Chapter 21: Party

442 20 2
                                    

Avon's POV

Pagmulat ng aking mga mata ay puting kisame agad ang bumungad sa akin at si Brandon na nakatulog sa tabi ko.

"Brandon?" mahina pa ang boses ko dahil nahihirapan pa ako.

"Veronica, you're awake" sabi niya at naluluha pa ang mga mata niyang tumingin sa akin at hinalikan ang kamay ko.

"Are you crying?" tanong ko sabay hawak sa pisngi niya.

"No, I'm fine. Pahinga ka na okay?" tanong niya sabay halik sa noo ko.

"Ilang araw na akong nakatulog?" tanong ko.

"Don't worry, iilang araw pa lang" sabi niya.

"Ilan?" tanong ko at napalunok siya.

"Three months, Veronica" sabi niya sabay yuko kaya nagulat ako sa sinabi niya.

"K-Kinasal ka na?" tanong ko at dun siya lumuha.

"Hindi pa, hinintay kitang magising pero matutuloy ang kasal" sabi niya kaya pinunas ko ang luha niya.

"Don't cry, it's okay" sabi ko.

"I'm sorry, wala na akong ibang choice para iligtas ka" sabi niya sabay halik sa kamay ko.

"Naiintindihan kita" sabi ko kaya hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Bachelor Party ko na the week after next week and you can't go okay?" tanong niya at pinagsiklop ang aming mga daliri kaya tumango na lang ako at nagpahinga.

Ilang araw akong nagstay sa hospital na nagpapahinga at inalagaan ako ni Brandon sa mga araw na iyon.

Hanggang ngayon ay assistant pa rin niya ako at mamayang gabi na yung Bachelor Party niya.

Habang nag-aayos ako sa mga gamit ay pumasok si Brandon at lumapit sa akin.

"Pupunta muna ako sa Party ko ah" sabi niya sabay halik sa noo ko kaya tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Ihatid muna pala kita ah" sabi niya kaya kinuha ko ang gamit ko at sumama na sa kanya.

Hinatid niya ako sa aking condo at hinalikan muna sa labi bago umalis at pumasok na ako agad sa condo ko.

Nagpalit na ako at agad nang humiga sa aking higaan pero iniisip ko pa rin kung kamusta na si Brandon doon. Kailangan ko munang magpahinga dahil medyo masakit pa ang sugat ko galing sa disgrasiya.

Nagising ako dahil nagring ang cellphone ko at naalala ko tuloy ang nangyari bago ako maaksidente kaya nanginginig akong sagutin ito.

"H-Hello?" tanong ko.

"Miss Veronica, paki sundo nga si Brandon dito eh lasing na lasing na. May mga pupuntahan pa kasi kami eh at lasing na yung iba" sabi ng lalaki sa kabilang linya.

"S-Sige" sabi ko at agad akong nagpalit para sunduin si Brandon sa Bachelor Party niya.

Pagdating ko sa party ay may mga nakakandong na babae sa mga lasing na lalaki at si Brandon naman ay umiinom pa rin kahit lasing na lasing na.

"Brandon?" tanong ko at lumapit ako sa kanya kaya nagulat siya at lumapit din siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at hinila niya ako palabas ng party.

"Uwi na tayo, please" pagmamakaawa ko sa kanya kaya tumango siya at sumakay sa kotse niya kaya sinundan ko siya.

"Can you drive?" tanong ko at hinawakan ko ang braso niya.

"Hindi kita kayang ipahamak" sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho siya at kinakabahan pa rin ako.

Nakarating kami sa condo ko ng maayos at pinapasok ko siya at baka may mangyari pa sa kanya kapag di pa siya nagpahinga.

"Veronica?" tanong niya habang nakaupo sa gilid ng kama kaya umupo rin ako sa tabi niya.

"Hmm?" tanong ko at hinaplos ko ang buhok niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at tumingin siya sa mata ko saka ako hinalikan kaya hinalikan ko rin siya pabalik.

"Sorry" sabi niya at hinalikan ang leeg mo.

"Saan?" tanong ko at tumingala ako.

"Kasi wala akong nagawa" sabi niya at unti unting binaba ang aking mga saplot. Hiniga niya ako sa kama at pumaibabaw siya sa akin habang hinahalikan ako.

Hindi na ako nakapagsalita dahil tuloy tuloy na ang ginawa niya at hindi ko na alam ang gagawin ko kaya sinabayan ko na lang siya.

Paggising ko ay may kumot na ako at wala na akong saplot habang yakap ako ni Brandon.

Something happened, I know.

Humarap ako kay Brandon at hinalikan ang pisngi niya habang natutulog siya.

Nagulat ako nang imulat niya ang mata niya nang halikan ko siya.

"I'm sorry, hindi pala dapat nangyari ito" sabi ko at umupo ako saka nilayuan siya.

"Why?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

"Ikakasal ka na, Brandon" sabi ko at nagbuntong hininga siya.

"Kahit ikakasal na ako, ikaw pa rin ang mahal ko kaya hindi mali ang nangyari sa atin" sabi niya at umupo din siya para yakapin ako.

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan niya ang ulo ko saka hinaplos ang likod ko.

"Matatapos din ito, okay?" tanong niya kaya tumango ako at sumandal sa dibdib niya habang hawak ang kamay niya.

"Gutom ka na ba?" tanong niya at tumingin siya sa akin kaya tumango ako at ngumiti.

"Okay, magluluto ako ng breakfast" sabi niya at pinulot niya ang damit naming dalawa at sinuot niya ito kaya sinuot ko na rin ang damit ko.

Pumunta siya sa kusina at naiwan naman ako sa kuwarto. Biglang nagring ang cellphone niya kaya sinagot ko ito.

"Hello?" tanong ko.

"Veronica?" gulat na tanong ni Venice.

"Venice, hinatid ko lang si Brandon kagabi at inalagaan ko rin siya kasi lasing na lasing siya" sabi ko at kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

"Ahh okay, nasaan na siya?" tanong niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Tulog pa siya, aalis na rin ako maya maya kapag gising na siya" sabi ko.

"Yeah, sure. Bye" sabi niya at binaba agad ang telepono. Nagbuntong hininga na lang ako.

Ayaw ko na ng gulo kaya hindi dapat malaman ni Venice na may nangyari sa amin ni Brandon.

Itatago na lang naman ito hanggang kaya namin dahil sa paningin ng ibang tao ay mali ang ginawa namin at nangyari sa amin.

"Are you okay, Veronica?" tanong ni Brandon at umupo siya tabi ko kaya tumango na lang ako at sinundan na siya sa kusina.

Ang Boyfriend Kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon