Chapter 06

3.7K 82 2
                                    

"ANG GANDA mo naman ngayon, Mommy." papuri ni RJ, nakatingala sa kanya habang inaayos niya ang sarili sa body sized mirror.
"Why, thank you honey. Pero ngayon lang ba maganda si Mommy.?"
"Always, and i wish Daddy were here so he can see you."
Napawi ang ngiti sa mga labi niya. Gumuhit sa isip ang anyo ni Dean. Ang anyong natatandaan niya bago ito nagtungo ng bahrain. Tall, broad-shouldered and very attractive in a rugged way. Sa loob ng dalawang buwang pagsasama nila'y ni hindi niya ito nakitaang nagsuot ng pormal na damit.
Dean was always comfortable in denims, shirt and mocassins. Ayon dito'y mas madaling magtungo sa equipment yard ng kompanya at pumanhik sa malalaking heavy equipment sa ganoong suot.

Hindi tulad ni Raphael na hanggang magbinata'y ako ang namimili ng mga isinusuot, si Dean ay may sariling pagpapasya sa mga bagay-bagay. naging komento ni Mrs.Wong nang sundan ng tingin si Dean na pasakay sa kotse nito. Nakamaong na pantalon at puting long- sleeved ito at dadalo sa board meeting ng kompanya.
At wala ring natatandaan si Jema na nginitian siya ni Dean magmula nang masilayan siya nitong nakaupo sa mahabang sofa sa ibaba at kausap ang papa nito habang si Mrs.Wong ay karga ang saggol.
RJ was very wrong. Kung naroroon si Dean sa sandaling iyon ay natitiyak niyang ni hindi siya nito tatapunan ng tingin. He hated her just as much as she hated him.

