Chapter 18

2.6K 86 9
                                    

        Ilang segundo pa'y nasa harap na niya uli si Dean. Natitig ito sa kanya at pagkatapos ay bumaba ang mga mata sa sakong na hawak niya.
"Nasaktan ka ba.?"

"My pride, Yes." she attempted a smile. Napuna niya ang hawak nitong mahabang balumbon na  kartolina.
"Ano iyan.?"

Naupo ito sa tabi niya. Inilatag sa kama ang hawak.
"Tingnan mo."

"Blueprint ng bahay.?"

"Yes. At hindi lang basta bahay Jema." he looked at her and smiled.
"It's our home. Sinira ni Avery ang surprise ko sayo."  naiiling nitong sabi.

"A-ano ang ibig mong sabihin "our home".?" Jema breathed.

"Hindi ka ba napapagod na nakatira sa mga magulang ko?  Hindi mo ba gustong magkaroon ng sariling tahanan? Yung magagawa mo ang gusto mong ayos at dekorasyon.?"

"Gusto ko pero..." pag-aalinlangan niya. Nanlaki ang mga mata sa ipinahihiwatig ni Dean.

He smiled.
"Kung ganoon, sabihin mo sakin kung ano ang opinyon mo sa layout na ito. Baka may gusto kang baguhin."

Jema was speechless. She was looking at the layout. Itinuro ni Dean ang lokasyon ng sala, kusina, mga silid at bathroom. Gayundin kung saan nakalagay ang mga kasangkapan. Mga kasangkapang siya ang pipili ayon dito. Silang dalawa. Even RJ would  have a choice.

"It's a three bedroom house darling. Pero may nakalaang espasyo para sa extension kung lalaki ang pamilya natin. Nagustuhan mo ba.?"

"M-maganda." usal niya, nakatitig sa blueprint. Gusto niyang magpadala sa pangarap. Libre naman  ang mangarap di ba?  Nagsikip ang lalamunan niya sa pagpipigil na pag-iyak.

"Jema why.?" iniangat ni Dean ang mukha niya at tumingin sa nababagabag niyang mukha.
"Don't you think it's about time we have some privacy in our marriage.?"

Tinitigan niya si Dean, she looked into his ruggedly handsome face, knowing how very much she loved him.
"Oh, Dean." she moaned helplessly.

Agad siyang niyakap nito. His mouth passionately raining kisses  over her face, na tila ba lahat ng  bahagi ng mukha niya ay mahalaga rito. Her heart pounded wildly against her ribs at his touch.

"Kiss me Dean."

"Jema." he groaned. His eyes glittered on her parted lips.
"I want more than kisses from you."

From her mouth, Dean's eyes moved to hers. Hinahanap doon ang kasagutan sa nais nitong mangyari. Kung gugustuhin nitong angkinin siya sa mga sandaling  iyon ay magagawa nito. Subalit binibigyan siya nito ng pagkakataong magpasya. And fear sliced through her heart.

"Huwag kang matakot Jema." his mouth moved over her hair.
"It isn't just a sexual desire i feel, although heaven knows i want you so desperately."

"Oh, Dean.!" she cried achingly. It was not his touch that she feared, but his anger. At ang posibilidad na mawawala si RJ sa kanya.

"Hush Darling." anas nito, hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Dean---"

"Don't talk and listen. I love you. Hindi ko matiyak, pero marahil ay talagang mahal na kita. Perhaps the moment i first saw you that enchanted night...five years ago. Ang tanging alam ko'y iniibig kita ngayon. More deeply than i thought i was capable of  feeling."

A moan of intense longing escaped her lips as she sagged weakly against him, knowing her own love was as strong as his. She wished she could have this moment for an  eternity.

STAY WITH ME Where stories live. Discover now