Aurora's POV
Nang makarating na kami ay wala muna akonh ganang lumabas ng kotse kaya hinayaan niya ako roon at nauna na siya.
Sumunod ako sa kanya at papasok na sana ako pero may narinig ako.
"Nandito na pala yung bading nating classmate!" sigaw ng isang lalaki sabay halakhak kaya sumilip ako.
Nakita kong nakaakbay yung lalaki kay Brandon samantalang si Brandon ay nakapamulsa lamang.
"Get off me" seryosong tono ang narinig ko kay Brandon at tawa lang ang sinagot sa kanya ng lalaki.
"Kailan lang noong crush mo ako noh" sabi nung lalaki sabay halakhak at natahimik si Brandon kaya pumunta ako sa kanya at yumakap sa kanyang braso.
Napatingin siya sa akin at nginitian ko lang siya. Agad namang bumitaw ang lalaki at napatingin sa amin na may halong pagtataka.
Pero ilang saglit lang ay natawa na naman siya.
"Oh, may beshie ka na naman ba Brandon? Ang ganda naman ng beshie mo" sabi niya sabay halakhak at magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Brandon.
"She's not my friend" seryosong sabi ni Brandon kaya napatingin ako sa kanya.
"Cousin? Or customer sa salon?" sabi niya sabay halakhak at ang mga kasama namin ay tahimik lang habang pinapanood kami.
"You really want to know who she is?" may halong pang-inis ang boses ni Brandon sabay tingin sa lalaki.
"Well, past is past, Kevin" sabi ni Brandon sabay halik sa aking mga labi. Nakita ko naman kung paano silang lahat magulat.
"She's my girlfriend" sabi niya sabay ngisi at hinawakan ang aking mga kamay kaya napatingin ako sa lalaki.
"No way, a gay?" sabi niya sabay tawa at may babae namang pumaharap para sumbatan yung lalaki.
"Everyone changes" sabi nung babae na pumaharap at nagsilapitan lahat ng babae kay Brandon.
"Lahat nagbabago, you're the campus heartthrob then but now... it's Brandon. You know actually, mas pogi si Brandon kaysa sayo at mas mabait pa. Kaya pala wala kang jowa" sabi nung babae at lahat na ay nagsitawanan.
Napatingin ako kay Brandon at ngumiti siya sa akin. Hinalikan niya ang aking noo at lahat kami ay umupo na sa mga table namin.
Nakita ko ang sobrang pagkainis ng lalaki dahil sa kahihiyan na nangyari sa kanya kanina.
"Wait here, may kakausapin lang ako" sabi ni Brandon at napatango ako saka na siya umalis. Ngayon naiwan akong mag-isa dito sa table namin.
Lumapit naman sa akin yung lalaking napahiya kanina at umupo siya sa tabi ko.
"Hi, I'm Kevin Uchica, nice to meet you" sabi niya sabay lahad ng kamay sa akin.
"Aurora Lisbon" sabi ko sabay tango at nakipagkamay din sa kanya.
"So...kailan pa kayo ni Brandon?" tanong niya sabay akbay sa akin kaya napatingin ako sa kanyang mga kamay.
"Kailan lang" sabi ko at bahagya akong lumayo sa kanya pero nilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Got a problem?" isang malamig na tono ang narinig ko mula sa akin likuran kaya napatingin ako roon.
"Nothing, Brandon. I'm just having fun...with your girlfriend" he stare at my body while showing evil smile on his lips.
"You sure?" seryosong tanong ni Brandon.
"Yeah, nevermind" sabi ni Kevin sabay kibit balikat at umalis na kaya umupo na si Brandon sa tabi ko.
"Let's go home" sabi niya.
"How..." sabi ko sabay turo sa kanila.
"Nevermind, I just you to be safe" sabi niya at nagpaalam na siya sa mga kaklase niya kaya umuwi na kami.
Pagdating namin sa bahay ay agad siyang nagpalit at binuksan ang kanyang laptop.
"May gagawin ka?" tanong ko at umupo ako sa tabi niya.
"May kailangan ka ba?" tanong niya.
"Wala naman" sabi ko at tumango siya.
"Just tell me if you need something okay?" tanong niya at hinalikan ako sa noo kaya tumango na lang ako.
Pumunta ako sa kuwarto at nanood na lang ng TV dahil wala naman akong magawa. He's busy right now.
Pumunta ako sa balkonahe at tumingin sa view nito.
This is a job right? Pero pakiramdam ko totoo. No, you can't, I can't fall in love because after they believe that he is a real man, this will stop.
Kapag tapos ko na ang trabaho ko. Iiwan ko na siya. He can find someone better than me. I'm not the for him.
Kung maiinlove man ako, it's better na itago ko na lang kasi trabaho lang lahat ng ito. Walang totoo.
Minsan yun ang mahirap tanggapin. Na gusto mo siyang makasama ngunit hindi pwede kasi lahat ay walang katotohanan.
Pinagtagpo pero di tinadhana nga naman kumbaga, mahirap yun, yung tipong akala mo siya na pero sa huli, hindi naman pala. It hurts.
Siguro pagkatapos kong mag-aral, bubuhayin ko na sarili ko. Di na ako babalik kina Daddy and I will leave Brandon.
Nagulat na lang ako nang biglang may yumakap sa akin mula sa akin likuran at hinalikan niya ang aking batok.
"Ano na namang iniisip mo?" tanong ni Brandon at pinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Wala wala" sabi ko.
"Can I ask a favor?" tanong niya sabay hawak sa aking kamay at pinagsiklop ang aming mga daliri.
"Hmm? What is it?" tanong ko at tumingin ako sa kanya.
"Stay with me...okay?" tanong niya kaya napatingin na lang ulit ako sa view.
"Okay..." hindi ko sasabihin sa kanya na pagkatapos nito ay aalis na ako dahil ayaw kong pigilan niya ako.
Minsan kasi kung ayaw mo nang magparamdam sa tao o aalis ka na, please don't tell them. Kasi alam mong pipigilan ka nila at hindi mo na iyon maitutuloy.
Nobody can change my descision.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Bakla
RomanceSabi ng iba, ang suwete mo raw dahil mayaman, pogi, at perpekto na raw ang naging boyfriend mo. Pero hindi nila alam ang tinatago niyo, na kaya pala naging kayo para sabihin nilang lalaki siya. Mababago mo kaya siya?