Avon's POV
Napahawak ako sa tiyan ko habang lumuluha ako.
"Baby, bakit ngayon pa? Ngayon pa na komplikado ang sitwasyon namin ng Daddy mo..." bulong ko habang umiiyak.
"Paano kita mabibigyan ng buong pamilya kung ang ama mo ay magkakaroon na ng sariling pamilya? Ngayon pa lang, baby, sorry na ha. Wala akong magawa para makuha ang Daddy mo kasi wala ako sa level ng magiging asawa niya" sabi ko sabay haplos sa tiyan ko.
"Pero thank you, baby, kasi dumating ka at ngayon hindi na mag-isa si Mommy at may dahilan na ako para mabuhay at maging masaya" sabi ko at binulsa ang PT saka ko pinunas ang luha ko at lumabas ng banyo.
"Ano na?" excited na tanong ni Mira at umupo ako sa tabi niya.
"Mira, can I ask you favor?" tanong ko at tumango siya.
"Kung ano man ang mangyayari dito, will stay here okay? I'm pregnant and ayaw kong malaman ito ng iba, please keep it secret" sabi ko.
"Sino ba ang ama?" tanong ni Mira kaya nagbuntong hininga na lang ako.
"Brandon..." sabi ko at yumuko ako.
"Hayst, it's okay" sabi niya kaya tumango na lang ako.
"Uuwi na ako" sabi ko at tumango siya saka ko siya hinalikan sa pisngi.
Pagdating ko sa bahay ay nakayuko ako habang hawak ang tiyan ko at nagulat na lang ako nang makita ko si Brandon na nakatulog sa sofa ko.
"Brandon?" tanong ko at sinara ang pinto saka lumapit sa kanya.
"Why? Are you okay? Bakit ka umiiyak?" sunod sunod niyang tanong at hinawakan ang pisngi ko.
"I'm...fine" sabi ko and I tried to smile. Bigla na lang akong naduduwal kaya agad akong tumakbo sa banyo at nagsuka. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakatayo si Brandon sa harapan ko.
"Are you okay? Bakit ka naduwal?" tanong niya at umiling ako.
"May nakain lang akong ayaw ko, dun kila Mira kanina" sabi ko.
"Ahh ganun ba, eto, tubig" sabi niya at inabutan ako ng tubig kaya inom ko naman at nginitian siya.
"You should rest now, baka magkasakit ka niyan. Sa susunod huwag mong kainin ang ayaw mo ah, nakakasama yan sa kalusugan mo" sabi niya at tumango ako. Naaalala mo tuloy kung gaano kasweet si Mira at Marlon kanina kaya hindi ko napigilang mapangiti at yakapin siya.
Baby, habang nasa tiyan kita, sulitin na natin ang oras na kasama si Daddy ah kasi ikakasal na siya at magkakaroon na siya ng bagong pamilya.
Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo saka na kami pumunta sa kama. Nahiga kami roon habang yakap ang isa't isa at natulog na.
Paggising ko ay tulog pa si Brandon habang yakap ako kaya humarap ako sa kanya at hinalikan ang kanyang labi. Tumingin ako sa mga mata niyang nakapikit.
Brandon, I'm sorry kasi tinatago ko ang anak mo sayo. Ayaw ko lang kasing magulo pa ang buhay mo, I love you. Hindi ko naman pinagkakait sayo ang anak mo pero ayaw ko lang na mapahamak ka at ang baby natin. Gustong gusto kong mabuo ang family natin pero hindi talaga pwede. The risk is high. Kapag sinabi ko pa sayo ang totoo, baka baby ko na ang mawala and hindi ko yun kaya. I'm sorry, Brandon. I'm really sorry.
Agad ko namang pinunas ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi at baka makita pa ito ni Brandon at kung ano pa ang sabihin niya tungkol dito.
"Good morning..." nakangiti pero nakapikit pa rin siya habang nakahiga, "Sunshine" wika niya at mas niyakap pa ako ng mahigpit.
I chuckled. He's so cute.
"Good morning" sabi ko rin sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.
"You hungry?" tanong niya at tumango ako kaya ngumiti siya at pinisil ang ilong ko at babangon na sana siya pero hinila ko siya.
"Maya ka na magluto, gusto ko dito ka muna sa tabi ko" nagmamakaawa kong sabi kaya napangiti siya at humiga ulit sa tabi ko at niyakap.
"Of course, anything you want" sabi niya at hinalikan ang noo ko kaya ako napangiti.
Sana ganito na lang kami palagi, sana huminto muna ang oras kahit ngayon lang dahil alam kong pag bumangon na kami sa higaang ito ay mag-iiba na naman ang ikot ng aming mga mundo, mawawasak na naman ang tulay na namamagitan sa aming dalawa, at maghihiwalay na naman ang aming nga landas.
Sumandal ako sa dibdib niya habang hinahaplos ang aking buhok. Humawak ako sa kamay niya at tumingin ako sa kanya.
"Hmm?" tanon niya habang hinahaplos ang buhok ko.
"I'm sorry" sabi ko.
"For what?" tanong niya.
"Kasi iniwan kita noon" at tinatago ko sayo ang magiging anak natin.
"Don't worry about it. I will always forgive you" sabi niya at hinalikan ang aking noo kaya napangiti ako at pinagsiklop ang aming daliri.
"Is there something wrong?" tanong niya at tumingin ng diretso sa aking mga mata kaya agad naman akong umiling.
"Are you sure?" worried na tanong niya kaya tumango ako at ngumiti.
"Very sure" sabi ko habang nakangiti kaya hinalikan niya ang aking labi at kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya nag-aalala.
"Don't worry, I will always be okay" sabi ko habang nakangiti.
"I hope so" sabi niya at tinignan ang mga kamay naming magkahawak.
"Kahit anong mangyari, huwag mo akong iwan ha at huwag na huwag ka na ulit magtatago sa akin ng sikreto. Papakinggan kita and I will always understand you" sabi niya kaya kinabahan ako.
"Of course" I'm sorry, Brandon. Nagsisinungaling na ako ngayon pa lang na kasasabi mo but I don't want to take the risk. I love you, Brandon, always and forever.
"Good, I love you" sabi niya at hinalikan ang noo ko saka ako niyakap.
"I love you too, Brandon" sabi ko at niyakap ko din siya pabalik habang nakatulala dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, it's so complicated. Nahihirapan na ako and I know masasaktan siya kapag nalaman niya ang lahat ng ito and ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Bakla
RomanceSabi ng iba, ang suwete mo raw dahil mayaman, pogi, at perpekto na raw ang naging boyfriend mo. Pero hindi nila alam ang tinatago niyo, na kaya pala naging kayo para sabihin nilang lalaki siya. Mababago mo kaya siya?