Chapter 17

2.4K 80 2
                                    

Narinig ni Jema ang pagpasok ng sasakyan ni Dean.
Pinigil niya ang sariling salubungin ito sa labas at komprontahin tungkol sa affair nito kay Avery. Nanatili siyang nakatayo malapit sa grand piano at ipinagsalikop sa sibdib ang mga braso.
Ilang minuto pa ay nasa loob na ng bahay si Dean.

"Hi." nakangiting bati nito.

"Hindi ko inaasahan na maaga kang uuwi." She murmured.

He grinned. Humakbang palapit.
"Sinadya kong umuwi nang maaga. Pinilit ko ang mama na mag-shopping sila ni RJ para naman masolo ko ang asawa ko." yumuko ito upang hagkan siya subalit marahas siyang umiwas sa pagsasalubong ng mga kilay nito.

"Ano'ng sinabi niya.?" his tone of voice sounded curious but indifferent.

"Hinahanap ka niya." Jema was glad he didn't try to look surprised. In fact she found malicious pleasure in the grimness of his expression.

"Sinabi ba niya kung bakit.?"

"Nag-iwan siya ng mensahe. Sabihin ko raw sayo na magkikita kayo sa Club Filipino sa friday ng alas-dos at sinabi rin niya na tiningnan niya iyong property na gusto mong bilhin. Sinabi rin niya na magkasama kayong titingin ng iba pang property dahil hindi maaari ang napili mo." bawat salitang binigkas niya ay mariin at hantarang nagpapakita ng galit.

The muscle on his jaw twitched.
"Balak kong sabihin sayo ang bagay na iyan ngayong hapon."

"Puwes, hindi mo na kailangang sabihin." she mocked sweetly.
"Dahil alam ko na di ba.?"

"Ang alam mo lang ay iyong sinabi ni Avery sayo at sa nakikita ko'y may nabuo ka nang maling konklusyon." he snapped.

"Oh, spare me the explanations.!" Jema cried angrily.
"Alam kong kaya mong paikutin ang lahat para masabing wala kang ginagawang masama."

"Totoong wala Jema not the way you mean." Dean bit out, unti-unting humuhulagpos ang pinipigil na galit.
"How terribly self righteous you must have felt that day you saw me with Dave! Ang sabi mo'y hindi mo kinukunsinti na pinagsisinungalingan ka.!" mapakla siyang tumawa.
"Nang araw na iyon ay sinabi ni Dave na nakikipagkita ka kay Avery. Hindi ko pinaniwalaan iyon. Tinanggap ko ang mga sinabi mong sisikapin nating maging maayos ang pagsasama natin. I should have remembered how worthless your word was.!"

Marahas na nagmura si Dean at sa isang iglap ay nakhawak na ito sa braso niya.
"Damn it, listen to me.!"

Subalit maagap si Jema at agad na napakawalan ang sarili mula rito.
"Matagal na akong nakinig sa mga kasinungalingan mo.!"

"You're doing the very same thing i did. Inaakusaha mo na ako kaagad nang hindi man lang naririnig ang paliwanag ko.!" his tall form loomed near her, formidable in his fury.

"How gullible i must seem to you.!" Nag-init ang sulok ng mga mata niya.
"Ilang beses akong naniwala sa mga sinasabi mo. And every time you've made a fool of me. At gusto mong paniwalaan kitang muli habang humahabi ka ng kasinungalingan tungkol sa relasyon ninyo ni Avery."

Nang akmang magsasalita si Dean ay iwasiwas niya ang mga kamay.

"Don't say anything dahil kahit minsan ay hindi mo sinabi sa aking hindi ka na nakikipagkita kay Avery. Bale wala ang anumang sasabihin mo ngayong alam ko na ang totoo."

"Pero hindi mo alam ang totoo! Hindi mo gustong pakinggan kung ano ang totoo.!"

