Chapter 01

9.9K 139 0
                                    

Nakakunot ang noong niyuko ni Jema ang pagkain ng anak. Ang walang kamatayang Spaghetti,breaded chicken at French fries ng McDonalds. Iyon ang mga paborito ng kanyang anak. Pero sa pagkakataong iyon ay halos hindi nito nagalaw ang pagkain. May umaagaw ng atensiyon nito.
Sinundan niya ng tingin ang tinititigan nito. Sa ikatlong mesa mula sa kanila ay may dalawang batang lalaking halos kasing edad ng anak ang mas maliit at marahil ay anim na taong gulang naman ang mas matanda.
Humahagikgik ng tawa ang bunso habang nilalaro ang French fries at isinusubong pilit sa ama na nakatawa sa pagitan ng pagsaway sa anak.
Jema signed" Humigit kumulang ay nahuhulaan na niya kung ano ang nasa isip at damdamin ng anak. At hindi pa man lang niya nailalabas lahat ng hininga ay bumaling na ito sa kanya.
" I wish Daddy were here," malungkot na sabi ng mag-aapat na taong gulang na bata,dinampot ang french fries at idinutdot sa mayonaise.
Muling naglabas ng malalim na hininga si Jema .
(Sinikap na ngumiti) " Oh, he'd be here soon."
(RJ grimaced.Lalong pinakadutdut-dutdot ang fries sa mayonaise hanggang sa malupaypay iyon."You always say that that. I know Daddy' not coming home anymore."
"Your father won't miss your birthday RJ. masiglang sabi niya bagaman sa kaloob-looban ay hindi niya matiyak kung dapat niyang ikatuwa na magbabakasyon si Dean mula sa trabaho nito sa Bahrain bilang chief engineer.
Ni hindi nagbago ang anyo ng bata binalingan ang styrofoam ng spaghetti at iyon naman ang pinaglaruan.
" He won't come." natitiyak nitong sagot." Hindi siya dumating noong mga nakaraang birthday ko. Besides more than one month pa bago ang birthday ko."
Ang hikbing nasa tinig nito sa mga mata nito habang nakatitig sa dalawang bata ay pumiga sa puso ni Jema.
"Your Daddy cares RJ. Hindi bat tuwing birthday mo ay may tinatanggap kang regalo mula sa kanya ?
Hindi nito pinansin ang sinabi niya." Ang mga messages ba sa internet ay galing talaga kay Daddy Mom ??

STAY WITH ME Where stories live. Discover now