Tumingin siyang muli sa salamin. Simple lang naman ang tabas ng damit niya, a body hugging powder blue dress,sleevless,squared neckline and just a couple of inches below the knee. Simple subalit elegante at tamang-tama sa semi formal na okasyon iyon.
"May i come down to the party Mom please.?" pakiusap ni RJ.
She signed. Naupo sa gilid ng kama at sinuklay ng mga daliri ang malambot na buhok ng anak. He smelled of lavander soap his yaya used in his bath.
"It's a grown-up party RJ. You wouldn't like it." nang makita niyang lumungkot ang mukha ng anak ay agad na dinugtungan ang sinabi. "O,okay sasabihin ko sa Yaya Ana mo na dalhan ka ng tray of cookies bago ka matulog."
Biglang umaliwalas ang mukha nito. "And wine.?" he asked eagerly. "Mark' mother lets him have a shot of wine every night. His mom said its good for him."
Jema rolled his eyes. Si mark ay classmate nito sa prep school at natitiyak niyang eksaherado ang pagkakakwentong iyon. "Orange juice and no argument."
He wrinkled his nose. "Okay, but add some chocolate eclair Mom."
"Sige na nga, but be sure to brush your teeth afterwards."
"Promise." tumalon na ito mula sa kama at tinungo ang nakabukas na adjacent door patungo sa silid nito.
Smiling, she shook her head. Tumayo siya at bumalik patungo sa tokador at dinampot pabango at nag-spray sa mga pulse points. Pagkatapos ay lumabas na ng silid at bumaba.
Sa kusina ay kinausap niya ang yaya ng anak at ibinilin ang ipapanhik sa silid ni RJ. Pagkatapos ay muli ring lumabas. Sa entrada ng lanai ay natanawan niya ang pagdating ni dave kasama ang kapatid nitong si Avery. Sinalubong niya ang mga ito.
"Hindi pa naman kami late, diba.?" nakangiting sabi ni dave.
"Nagsisimula palang ang party."
sinulyapan niya si Avery. "Hello Avery."
"Hi." Inikot nito ang tingin sa buong paligid. Napangiwi ito nang mapunang puro may mga edad na ang karamihan sa mga bisita. Pinigil ni Jema ang matawa..
"Naninibago ako sa kasayahan ngayong gabi." aniya. Sinulyapan ang mga biyenan na kausap ang ilan sa mga bisita. "Mula nang dumating ako rito'y wala kahit na isang salu-salo ang ginanap. Kahit ang mga nakaraang birthday ni RJ ay sa labas ginaganap."
"Dating laging may party sa bahay na ito Jema, katunayan sa mga okasyon sa opisina ay si Mrs.Wong ang nangunguna sa pangangasiwa. Pero magmula nang mamatay si Raphael ay nagbago ang lahat. Ang pagdating ni RJ sa buhay ng dalawang matanda ang tumulong upang tuluyang makalimot si Mrs.Wong."
"I know." she said softly. Kahit mabanggit man lang ang pangalan ng namayapang anak ay hindi binabanggit sa mansyon ni wala itong larawan sa sala. Matindi ang pamimighati ni Mrs.Wong sa pagkawala ng bunsong anak.
Lumakad si dave patungo sa bar sa dulong bahagi ng sala at nagsalin ng champagne sa dalawang tall goblets. Sumunod siya rito nang manatili itong nakatayo sa tabi ng bar counter ibinigay nito ang isa sa kanya. At nang abutin niya'y sadya nitong hinawakan ang kamay niya at hindi binitawan.
May ilang sandaling napigil ni Jema ang hininga. She was a woman and dave was very attractive man. Hindi niya magawang iiwas ang mga mata sa pagkakatitig nito.
"You're incredibly beautiful." dave whispered.
"Please dave, don't say anything." usal niya.
Dinala ni dave sa mga labi nito ang kamay niya at dinampian ng halik. Guiltily,napalingon siya sa may pinto at nahuli niya ang makahulugang tinging ipinukol ni Avery sa kanila bago ito tuluyang humakbang palabas ng lanai.
Naiilang na sinulyapan ni Jema ang ilang bisitang nasa ibang bahagi ng bahay. Nakahinga siya nang maluwag nang mapunang wala sa kanila ang pansin ng mga iyon. Binawi niya ang kamay mula may dave. She took a few swallows of her champagne.
"Have dinner with me next week Jema." may mukhang pagsusumamo iyon kaysa kahilingan. "Kahit saan mo gusto."
Lamayo siya nang kaunti mula dito. "Hindi maaari dave." she said weakly,shaking her head.
"Nagkamali ba ako.?" Dave asked grimly. "Aren't you attracted to me.?"
The smile she gave him was without humor. " Sinong babae ang hindi maaakit sayo? You're a very handsome man and unmarried. And if it's what you want to hear, i find you very attractive.
"I hate the patronizing tone Jema." Inubos nito ang laman goblet at pabagsak na ibinaba sa bar counter. Pagkatapos ay hiniharap siya at hinawakan sa braso." Ano ang dahilan at nanatili kang naririto sa mansyon at asawa ng isang lalaking sa loob ng tatlong taong mahigit ay dalawang buwan mo lang nakasama.?" He demanded harshly.
"Kailangan bang may dahilang manatili ako sa mansyon ng pamilya ng asawa ko.?" una niyang nakilala si dave ilang buwan matapos makaalis si Dean patungong Middle East nang papuntahin ito ng biyenan sa mansyon .
Dave was very handsome man. At hindi niya maitatangging naaakit siya rito tulad ng inamin niya or perhaps she was just lonely at binibigyan siya nito ng atensyong higit pa kaysa sa pakikipagkaibigan lamang. Pero wala siyang balak dagdagan ng isa pang problema ang buhay niya.
"Hindi kayo naging mag-asawa ni Dean sa tunay na kahulugan Jema pareho nating alam na ang nangyari sa inyo ay isang one-night fling na tuluyan nang nawala sa isil ni Dean. Ang pagsulpot ni RJ sa mundong ito'y hindi sinasadya.
"It is none of your business." Sagot naman niya.
"Not even if i want to make it mine.?"
Hindi siya sumagot sa mahabang sandali'y nanatili siyang nakatayo roon, naktitig sa kopita ng alak na hawak niya. She was figuratively alone without anyone but herself to lean on.
"Kailangan ni RJ ng ama Jema, hindi niya kailangan ng amang sa pangalan lang umiiral."
"E-excuse me. Kailangan kong puntahan si RJ sa labas." nagmamadali siyang lumayo rito,suddenly afraid she would give in to the temptation dangling so tantalizing in front of her.
Nakasalubong niya si Mrs.Wong sa may pinto.
"Kailangan pa namin ng paper napkins Jema. Nasaan ba ang dalawang katulong at hindi n nakabalik.?"
"Ako na ang kukuha Mama." Prisinta niya.
"Thank you. Kung nasa kusina sina Emma at Gaying ay palabasin mo sa lawn." pagkasabi nito'y tumalikod na ang matandang babae pabalik sa labas. Bumalik siya sa kusina at dumiretso sa pantry at kumuha roon ng dalawang plastic ng paper napkins. Nagulat pa siya nang sa pagharap niya'y makitang nasa likuran niya si Dave na hindi niya namalayang sumunod...

STAY WITH ME Where stories live. Discover now