"I...I won't grudge you for that Papa."
"And you have proven yourself beyond my expectations Jema. Mabuti kang ina, marangal na asawa, masunurin kang manugang kahit na alam mong malayo ng loob ng Asawa ko sayo...na kaya lang niya pinahintulutang pakasalan ka ni Dean ay dahil kay RJ. Gusto kong malaman mong hindi ko pinagsisihang tinanggap kita sa bahay na ito. Inasam kong maging maligaya kayo ng aking anak."
"Kailan ninyo natiyak na hindi alam ni Dean ang tungkol sa totoong ina na RJ.?" she choked on her words.
"Noong panahong pinipilit ko siyang umuwi. Tinanong ko siya tungkol sa kapatid mo. He was firmed in saying he hadn't know her."
"Lasing siya." anas niya.
All the bitterness was gone and only sadness was in its place.
"Wala siyang maalala sa gabing iyon maliban sa nakilala niya ako.""Bakit inilihim mo sa anak ko ang totoo.?"
"Noong una akong magtungo rito'y suporta para sa anak ng kapatid ko lang ang sadya ko. Maybe a trust for his education, a medical care should he gets sick. Nothing more. Hndi ako nakatitiyak kung kaya ko siyang buhayin, ni hindi ko natapos ang pag-aaral ko." she paused for a moment.
"Nang matiyak kong hindi lang suporta ang gustong mangyari ni Mrs.Wong kundi kunin ang pamangkin ko sakin ay natakot ako. Ang sarili kong ina'y namatay dahil sa atake sa puso nang malamang nagdadalang-tao kapatid ko pero walang ama, na siyang dahilan para mawalan ng trabaho ang kapatid ko. Ang unang atake ng mama'y nang mamatay si papa.
Tatlong buwan pagkamatay ni Mama'y nanganak ang kapatid ko,premature. She had to give birth a month ahead of the term. May sakit na siya at baka hindi makakabuti sa batang umabot pa sa full term. She delivered her son through C-section and died four months later of pneumonia.Sinikap kong buhayin ang pamangkin ko..pero hindi ko alam kung paano. Wala akong trabaho at kung magkakatrabaho man ay saan ko siya iiwan? Hindi ko kayang maiwan ang sanggol sa ibang tao. Nang minsang lagnatin si RJ ay natakot ako paano kung magkasakit siya at hindi makuha sa paracetamol drops?
Iyon ang sandaling ipinasya kong dalhin siya sa inyo. I was confused... I was scared. Then there was the threat that your family might take him away from me. Si RJ na lang ang natitira sakin."
Sob after sob wrenched her body. The old pains of losing her parent and sister resurfaced.Lumapit ang biyenan at puno ng simpantyang hinaplos siya sa likod.
"I'm sorry Jema. Nasa report lahat iyan ng P.I na iunupahan ko. Isa sa mga dahilan kung bakit hinayaan kitang magpatuloy sa kasinungalingang anak mo si RJ. Itinuring kong isang kawanggawa ang pagkupkop sayo kahit na nga ba sa pamamagitan ng pagpapakasal ninyo ng aking anak. So i had sent you to school and let you finish your studies.
Noong una'y hindi ako naniniwalang isang Wong ang bata, subalit sa paglipas ng panahon ay unti-unting naglaho ang pagdududang iyon at kung nagkataong hindi man, natutunan na naming mahalin ang bata. Nothing can change that."May ilang sandaling hinayaan siya nitong umiyak nang umiyak. Pagkatapos ay itinayo siya.
"Sabihin mo kay Dean ang totoo Jema. Iyan lang ang alam kong solusyun sa suliranin ninyo ngayon.""Hindi ko kaya Papa." she shuddered.
"Hija." malumanay na wika ng matanda, lifting her chin with his finger.
