Avon's POV
Nagtagal kami ng ilang araw sa pinuntahan namin at bigla na lang akong tinawagan ni Mommy.
"Mom?" tanong ko.
"Nasan ka? Hinahanap ka ni Brandon dito" sabi ng aking ina.
"Mom, please, don't tell Brandon na nandito kami sa bagong bahay nila Mira" sabi ko at napatingin ako sa anak kong inaalagaan ng kanyang maid. May tatlong maid dito.
"Okay, mag-ingat kayo ng apo ko diyan ah" sabi ni Mom kaya nakahinga na ako ng maluwag.
"Thanks, Mom" sabi ko at binaba na ang telepono. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin kay Mira.
"Are you okay?" tanong ni Mira sa akin sabay tapik sa aking balikat kaya napatango na lang ako at kinuha ang anak ko sa maid niya.
"Lapit na pala birthday ng anak mo" sabi ni Mira kaya napahawak ako sa kamay ng aking anak.
"Oo nga eh" sabi ko sabay halik sa noo ng aking anak.
"Pano na yan? Magpaparamdam ka na ba kay Brandon?" tanong niya dahil nasabi ko na rin sa kanya ang totoong nangyari.
"Siguro...hindi na muna" sabi ko sabay abot sa maid yung anak ko at umupo kami ni Mira sa sofa saka inabot niya rin sa maid yung anak niya. Dinalhan kami ng maid nh juice.
"Thank you" sabi ni Mira sa maid at napatingin siya sa akin.
"Anak niyo yun, Av" sabi niya.
"Pero..." sabi ko.
"Hayst, anak niya pa rin yun" sabi niya kaya napatingin ako sa juice na hawak ko.
"Ewan ko ba, Mira" sabi ko sabay inom sa juice na hawak ko.
"Kailangan mong pag-isipan yan kasi kahit anong mangyari, kahit ano pa ang ginawa ni Brandon. Siya pa rin ang ama" sabi ni Mira kaya nagbuntong hininga.
"Oo, alam ko naman" sabi ko at biglang nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko naman ito.
"Mom?" tanong ko.
"Lapit na birthday ng anak mo, gagawa kami ng part. Please, umuwi kayo dito" sabi ni Mommy kaya napabuntong hininga ako.
"Okay, sige Mommy" sabi ko at narinig kong tuwang tuwa sila sa kabilang linya.
"Kamusta na pala si Freya?" tanong ko.
"Malapit na mag-graduate at tumitira ngayon sa condo niya" sabi niya.
"Mabuti naman po, Mommy" sabi ko.
"Sige na at maghahanda pa kami para sa birthday ng aking apo" sabi ni Mommy.
"Sige po" sabi ko at binaba na niya ang telepono.
"Next week na ang birthday ni Zack at kailangan naming pumunta kay Mommy kasi nagrequest siya" sabi ko kaya napatingin si Mira sa akin.
"Hindi maiiwasang nandun si Brandon kasi anak niya iyon" sabi niya kaya napatango na lang ako.
"I'll be ready" sabi ko at napatango siya saka pumunta kay Marlon. Kinuha ko naman ang aking anak sa kanyang maid at kinausap ito.
"Anak...uuwi tayo sa birthday mo ah, you're Daddy will be there, pakisamahan mo siya okay?" bulong ko sa kanya sabay halik sa kanyang mga noo.
"I will stay and I will support you in whatever you want okay? I love you" sabi ko sa kanya at hinawakan ang kanyang mga maliliit na kamay.
"Sure ka bang kaya mo nang harapin su Brandon?" tanong ni Mira sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Kakayanin ko para sa anak ko at para sa akin na rin" sabi ko Kaya tumango na siya at naghanda ng mga gamit dahil sasamahan niya ako.
Kaya ko ito, kayang kaya.
Bago ang kaarawan ni Zack ay umuwi na agad kami kina Mama para handa agad kinabukasan.
Habang natutulog ang anak ko ay nilapitan ako ni Mama.
"Anak..." sabi niya.
"Mom?" sabi ko at umupo siya tabi ko.
"Bakit mo ba kasi iniwan si Brandon anak?" tanong ni Mom.
"Kasi Mom, parang nagbabago na siya eh" sabi ko.
"Bakit di mo siya tinanong anak? Sana naman kinausap mo siya ng maayos diba?" tanong ni Mom kaya napatingin ako sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako at tinapik ni Mom ang balikat ko.
"Sana hindi ka sukuan ni Brandon at sana huwag mo din siyang susukuan" sabi ni Mom sabay halik sa akin noo kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Good night na, rest ka dahil bukas birthday na ng cutie mong anak na si Zack. Apo ko" sabi niya sabay halik sa noo ni Zack.
Pumunta ako sa balcony at tumingin sa Venue ng birthday ni Zack bukas at parang may nakita akong tao na patagong may ginagawa sa Venue na parang meron siyang nilalagay.
Tinawag ko ang maid ni Zack at sinabihan siyang bantayan muna si Zack dahil may titignan ako.
Pumunta ako sa Venue at hinanap yung taong yun pero hindi ko na siya nakita kaya tinignan ko ang buong paligid kung may mga nilagay siyang makakasakit sa amin ng aking pamilya.
Napatingala ako sa langit at tumingin sa mga bituin.
"Sana safe ang party bukas ng anak ko" sabi ko habang nakatingala.
May narinig akong tunog sa aking likuran kaya napatingin ako dun.
"Sino yan?" tanong ko at may tunog na naman sa aking likuran kaya kinabahan na ako.
"Sino ka? Lumabas ka!" sigaw ko at nagulat na lang ako nang may humawak sa braso ko.
"Adrian" nawala ang kaba ko nang malaman kong si Adrian ito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Adrian sa akin at hinatid niya ako sa bahay namin.
"Mag-ingat ka ah, wag kang lalabas mag-isa" sabi niya kaya napatango ako.
Kinaumagahan ay agad na kaming naghanda para sa birthday ng aking anak na si Zack.
Nakaupo kami ngayon sa isang table habang nagsasalita si Mom sa harapan.
"Yes, birthday ngayon ni Zack pero may surprise din kami sa Mommy niya" sabi niya kaya napatingin ako kay Mom.
May umalalay sa akin na lalaki at naglagay sa akin ng blindfold at may pinaglagyan sa akin.
Pagtanggal nila ng blindfold ko ay bigla akong lumuha sa aking nakita.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Bakla
RomanceSabi ng iba, ang suwete mo raw dahil mayaman, pogi, at perpekto na raw ang naging boyfriend mo. Pero hindi nila alam ang tinatago niyo, na kaya pala naging kayo para sabihin nilang lalaki siya. Mababago mo kaya siya?