Chapter 07

3.2K 85 1
                                    

"M-may kailangan ka''
Hindi ito kumibo sa halip ay itinaas nito ang kamay at hinawakan siya sa braso at hinila sa may sulok at ikinulong sa mga busig nito.
" D-dave, what are you---" she saw it coming. Hindi niya makuhang magingay dahil kinakabahan siya sa magiging resulta niyon. Nang bumaba ang mga labi nito upang hagkan siya'y iniwas niya ang mukha sa sulok ng mga labi niya dumapo ang halik nito.
"Oh Jema...." he moaned, drawing her closer to him.
"Wala kang karapatang gawin ito dave." Protesta niya at nagpumilit na makawala rito subalit ikinulong ni dave sa mga palad nito ang mukha niya at itiningala siya.
"Wala siguro sa katinuan ng pagiisip si Dean ng iwan ka." he murmured.
"Marahil nga." wika ng tinig mula sa likuran nila.

With a horrified gasp, kumalas si Jema sa pagkakayakap ni dave sa kanya at nilingon ang pinanggalingan ng tinig. Its insolent arrogance immadiately recognizable.

"D-dean.." halos hindi lumabas sa
Lalamunan niya ang tinig. Sa entryway ng kusina at pantry room ay nakahilig si Dean, ang isang kamay ay nasa bulsa na suot na pantalong maong.

"My lovely wife... and my father's managing director. What a sight to behold." sarkastikong sabi nito.
"Matagal kang nawala Dean, hindi na sa iyo si JemA." Dave declared boldly wala kahit na kaunting remorse sa tinig.
"Really.?" wika nito na umangat ang mga kilay at pagkatapos ay pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Natulos sa kinatatayuan si Jema. Magkahalong emosyon ang sabay-sabay na umahon sa dibdib niya. Pero hindi kabilang doon ang guilt dahil wala siyang ginagawang masama at hindi niya kagagawan ang hindi magandang tagpong inabutan ni Dean..
Sa halip ang sama-samang pumupuno sa dibdib niya'y pagkabigla sa walang abisong pagdating ng asawa.. Kalituhan sa sinabi lang ni dave dito; at takot, Takot na unti-unting namumuo sa dibdib niyA..

Hinawakan siya ni Dave sa braso. "Tayo na sa labas Jema." utos nito.
"Don't push your luck, Dave." Dean warned dangerously. "Hindi ko gustong magkaroon ng iskandalo sa anniversary party ng mga magulang ko. Iyon lang ang dahilan kung bakit nakatayo ka pa."
Napasinghap si Jema. Gumapang ang takot sa katawan niya. Siya na mismo ang nagpakawala sa sariling braso mula sa pagkakahawak ni dave. Nakikita niya ang namumuong galit sa mga mata ng asawa na tinatakpan lang ng mahinahong tinig. She believed Dean was capable of physical harm.
Inihakbang niya ang mga paang tila may nakakadenang bakal palapit kay Dean. Pagkatapos ng dalawang hakbang ay napahinto siya. Hindi niya matiyak ang susunod na ikikilos sa halip ay hinagod niya ng tingin ang mukha nito. Hinahanapan niya iyon ng pagbabago sa nakalipas na tatlong taon at kalahating nawala ito sa paningin niya.
He was darker tila isa na itong arabiano sa kulay ng balat. Ang his face was leaner and more uncompromising than before at nangingitim ang paligid niyon sa ilang araw na stubbles. Sa tig-isang sulok ng naniningkit nitong mga mata ay ang mga pinonh linya. He must be 25 now and handsome than ever, with the more rugged overtones..

"Pwede ka nang lumabas Sandoval." utos ni Dean kay Dave, ang malumanay na tinig ay mapanlinlang. His eyes were like daggers. At nanatili ang mga iyong nakatuon sa namumutlang mukha ni JemA.
Tumiim ang mga bagang ni dave at nilinga siya.
"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong matakot JemA. Pagisipan mo ang mga sinabi ko sayo. You don't need a long distance husband lalong hindi kailangan ng anak mo ang isang amang sa loob ng mahigit tatlong taon ay ngayon lang makikita." Pagkasabi nito'y tumalikod na ito at nilampasan si Dean.
Hindi pa ito gaanong nakakalayo nang humakbang palapit sa kanya si Dean. Marahas siya nitong hinawakan sa mga balikat.
"You bitch!." he muttered savegely ang mga daliri nito'y halos bumaon sa laman niya. "Hindi iyan ang inaasahang kong pagsalubong sa akin mula sayo.! At sa mismong pamamahay ko.!"

STAY WITH ME Where stories live. Discover now