Magkasabay pa silang napitlag nang biglang tumunog ang telepono. Hindi iyon pinansin ni Dean.

"Sagutin mo." she said contemptuously.
"Ang sabi ni Avery ay tatawag siya."

Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Dean bago ito lumakad patungo sa kinalalagyan ng telepono.

Nang tumalikod ito'y gustong kumawala ng mga luha niya. The pain in her heart was unbearable. Dahil nabawasan ang galit ay tila nawalan siya ng lakas ng napasandal sa piano.

Nagulat pa siya nang marinig ang tinig ni Dean.
"Lumapit ka rito." utos nito. Subalit hindi niya ito nilingon.
"Lalapit ka ba o kailangan pang hilahin kita patungo rito.?"

Ipinahihiwatig ng tinig nito na hindi imposibleng gawin nito iyon. She aquared her shoulders and walked towards him. Itinaas nito sa tainga ang hawak na telepono kasabay ng pagabot sa braso niya at hinila siya palapit.

"Papa pakiulit mo ang sinabi mo sa akin." pagkatapos ay itinapat ni Dean ang telepono sa tainga ni Jema.

"Ulitin? May problema ba ang linya natin.?" tanong ng Papa niya na nagtatakang tinig. Jema grimaced.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi kong ang meeting ng mga executives ay hindi na sa friday kundi sa Sabado na hindi nabago ang oras alas-dos pa rin ng hapon. It's a yearly informal meeting with the wives invited Dean. Ipaalam mo kay Jema para makapaghanda siya."

Ang tensiyon na nararamdaman ni Jema ay tila tubig na umagos palabas sa katawan niya sa pagkaalam na mali ang akusasyon niya. She could feel his hard gaze studying her. Akma sanang aalisin na ni Dean sa tainga niya ang telepono nang marinig na nagsasalita pa sa kabilang linya.

"Siya nga pala dean. Nagiwan nga pala si Avery ng listahan ng mga property na pagpipilian. May golf ako bukas at malamang na hapon na ang dating ko sa office. Hingin mo sa sekretarya ko ang listahan. Pareho ninyong pag-aralan ni Jema."

Ni hindi namalayan ni Jema kung kailan naibalik ni Dean sa cradle nito ang telepono. Hindi niya makuhang kumilos sa mga narinig. Her eyes were filled with shock and pain as she stared into Dean's grim face.
"I'm...sorry." she whispered. Nagmamadali siyang umatras palayo rito at tumakbo patungo sa hagdanan. Kung maaari lang ay maglaho siya sa kahihiyaan. Dapat ay pinakinggan niya ang paliwanag nito.

"Jema.!" hinabol siya nito.

Hindi niya makuhang lumingon at harapin amg asawa. Tuluy-tuloy siyang pumanhik. Dahil sa kaba at takot at dahil sa mga matang natatakpan ng luha ay nawalan siya ng balanse sa paghakbang sa baitang. Kung hindi sa maagap na mga braso ni Dean ay tuluyan siyang mahuhulog.

"Are you all right.?" Hindi nito hinintay ang sagot niya at binuhat siya papanhik sa silid niya. Inilapag siya nito paupo sa gilig ng kama.

"I'm sorry Dean." Bulong niya, still unable to meet his eyes.

Dean smiled faintly. Hindi siya tumutol nang yumuko ito at hagkan siya sa mga labi. Sandali lang ang halik na iyon at agad din siyang pinakawalan..
"You're forgiven." usal nito. Tumuwid ito at nagbuntong-hininga.
"May kukunin lang ako sa ibaba. Huwag kang tatayo, babalik ako kaagad." tumalikod ito at lumabas ng silid.

Hinaplos ni Jema ang sakong na sumasakit. Gugustuhin niya pang ma-sprain nang maraming bese kaysa sa kahihiyang nadarama na hindi niya alam kung paano pakikitunguhan.





STAY WITH ME Where stories live. Discover now