Chapter 18: Heard

413 24 1
                                    

Avon's POV

Paggising ko ay agad akong nagmadali para pumasok sa akin trabaho at naghanda na rin para sa panibagong araw na makakasama at makikita ko na naman si Brandon.

Pagpasok ko sa aming opisina ay nakita ko agad si Brandon na nakaupo sa aking upuan.

"Pwede mo ba akong samahan sa dance class?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya at napatitig sa kanyang mga mata kaya umiwas ako ng tingin.

"Sure, Sir" sabi ko at tinignan niya ako.

"Stop calling me Sir, call me Brandon" sabi niya kaya tumango na lang ako at sumama na ulit sa kanya sa dance class. Hindi ko alam kung bakit di siya marunong sumayaw, parang tanga.

Pumasok kami sa isang magadang dance room na pinalibutan ng mga salamin at may lalaki at babae na nakatayo doon.

"Hello, Sir. Good morning" sabay na sabi ng mga dance instructor at tumango lang si Brandon.

"Is she your partner, Sir?" tanong ng lalaki.

"Hello, Ma'am" sabi ng babae.

"No, she's not" sabi ni Brandon kaya nagsorry ang dalawang dance instructor.

"So, who will be your partner, Sir?" tanong ng babae at napatingin sa akin si Brandon kaya napatingin din ako sa kanya.

Di ako marunong sumayaw, wag ako. Ahh oo, dance class pala, tuturuang sumayaw, tanga.

"You want?" tanong niya sa akin kaya tumango na lang ako at nilapag ang mga bitbit namin sa isang locker saka kami nakinig sa mga dance instructor.

"So sir, hawakan niyo po bewang ni Ma'am and Ma'am, hawakan niyo po sa balikat ni Sir" sabi ng babae kaya ginawa naman namin ang mga sinabi saka kami nagtinginan sa isa't isa.

Nagkatitigan kami ng matagal at kitang kita ko pa rin sa mga mata niya ang dating siya.

"Don't stare" sabi niya at umiwas siya ng tingin.

"Why sir? May mali ba? You need to practice staring at your partner while dancing" sabi nung babae pero hindi pa rin tumitingin sa akin si Brandon.

Napalunok siya at kitang kita ko ang kaba niya sa kanyang mga mata at ang kanyang mga kamay ay nanginginig pa.

"Bakit ka kinakabahan?" malambing kong tanong at tinanggal niya ang kanyang mga kamay sa aking bewang.

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at nilagay ko ito sa aking mga bewang saka ako napatingin sa kanya.

Nagsimula na kaming sumayaw at sinabayan namin ng galaw ang naririnig naming tugtugin.

"Bakit ka ba kinakabahan?" tanong ko at ngumiti ako sa kanya at ang tanging ginawa niya lang ay tumitig sa akin.

Nang matapos kami sa dance class ay hapon na at hanggang ngayon ay tahimik pa rin siya na parang natrauma na.

"Are you okay, Brandon?" tanong ko habang papunta kami sa parking lot.

"Ahh, yeah, yeah, I'm okay. Uhmm...gutom ka na ba?" tanong niya.

"No, okay lang. Sa condo na ako kakain" sabi ko.

"No, eat with me" sabi niya kaya tumango na lang ako at sumakay na ako sa kotse niya.

Pumunta kami sa isang magarbong restaurant para kumain at hinila niya ang upuan para makaupo ako.

Tumango na lang ako at hinihintay na lang ang mga in-order niya na pagkain.

Habang kumakain kami ay napapatingin siya sa akin kaya nakayuko lang ako habang kumakain.

Afte naming kumain ay hinatid na niya ako sa condo ko at napatingin ako sa kanya habang siya umaalis.

What's wrong with you, Veronica? Are you okay?

Agad akong pumasok sa akin condo at agad naman nagpalit saka humiga na sa aking kama as usual. Natulog na ako.

Nagising ako dahil may narinig akong katok sa pintuan ng aking condo ng madaling araw kaya agad akong bumangon at binuksan ang pinto.

"Avon..." lasing na lasing na sabi ni Adrian kaya nagulat ako at agad siyang inalalayan.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko at pinaupo ko siya sa aking sofa saka agad sinara ang pinto.

"Wait" sabi ko at kinuhanan ko siya ng tubig saka ako umupo sa tabi niya at pinainom siya ng tubig.

"Bakit ka ba naglasing?" tanong ko.

"Iniwan kasi niya ako" sabi niya sabay tingala at sandal sa sofa at napaluha pa siya.

"Taha na" sabi ko at niyakap ko siya sabay haplos sa ulo niya saka ko siya pinasandal sa balikat ko.

"Makakahanap ka rin okay?" sabi ko at tumingin siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"Can you be my girlfriend, Avon?" tanong niya sabay tingin ng diretso sa aking mga mata.

"No, I can't" sabi ko sabay iling at hinawakan ang kamay niya kaya napatayo siya.

"Ano, Avon?! Aasa at maghihintay ka pa rin sa taong ikakasal na?! Tanga ka ba?! Ikakasal na si Brandon pero hanggang ngayon siya pa rin ang nasa puso't isip mo! Hindi mo mapalitan!" sigaw ni Adrian sa harapan ko kaya napaluha ako.

"Stop...stop it, Adrian" sabi ko habang lumuluha.

"Totoo naman diba?! Tanga ka eh! Tanga!" sigaw niya sa mukha ko kaya umiyak na ako.

"Sorry, Avon. Sorry" sabi niya sabay yakap sa akin pero tinulak ko siya.

"Avon..." malambing niyang sabi sabay hawak sa aking mga braso pero hinawi ko ang kamay niya.

"Sorry, please..." malambing niyang sabi at hinahawakan niya ang pisngi ko pero hinahawi ko ang kamay niya saka ako tumayo.

"Oo, Adrian. Tanga ako, oo. Hindi ako nag-iisip, oo. Kasi kahit anong gawin ko, siya pa rin ang mahal ko. Hindi madaling magmahal ng iba lalo na kung mahal mo pa yung dati mong mahal. Kala mo madali yun? Oo na, tanga na ako, umaasa na ako sa taong ikakasal na pero mahal ko siya. Hindi ko siya kayang palitan, oo dahil Adrian, mahal ko siya. Kaya ko siya iniwan para maging mas masaya na siya sa buhay niya kasi alam kong kapag nalaman ng mga magulang niya ang estado ng buhay ko, alam kong aayawan nila ako dahil langit siya, lupa ako. Ayaw ko lang masaktan siya, ayaw ko lang na pati magulang niya awayin niya para sa akin. Mahal ko siya pero hindi pwede, maraming nakaharang sa aming dalawa na mahirap lagpasan na kahit anong gawin mong hanapin yung susi, nasa ibang banda pala kaya hindi mo makuha. Sana maintindihan mo ako" sabi ko sabay iyak at magsasalita na sana si Adrian pero may narinig kaming nagsalita mula sa pintuan.

"Veronica?" parang nabasag ang mundo ko nang marinig ko ang boses ni Brandon sa bukas na pintuan ng aking condo.

Ang Boyfriend Kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon