Chapter 12: I'm Okay

655 26 0
                                    

Aurora's POV

Sa sakit at hapdi na aking naramdaman ay nakatulog ako sa kanyang mga braso

Paggising ko ay nasa kuwarto nako at may bandage na ang mga sugat ko. Masakit ang katawan ko ngunit pinilit kong bumangon para hanapin siya.

Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin at inalalayan ako na umupo sa sofa.

"Bakit di ka na lang kasi magstay sa loob?" tanong niya sabay haplos sa buhok ko.

"You hungry?" tanong niya at pumunta siya sa kusina at may kinuhang pagkain.

"Pumasok ka ba?" tanong ko at nilapag niya sa table sa harapan ko yung tray na dala niya at umupo siya sa tabi ko.

"No, I'll take care of you" sabi niya sabay halik sa aking noo kaya napatingin ako sa kanya.

"I'm okay" sabi ko at kinuha niya yung pagkain sa harap ko at inabot sa akin.

"You're not okay, Veronica, I'll stay here" sabi niya at bigla siyang napatingin sa tumunog na cellphone.

"Wait a minute" sabi niya at pinahawak sa akin yung lugaw saka niya kinuha ang kanyang cellphone at lumayo sa akin para sagutin ito.

Kinain ko na lang yung lugaw na bigay niya at uminom din ako ng gatas na nakalapag sa try.

Pagkatapos niyang sagutin ang tawag ay pumunta siya sa kusina at mukhang may ginagawa doon.

"Magshower ka na, kaya mo? O ako na ang gagawa nun para sayo?" tanong niya habang may nakakakilabot na ngiti sa kanyang mga labi.

"K-Kaya ko na" sabi ko at dahan dahan akong tumayo at naglakad papunta sa banyo.

Nagshower na ako at nagpalit at sa bawat pagpatak ng tubig sa aking mga sugat ay ramdam ko ang hapdi at sakit.

Nagtapis ako ng tuwalya at tumayo sa harap ng salamin sa banyo at tinignan ko ang aking sarili.

What is wrong with me? Bakit di nila ako kayang mahalin? Bakit di nila ako kayang itrato ng maayos? Why?

Hindi ko namamalayan na umagos na pala ang luha ko sa aking pisngi at nagulat ako nang biglang pumasok si Brandon.

"What happened? Are you crying again?" tanong niya sabay hawak sa pisngi ko at pinunas ang mga luha ko.

"I'm okay" sabi ko at pinilit niya akong tumingin sa kanyang mga mata.

"You always tell me that you are okay, but I know, you aren't" sabi niya at kitang kita ko sa mata niya kung paano siya mag-alala sa kalagayan ko.

"You don't need to worry, I'm okay" sabi ko and then he sighed. Napailing na lang siya at hinawakan ang aking mga kamay.

"Nandito ako palagi para sayo okay? I won't leave you" sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Oh yeah, magpalit ka na para makapagpahinga ka na" sabi niya at kumalas siya sa yakap kaya lumabas na ako ng banyo at nagpalit.

Nahiga na ako sa kama at tumitig sa kisame.

Bigla na lang akong bumangon nang marinig ko si Brandon sa balkonahe na parang frustrated.

"Tomorrow? At night? Seriously?! Where?" nakakunot noo niyang sabi sa kanyang kausap sa cellphone.

He sighed, "Fine, I'll...we will go" sabi niya at napatingala na lang sa frustration.

"My girlfriend, I'll bring her" sabi ni Brandon at napasapo sa kanyang noo.

M-May girlfriend si Brandon? Sino?

Ilang saglit pa nang maisip ko na...ako pala yung tinutukoy niya.

Napatingin siya sa direksiyon ko at nakita akong nakatayo dun kaya nagulat ako.

"Sorry, sorry" sabi ko at agad akong humiga sa kama at tumalikod sa kanya.

Umusog ang higaan nang umupo siya sa tabi ko habang nakatalikod ako sa kanya.

Hinalikan niya ang aking balikat at hinaplos ang aking braso.

"Kaya mo na bang lumabas bukas?" tanong niya kaya napaharap ako sa kanya at umupo.

"Bakit?" tanong ko.

"May reunion kami, batch ko noong high school. Isasama kita, kaya mo ba?" tanong niya sabay hawak sa aking mga kamay.

"Yes, yes I can" sabi ko sabay tango kaya hinalikan niya ang noo ko.

"Sleep now" sabi niya ag tumayo siya.

"How about you?" tanong ko.

"May gagawin pa ako, you rest" sabi niya kaya tumango na lang ako at humiga ka sa kama saka natulog.

Madaling araw pa lang ay nagising na ako at ewan ko kung bakit ang aga.

Kinusot ko ang mata ko at dahan dahan akong tumayo at pupunta na sana sa kusina ngunit nakita ko si Brandon sa sofa na tulog habang naka-open ang kanyang laptop.

He's half naked and his hair was so messy. Napangiti na lang ako at kinumutan siya saka nagtungo sa kusina.

Nagluto ako ng breakfast namin at habang naghahanda ako sa lamesa at nakita ko siyang tumakbo papunta sa banyo.

Agad kong nilapag sa mesa yung mga gamit at pumunta ako sa kanya na may dalang tubig.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya at nakita ko siyang nagsusuka.

"I'm fine, I'm fine, I'm just...hugry" sabi niya sabay ngiti sa akin at inakbayan ako papunta sa kusina.

Umupo siya sa harap ng dining table at kumain ng mga niluto ko at sinabayan ko na rin siya.

Pagkatapos kong kumain at naghugas na ako ng plato at siya naman ay nagtungo na sa banyo para maligo.

Lumabas na siya sa kuwarto na nakahanda na at nilapitan ako.

"Maghanda ka na rin at pupunta na tayo" sabi niya.

"Sige, tapusin ko lang ito" sabi ko at tumango siya saka pumunta sa sala para ayusin ang mga gamit niya.

Naligo na rin ako at nagpalit at nag-ayos na rin ng konti para sa reunion nila mamaya at ewan ko ba kung bakit ako kasama dito.

Pagkatapos kong mag-ayos ay pumunta na ako sa parking lot dahil nagtext siya sa akin na hihintayin niay ako doon.

Sumakay na kami sa kanyang kotse at tahimik siya habang nagmamaneho.

Is he okay?

Napatitig ako sa kanya ng matagal at nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

"You okay?" tanong niya at napatango na lang ako saka tumingin sa labas ng bintana.

"Okay" sabi niya sabay tango at tumingin sa daanan para makapagconcentrate sa pagmamaneho.

Ang Boyfriend Kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon