Nasa Enchanted kindom sila at nakangiting pinapanood ni Jema ang pagpapasakay ni Dean kina RJ at sa classmate nitong si Mark sa ferris wheel. Nang magsimula nang tumaas ang ferris wheel ay lumakad pabalik si Dean sa kinaroroonan niya."Napakaraming tanong ni Mark." wika nito nang makalapit. Naupo ito sa tabi niya sa sementong upuan.
She grinned.
"Siya ang nangangatiyaw kay RJ na daddy pretend lang mayroon ang anak mo. Kaya labis-labis ang katuwaan ni RJ nang umuwi ka. Nakita mo at ang unang ginawa ay ang ipakilala ka kay Mark at sa ibang classmates niya.Dean's eyes travelled lightly over the face.
" ikaw natutuwa ka bang umuwi ako.?""May mga sitwasyon na kailangan ang presensiya mo." paiwas niyang sagot.
"Tulad na lang ng nabanggit ko, kailangan ka ni RJ.""Oh yeah? It's nice to be useful."
The sarcasm that laced his voice didn't miss her. Pero hindi niya pinansin iyon. Ibinaling niya ang tingin sa kanan at noon lang niya napunang nakatingin kay Dean ang dalawang teenager na babae at kinikilig na nagbubulungan at nagsisikuhan.
"Para saan iyang mga ngiting iyan.?" tanong ni Dean nang mapunang nakangiti siya.
Lumapad ang ngiti niya at ibinalik ang pansin dito.
"Oh, iyong dalawang teenager sa kanan mga nagpapapansin sayo kanina pa. They must have thought you are so handsome.""Ano ang palagay mo.?"
Kunwa'y sinuri niya ng titig ang mukha nito.
"Siguro. Thought you're a bit too arrogant to be truly handsome."Dean laughed. Kasabay niyon ay ikinawit sa baywang niya ang kamay nito.
"Jessica Margarret Galanza Wong, you're flirting with me." he accused."Hindi ah."
Dean smiled at her knowingly.
"Supposing i felt in love with you, ano ang gagawin mo.?" he asked out of the blue. Ikinagulat ni Jema ang tanong.
"Huwag kang matakot." He mocked.
"I didn't say i was, ipinpalagay ko lang na nainlove ako sayo."Agad niyang ibinaling sa iba ang mga mata. Her heart palpitated at the overpowering thought.
"Hindi ko naiisip ang bagay na iyan, kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." anas niya."Bakit hindi? Hindi ka mahirap mahalin maayos ang pagsasama natin nitong nakalipas na ilang linggo. Alam ko rin na isa kang mahusay na ina. You have a decidedly old fashioned outlook on things which i admire and respect at nakikita kong taglay mo ang mga katangiang gusto ko sa isang asawa. A real wife, i'm talking about."
"Now, you're the one who's flirting with me." she teased, subalit may palagay siyang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya sa kabang nararamdaman.
"Yeah." dean agreed,smiling.
"Alam mo bang final na ang desisyon kong huwag nang bumalik sa bahrain? Sinabi ko na sa Papa na nakahanda na akong pamahalaan ang kompanya. Sa opisina nitong mga huling araw ay gusto kong umuwi nang maaga dahil may maganda akong asawa na sasalubong sa akin. Kanina habang pinapanood ko si RJ, naisip kong mabuti marahil kung magkakaroon siya ng kapatid na lalaki...o kaya ay babae." his breath was stirring her hair with a devastating effect on her senses."H-hindi ko gustong pakinggan ang mga sinasabi mo Dean." she said weakly, bahagyang inilayo ang sarili rito.
"Why Jema? Mahirap pa rin ba sa iyong pag-aralang mahalin ako sa kabila ng mahusay nating relasyon.?"
YOU ARE READING
STAY WITH ME
RomanceJedean story po ito😄 Lalake po dito si deanna .. Rolf Dean Wong / Dean Jessica Margarett Galanza / Jema