Chapter 15

3K 82 11
                                    

  Nang sumunod na araw ay magkakasama silang tatlo sa pamamasyal. Nakita niya ang matinding kasiyahan sa mukha ni RJ na magkakasama sila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ni Jema na kabilang siya bilang miyembro ng isang pamilya. Ang kasiyahang nararamdaman niya ay nawala nang isang umaga'y mabasa niya ang mensahe ni Dave sa cellphone niya. Nakikipagkita ito sa kanya sa mismong araw na iyon.
    Nitong mga nakalipas na araw ay gusto niya itong kausapin subalit hindi siya magkaroon ng panahon. Marahil ay ngayon na ang pagkakataong iyon. Kailangan lang niyang mag-isip ng dahilan kumg paano makikipagkita rito.

   Pagkababa niya ay naabutan niya ang mag-ama na sabay na nag-aagahan.

"Hi Mommy.!". bati ni RJ

" Morning sweetheart." aniyavat luingon kay Dean.
" Morning."  Naupo siya sa tabi ni RJ.

"Hindi kana namin ginising." ani Dean.
"Alam naming napuyat ka kagabi." wika nito.

She shrugged.
"Ikaw na muna ang maghatid kay RJ sa school."

Nagsalubong ang mga kilay nito.
"Why.?"

"May...lakad ako. Sale ngayon sa Manila Seedling. Gusto kong bumili ng orchids na ipinangako ko sa Mama." hindi naman siya nagsisinungaling sa bagay na iyon. Nangako siyang maghahanap ng ganoong uri.

"Hindi ka naman siguro magtatagal. Why don't you meet me for lunch.?" suhestiyon ni Dean

"Huwag na baka matagalan ako sa manila seedling. Isa pa'y traffic at bago makarating sa Makati tiyak na alos-dod na."

"Well...",  Nagkibit ito ng mga balikat, ipinagpatuloy ang paginom ng kape.
" Some other time maybe."

Tila nabunutan siya ng tinik sa narinig, itinuon ang pansin sa pagkain.



Pagkaalis ng mag-ama ay agad siyang nagbihis. Tinawagan niya si Dave at sinabi kung saan sila magkikita. She dismissed the guilt she was feeling. Mabuti ang intensiyon niya sa pakikipagkita kay Dave. Hindi lang niya sinabi kay Dean. Hindi nito maiiintindihan iyon.
      Pagkaparada sa tapat ng isang restaurant ay isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago bumaba. Kahit paano ay naroon ang hindi maiwasang guilt na para siyang may ginagawang masama.
Sa loob ng restaurant ay sinalubong siya ng receptionist.

"I'm supposed to meet Mr.Sandoval here. Dumating na ba siya.?"

"Mr.Sandoval....". tumingin ito sa hawak na record.
" Oh, yes ma'am. Please follow me." iginaya siya nito patungo sa naka reserved na mesa.

Siya mismo ang pumili ng restaurant na iyon dahil marami ang kumakain doon  kung may makakita man sa kanila'y hindi magiisip nang masama. Tumayo si Dave nang matanaw siyang palapit.

"Akala ko'y hindi kana darating.". hinila ito ang silya para sa kanya. Nang tanungin ng lumapit na waiter ang order nila ay sinabi nitong mamaya na sila oorder.

" Dave..". agad niyang sabi nang makaupo silang pareho. Her voice quivering.
"Gusto kong sabihin sayon na ito na ang una at huling pagkakataong makikipagkita ako sayo."

Nagsalubong ang mga kilay nito.
"Ano ang ibig mong sabihin.?"

"I'm sorry. But i can't meet you anymore. Gusto kong sabihin sayo sa telepono pero minabuti kong personal kong ipaliwanag sayo."

"Bakit.?"

"Napagusapan namin ni Dean na bigyan namin ng pagkakataon ang aming pagsasama."

"What.?"  pinigil nito ang pagtaas ng tinig.
"Hindi ba't sinabi mong dahil lang kay RJ kaya kayo nagsasama? Bakit biglang-bigla na lang napagisipan ninyo iyan? Pagkatapos ng halos apat na taong hindi kayo nagkikita ay gusto ninyong maging makatotohanan ang pagsasama ninyo.?"

STAY WITH ME Where stories live. Discover now