Avon's POV
"Uhmm...nasan pala siya?" tanong ni Venice.
"Wait lang po, Ma'am" sabi ko at lumapit ako sa telepono saka tinawagan si Brandon.
"Yes, Veronica?" tanong no Brandon.
"Sir, hinahanap po kayo ni Ma'am Venice, nandito po siya sa office ko" sabi ko.
"Hintayin niyo ako diyan sa office niyo" sabi ni Brandon at binaba ang telepono.
"Wait na lang daw po natin siya dito, Ma'am. Upo muna kayo" sabi ko sabay turo sa kanya sa sofa at umupo ako.
Biglang pumasok si Brandon at sinalubong naman siya ni Venice ng yakap at halik kaya tumingin na lang ako sa loptop ko.
"Uhmm...Venice, we need to talk something private" sabi ni Brandon at umupo sila sa sofa.
"Let's go to your office then" sabi ni Venice.
"No, uhmm...with her" sabi ni Brandon sabay turo sa akin kaya napatingin ako sa kanila.
"Veronica?" tanong ni Venice at tumingin siya kay Brandon.
"For what?" tanong ni Venice.
"About the wedding---" natigil magsalita si Brandon dahil pumasok ang isang middle-aged na babae.
"Mommy" sabi ni Venice at yumakap siya sa babae at tumayo naman si Brandon.
"Tita" sabi ni Brandon.
"What about the wedding?" tanong ng babae.
"Uhmm...Tita, you know---" hindi natuloy ni Brandon ang sasabihin niya.
"Oh pupunta pala tayo sa venue ng wedding niyo ngayon. Come on, tara na" sabi ng middle-aged na babae kaya walang nagawa si Brandon at sumama na lang sa kanila.
"Matutuloy na siguro ang kasal nila" bulong ko sa hangin at inaayos ko na lang ang mga dapat kong ayusin.
Hapon na nang makabalik si Brandon sa opisina at agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"I'm sorry, Veronica. I don't wanna hurt you" sabi niya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko.
"No, it's okay, Brandon. Naiintindihan ko naman" sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
"No, I promise, gagawin ko ang lahat para hindi ko na siya pakasalan okay? But for now...hindi ko pa alam" sabi niya sabay halik sa noo ko at niyakap ulit.
"It's okay, naiintindihan kita" sabi ko kaya ngumiti siya sa akin pero kitang kita ko pa rin sa mata niya ang lungkot at pag-aalala.
"I want you to stay, okay?" tanong niya sabay hawak sa pisngi ko at tumango ako sa kanya.
"Gabi na pala, you can go home now. Ihahatid na kita" sabi ni Brandon Kaya tumango na lang ako at sumama sa kanya sa parking lot.
Hinatid niya ako sa condo ko at umuwi na rin siya. Natulog na lang ako at inisip na magiging okay din ang lahat, tiwala lang, maghintay tayo.
Nagising ako dahil nagring ang cellphone ko kaya bumangon ako at sinagot ito.
"Hello?" tanong ko.
"Veronica, hey" sabi ni Venice.
"Ahh, bakit?" tanong ko.
"Pwede ba tayong magkita mamaya?" tanong ni Venice.
"Uhmm...oo naman" sabi ko.
"Sa tapat ng building nina Brandon" sabi ni Venice.
"Oo naman" sabi ko at binaba na niya ang telepono kaya bumangon na ako at naligo na.
Paglabas ko ng condo ay pumara agad ako ng taxi para pumunta sa tapat ng building.
Nakita kong nakaupo roon si Venice kaya umupo na rin ako sa harapan niya.
"Sorry kung pinaghintay kita" sabi ko at tumango na lang siya kaya tumingin agad ako sa kanya.
"Do you like Brandon?" agad niyang tanong kaya nagulat ko.
"Okay, I know you do. Can I ask you a favor?" tanong niya.
"What favor?" tanong ko.
"Pwede ba kung trabaho lang, trabaho lang. Walang landian. 'Cause last night, pupuntahan ko sana si Brandon pero nakita ko kayong nagyakapan at hinatid ka pa niya sa condo mo, right? Inaagaw mo ba ang fiancee ko?" tanong niya at tumingin sa akin ng diretso.
"Ano bang pinag-uusapan natin dito?" tanong ko at kumunot ang noo niya.
"Well, I want to have a deal with you" sabi sabay lapag ng cheque sa harapan ko kaya kumunot ang noo.
"I know that you're a gold digger, Veronica. So babayaran kita para layuan si Brandon" sabi ni Venice at agad naman akong umiling.
"I don't want your money, Venice" sabi ko at tatayo na sana ako pero nagsalita pa siya.
"Ayaw mo ng pera ko kasi gusto mo si Brandon dahil mas marami ka pang makukuha sa kanya diba?" medyo malakas ang pagsabi niya iyon at tumawa pa siya kaya nagtinginan ang mga tao sa amin. Yumuko na lang ako.
"Am I right?" tanong niya at tumayo. "Oh yes, I'am. Kaya ka lang naman dumidikit kay Brandon dahil gusto mo ng pera niya kasi isa ka lang basura" sigaw niya sa akin kaya hindi ko mapigilang mapaluha na lang.
"Do you think hindi ko alam ang buhay mo noon? Na kaya ka pinabayaan ng mga magulang mo dahil basura ka at nirecycle ka lang ni Brandon. At noong nakapagtapos ka na, iniwan mo na si Brandon dahil di mo na siya kailangan. Ngayon, naiipit ka na naman, wala ka na namang pera kaya ka lumapit kay Brandon diba?" malakas ang boses niya na nagsabi nun kaya nagbulong bulungan ang mga tao sa paligid.
Umiyak na lang ako nang tahimik habang nakayuko at kinakagat ang aking pang-ibabang labi. Lalabas na sana ako pero bigla niya akong hinila at binuhusan ng juice kaya nabasa ako at hindi lang umimik.
"Eto pa, isubsub mo diyan sa mukha mo, parehong basura!" sigaw niya sabay kuha sa basurahan at binuhos sa akin kaya pinagtawanan ako ng mga tao at ako ay hindi pa rin gumagalaw.
"Venice! Tama na!" sigaw ni Brandon at lumapit siya sa akin pero nilayuan ko siya.
"Pinagtatanggol mo pa ang basurang yan, Brandon? Hindi ka basurero kaya layuan mo na yan. Alam mo bang ang gusto lang niyan ay ang pera mo? Kaya ka niya iniwan dahil hindi ka na niya kailangan dahil nakapagtapos na siya, tama ba Veronica?" tanong niya at tumingin siya sa akin.
"Stop it, Venice. She's not a gold digger. At ako na mismo ang nagsasabing mahal niya ako dahil ramdam ko iyon. Wala kang karapatang sabihan siya ng ganyan, Venice" sabi ni Brandon at tumakbo na lang ako palabas ng restaurant habang nagsasagutan sila.
Narinig ko ang boses ni Brandon na humahabol sa akin at malapo ang paningin ko dahil sa mga basura sa mukha ko.
Nagulat na lang ako nang makarinig ako ng malakas na busina sa harapan ko at....
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Bakla
RomansaSabi ng iba, ang suwete mo raw dahil mayaman, pogi, at perpekto na raw ang naging boyfriend mo. Pero hindi nila alam ang tinatago niyo, na kaya pala naging kayo para sabihin nilang lalaki siya. Mababago mo kaya siya?