Avon's POV
How I miss my family so much, kahit anong pananakit ang gawin nila sa akin, pamilya ko pa rin sila and kahit ayaw nila sa akin, pamilya ko pa rin sila and naiintindihan ko naman sila kaya irerespeto ko na lang sila.
Palagi akong malungkot sa unang linggo ng aking paninirahan dito sa bago kong bahay kasi wala akong magawa kundi kumain, matulog, o manood lamang.
Pero habang tumatagal ay natutunan ko na ring maglalakad ng umaga dito sa amin at medyo kakilala ko na rin ang mga kapit bahay ko kahit medyo malayo sila sa akin.
Habang naglalakad lakad ako ay may nakita akong mag-asawa na masayang magkasama at buntis pa ang babae kaya napangiti ako.
Napahawak ako sa tiyan ko, "I'm sorry baby dahil nilayo kita sa Daddy mo" malambing kong bulong at naglakad lakad na lang ulit.
Bumili muna ako ng tinapay at uuwi na sana ako pero may nakita akong dalaga na palakad lakad sa daan na parang pulubi.
"Dalaga?" tanong ko at lumapit ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin.
"May pamilya ka ba?" tanong ko.
"Wala po" sabi niya.
"Saan ka nakatira?" tanong ko.
"Palaboy laboy lang po" sabi niya at tinignan ko siya ng mabuti. Mukhang mabait naman siya at nasa 18 na siguro siya.
"Ilang taon ka na?" tanong ko.
"17 po" sabi niya.
"Kaya mo bang magtrabaho sa bahay? Maglaba, maglinis, o magluto?" tanong ko.
"Kayang kaya po, Ma'am. Yun po ang dati kong trabaho pero pinaalis po ako" sabi niya.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Kasi ayaw po nila sa akin" sabi niya kaya tumango na lang ako.
"Gusto mo bang magtrabaho sa akin? Mag-isa lang kasi ako sa malaking bahay eh at buntis pa ako. Pwede ba kitang maging kasama?" tanong ko at napangiti siya.
"Pwede po, Ma'am" sabi niya at nagkurba ang mga ngiti sa kanyang labi.
"Come on, iuuwi na kita sa bahay and may mga luma akong damit doon na pwede mong gamitin and doon ka na tumira okay? From now on, I'am you family. You want that?" tanong ko at mas lalo pa siyang ngumiti.
"Opo, opo. Maraming salamat talaga, Ma'am" sabi niya kaya tumango ako at pinabitbit sa kanya ng binili ko at inuwi ko siya sa bahay.
Nagtungo agad siya sa banyo para maligo at nabigyan ko na rin siy ng damit.
Nagulat ako nang lumabas siyasa banyo. Nagulat ako sa taglay niyang ganda at ang kanyang katawan ay perpekto at kaakit akit sa mga lalaki.
"Woah! Is that you?" gulat na gulat kong tanong kaya bigla siyang napangiti habang nahihiya.
"Opo" sabi niya.
"Gumamit ka ng make-up ko?" tanong ko at lumapit ako sa kanya.
"Hindi po, Ma'am" sabi niya kaya napangiti ako.
"Ganda mong dalaga ah. Ano pa lang pangalan mo ulit?" tanong ko.
"Freya Setch po" sabi niya.
"Setch? Stech Corporation?" tanong ko.
"Opo, tatay ko po pero may ibang pamilya kaya tinapon niya kami ng nanay ko kaya kami naghirap. Pano niyo po nalaman ang Corporation na iyon?" sabi niya.
"Ahh business partner ni Adrian sa company nila" sabi ko kaya napatango na lang siya.
"Ehh Ma'am, gutom na po ba kayo? Gusto niyo pong ipagluto ko kayo?" tanong niya.
"Ako na bahala sa kusina at maglinis ka na lang ng bahay" sabi ko.
"Ehh Ma'am, ganto na lang. Umupo na lang po kayo diyan at ako na po gagawa ng lahat" sabi niya kaya napailing na lang ako at napatawa.
"Nah it's okay. Sanay na ako, 4 months na along ganito" sabi ko.
"So ilang months na po si baby, Ma'am?" tanong niya.
"8 months na siya" sabi ko.
"Hindi po ba sumasakit?" tanong niya.
"Sometimes oo kasi sumisipa siya" sabi ko.
"Lalaki po ba siya o babae?" tanong niya.
"Oh buti natanong mo yan, mamaya kapag tapos na natin ang trabaho sa bahay at magpapaultrasound tayo. Samahan mo ako" sabi ko kaya tumango siy at agad agad nang nagtrabaho sa bahay kaya pumunta na ako sa kusina para magluto.
Pagkatapos naming kumain at mag-ayos sa bahay ay pumunta kami sa pinakamalapit na hospital para magpa-ultrasound.
Naiwan sa labas si Freya at nandito naman ako ngayon sa loob ng kuwarto habang nakahiga
"You baby is a boy, Ma'am" sabi ng doctor kaya tumango ako at ngumiti saka nagbayad sa counter.
Nakita ko naman si Freya na may kasamang babae kaya nilapitan ko siya.
"Sino siya?" tanong ko.
"Ahh si Angela Vonswetch po, kaibigan ko kagagaling po sa ibang bansa" sabi ni Freya kaya tumango na lang ako.
"Una na ako ahh, bye po" sabi ni Angela sabay kaway kaya tumango na lang kami at agad nang umuwi sa bahay.
"Ma'am, ano po gender?" tanong ni Freya.
"Lalaki" sabi ko habang nakangiti.
"Wow, ang swerte niyo naman po, Ma'am" sabi niya kaya tumango na lang ako.
"Ahh nasaan po pala ang ama?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya at nagbubuhos hininga.
"May ibang pamilya na" yeah, baka kinasal na sila ni Brandon sa tagal kong hindi nagpakita at nagparamdam.
Alam kong masakit sa kanya pero para na rin kasi ito sa kaligtasan ng baby namin eh at alam kong ayaw niyang mapahamak kami.
Umupo ako sa terrace hanggang sa paglubog ng araw. Habang papalubog ang araw ay may nakita akong anino sa harapan ko at papalapit sa akin.
"Sino ka?" tanong ko mas lalo pa siyang lumapit at nang malapit na siya ay nakumpirma ko na kung sino siya.
"B-Brandon?"
Sorry guys, bihira muna ako maka-update ha kasi nilalagnat si Author eh kaya iwas phone po muna ako. Limited lang po ang paggamit ko ng phone ko kasi papagalitan ako ihh. Labyahh! Hope you understand. Bitin ba?
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Bakla
RomansaSabi ng iba, ang suwete mo raw dahil mayaman, pogi, at perpekto na raw ang naging boyfriend mo. Pero hindi nila alam ang tinatago niyo, na kaya pala naging kayo para sabihin nilang lalaki siya. Mababago mo kaya siya?