sa kanya.
"Oh kamusta? Girlfriend mo?" tanong ko.
"Oo" sabi niya sabay tawa.
"Buti naman, nakahanap agad ah" sabi ko sabay suntok ng mahina sa kanyang braso.
"Eh ikaw, nakagawa agad" sabi niya kaya inirapan ko na lang siya at tumingin ako sa girlfriend niya.
"Hi, I'm Avon" sabi ko sabay ngiti at abot ng kamay sa kanya.
"Selena" sabi niya at nakipagshake hands siya sa akin kaya tumango na lang ako at ngumiti saka pumunta kay Brandon.
"Are you okay?" tanong niya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.
"I'm okay. How about you? Are you ikay?" tanong ko sabay hawak ng mahigpit sa kanyang mga kamay.
"Yeah, medyo mahapdi lang" sabi niya kaya tumango ako at niyakap siya.
"I miss you, Veronica" sabi niya kaya napangiti ako.
"I miss you too" sabi ko at mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin.
"Sweet...!" sabay sabay nilang sigaw kaya napatingin kami sa kanila at nakatingin sila sa amin kaya napatawa na lang kaming lahat.
Nang maghapon na ay isa isa na silang nagpaalam sa amin ni Brandon at ang aking mga magulang ay umuwi na rin kasabay si Freya at kami ni Brandon ay pumasok na sa kuwarto kasama ang aming anak.
Masaya kaming humiga sa aming kama habang nasa gitna namin ang aming anak.
Ito ang matagal ko nang hiling, a whole family with my own child and husband.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Bakla
RomanceSabi ng iba, ang suwete mo raw dahil mayaman, pogi, at perpekto na raw ang naging boyfriend mo. Pero hindi nila alam ang tinatago niyo, na kaya pala naging kayo para sabihin nilang lalaki siya. Mababago mo kaya siya?