AN: Kayo na po bahalang umintindi Sa kagustuhan kong makapag UD agad hindi ko na po iniEdit 😂😂😂✌✌✌✌
dahil masakit sa daliri magtype at sa Phone pa .. Kaya minsan lang ako mag UD pero promise tatapusin ko to..Enjoy lang guys😅😅
>>>>>>
Sinamantala ni Jema ang pananabik ng tatlo sa isa't isa para makaalis sa biglang nagsisikip na pantry. Tila wala siya roon kung magusap ang tatlo, bagaman taglay niya ang pangalang Wong ay alam niyang hindi siya nabibilang sa pamilya kaya lang siya tumatagal doon ay dahil sa anak niya.
Tuluy-tuloy siya sa silid ni RJ sa itaas. Nang mailapat niya ang pinto ay agad niyang tinungo ang kama ng anak at pinagmasdan ang natutulog na bata. Pagkuwa'y naupo sa gilid ng kama at banayad na hinaplos ang buhok nito."Your father's home RJ." pabulong niyang usal.
Nababagabag na pinuno ng hangin ang dibdib. Hindi kayang bayaran ng kahit na anong materyal na bagay ang magiging katuwaan ni RJ sa pagdating ng ama nito. Pero siya'y hindi nakatitiyak sa mangyayari sa kanya sa muli nilang pagkikita ni Dean.Makalipas ang ilang sandali, sa walang lakas ng mga tuhod at tumayo siya at tinungo ang adjacent door patungo sa silid niya. Maingat niyang isinara ang pinto pagkatapos lumakad siya patungo sa tokador at tinitigan ang repleksiyon niya sa salamin. Her face was flushed. Hindi nya matiyak lung galing iyon sa kaba o mula sa ginawang paghalik ni Dean sa kanya. Sa kaunting panahong magkasama sila mula nang ikasal sila'y wala siyang natatandaang hinagkan siya nito maliban sa obligatory kiss matapos ang civil wedding nila.
Umiling siya. No! Walang epekto sa kanya ang ginawa nitong paghalik. Halik na hindi naman matatawag na Halik. It was more of a punishment. A humiliation, but the second kiss was different. Maybe, but he wanted to stress a point that he was a better kisser than dave.Ang pakikipag-usap niya sa sariling isipan ay nahinto nang biglang bumukas ang pinto ng silid niya at sumungaw ang laman ng isip niya napahawak siya sa gilid ng tokador.
"W-what are you doing here.?". nahagip ng paningin niya ang malaking maleta sa labas ng pinto bago nito muling isinara iyon.
umangat ang kilay nito.
" This is the master bedroom, saan mo ako gustong tumuloy.?"
Wala sa loob na hinayon ng tingin niya ang adjacent room, sa unang linggo ng kanilang pagsasama'y doon natutulog si Dean lingid sa kaalaman ng lahat."You don't expect me to sleep in RJ's room now Jema, do you.?'
Tama ito. May isip na ang anak nila at pagtatakhan ng bata kung bakit sa silid nito matutulog si Dean.
" N-no. Of course not." dinampot niya ang brush at nagbrush ng buhok. Sinisikap niyang maging kalma. He was taunting her, natitiyak niya iyon lalo at nakikita nito ang pagkailang niya. For pete's sake, saan ito matutulog? Totong maraming silid ang mansiyon pero paano nila ipaliliwanag sa lahat na matutulog si Dean sa ibang silid.
"So.?". muli nitong sabi sa nanunuyang tinig.
" Do you have any idea as to how we settle this sleeping problem.?"She felt stupid. Hinayon ng tingin ang king-sized bed mula sa salamin hindi niya kayang isiping matutulog sila roong magkasama ni Dean. Thet never did.
Inilipat niya ang paningin sa couch. "You...take the bed. I'll sleep on the couch."Dean sighed irritably. "Ikaw na sa kama, wala akong balak sirain ang nakasanayan mo na."
"It's all right Dean." aniya sa tinig na hindi niya inaasahang may himig ng konsiderasyon. "You're a big man, hindi ka kakasya sa couch.
YOU ARE READING
STAY WITH ME
RomanceJedean story po ito😄 Lalake po dito si deanna .. Rolf Dean Wong / Dean Jessica Margarett Galanza / Jema