"My son couldn't be more hurt or angered than he is right now because you rejected him. Naniniwala ka ba talagang mas kasusuklaman ka niya kapag sinabi mo ang totoo.?""Yes, he would." paniniyak niya
"Naniniwala si Dean na isa akong tapat at hindi sinungaling paano ko sasabihin sa kanya ang salitang iyan.?""Sasabihin ko sa kanya na makipagkita sa atin sa Study room bukas ng gabi. I'll act as a referee for the first few minutes." suhestiyon ng matandang Wong.
"Iyon ba ang mabuti Papa.?" puno ng takot at alinlangan ang tinig niya.
Gaano man kakumplikado ang lahat, wala pa ring mabuti kundi ang pagiging tapat Jema."
Pakiramdam ni Jema ay iyon ang pinakamahabang sandali ng buhay niya. Tila bumagal sa pag-ikot ang mga kamay ng orasan. Hindi niya maawang ipanatag ang sarili. Ilang minuto na lang ay darating na si Dean. Nais niyang asaming huwag na itong dumating, but that would be prolonging the agony, like the Sword of Damocles...hanging above her, threatening.
Sinisikmura na siya sa nerbiyos at nanginginig ang mga kamay niya. Pagkatapos magbihis ay lumabas siya ng silid at tinungo ang study room. Nasa likod ng executive desk ang biyenang lalaki. Natitiyak niyang wala pa si Dean.
"Please sit down Jema, and for heaven's sake calm yourself." umiiling ito sa nakikitang anyo niya.
Naupo siya sa sofa. Kasabay ng paglapat ng likod niya sa sandalan ay ang pagpasok ng kotse ni Dean sa garahe. Humigpit ang pagkakahawak niya sa armrests at kinakabahang tumingin sa biyenan.
"Everything will be all right Jema." pampalakas loob ng biyenan.
Wala sa loob siyang tumango. Napapitlag siya nang isang warning knock ang narinig mula sa pinto at pagkatapos ay bumukas iyon at pumasok si Dean.
"Sorry, Im late." ani Dean, subalit wala sa tono nito na humihingi ng paumanhin.
"Ano ang paguusapan natin Papa---" His mouth snapped shut into a grim line whem he saw Jema. Then he glared at his father.
"Akala ko'y mag-isa ka lang."
Tumalikod ito upang lumabas muli nang umalingawngaw ang malakas na tinig ng Papa niya."Damn it Dean! Come back here.!"
"Mag-usap tayo kapag wala ka nang kasama Papa."
"Pag-uusapan natin ito ngayon. At hindi aalis si Jema.!"
Jema bit her lip. The knowledge that he couldn't stand to be in her company was a physical pain in the heart.
"Papa hindi ko gustong maging bastos. But this is none of your business."
"I am making it my business Dean. Sa pag-uusap na ito naksalalay ang kaligayahan ng aking apo."
"Kung narito ka para gampanan ang papael ng isang marriage counselor, makakabuting kausapin mo muna si Jema." umismid ito, matalim na tumingin sa kanya.
"I've done that. Kayo naman ngayon ang mag-usap. Now, close the door and sit down."
Pabalyang isinara nito ang pinto at naupo malapit sa kanya.
"All right, let's get it over with." he muttered, sumulyap ito sa relong suot niya.
"May dinner date ako mamaya.""Kay Avery.?" hindi niya napigilan ang sarili.
"May pakialam ka ba.?" he sneered.
"Tama na yan." awat ng matanda.
"Hindi tayo narito para magpalitan ng insulto.""So, why am i here Papa? Pag-uusapan ba natin ang unnulment? Kung iyan ang pag-uusapan natin, gusto kong malaman mo na gagawin ko ng lahat para sakin mapunta ang anak ko."
Ang mapait na paghihiganti sa tinig ni Dean ay nagdala ng takot kay Jema. He hated her. Walang silbi ang paghaharap na ito.
YOU ARE READING
STAY WITH ME
RomanceJedean story po ito😄 Lalake po dito si deanna .. Rolf Dean Wong / Dean Jessica Margarett Galanza / Jema